Bakit Patuloy na Naghihirap ang Mahihirap?

23 2 0
                                    

Sa aking paglalakbay,

Katanungan ang nabuhay.

Sa pagdaan ko dito sa kanto,

Sa lugar ng Maynila kung saan natatago.

Batid kong 'di lang dito nagaganap ito.

Mga batang sa edad dalawa hanggang tatlo,

Mga katawan'y hubad, mga walang saplot.

Palakad-lakad sa tabi, patakbo-takbo sa dulo.

Mga batang edad lima hanggang walo,

Akala mong nasa tamang edad para magbanat ng buto.

Mga matatandang nasa singkwenta hanggang pitongpu,

Mga dapat nagpapahinga pero sa kalye ang tungo.

Para maghanap-buhay sa basurang naririto.

Mga kabataang nasa dose hanggang labing-walo,

Abala sa pagpupulot ng bakal, bote at dyaryo.

Ang mga kabataang kababaihan naman,

Sa paglalabandera naghahalinhinan.

Mga magulang na walang hanap-buhay,

Narito nakatambay sa kanilang mga bahay.

Ang mga tahanan nilang pinagtagpi-tagpi,

Mula sa kahoy, sako at yerong maliliit,

Tahanan ng pamilyang may populasyong malaki.

Ang pagsasaluhan ng sa kanilang lamesa,

Kalahating kilong bigas para sa isang pamilya.

Toyo at mantika na kapares ay sapat na.

Kung suswerehin ang haligi ng tahanan,

Mayroon ka nang tuyo at kamatis sa hapag-kainan.

Kung suswertehin pati ilaw ng tahanan,

Mayroon ka nang itlog at manok sa mesang hainan.

Kung suswertihin si ate at kuya,

Mayroon nang adobong manok para sa buong pamilya.

Para sa sanggol na wala pang isang taon,

Sususo ng tubig imbis na gatas na naaayon.

Ang komunidad ng mga pamilya dito,

Kundi malapit sa basurahan, malapit naman sa peligro.

Mga kabahayan nilang hindi matindig,

Baka bumagsak sa sapa, mula bubong hanggang sahig.

Ang mga kubetang pampamilya,

Sa itim na sapa ang pagsasadya.

Kalinisan para sa kalusugan,

Sadyang nakakabahala.

Bakit ganito ang depinisyon ng kahirapan?

Bakit parang wala lang sa mata ng kataas-taasan?

Naaabutan naman ba ng tamang suporta?

Mula sa lokal na pamahalaan ng Manila?

Idamay mo na rin, lokal ng ibang probinsya.

Bakit sa hinaba-haba ng panahon,

Bakit ang mahihirap hindi pa rin naiaahon?

Sila pa ba ang kailangang lumapit sa nakakataas?

Anong silbi ng posisyon mo kung isa ka lang nagmamataas?

Kailangan pa ba nilang maglahad ng kamay?

Bakit hindi ikaw ang lumapit at mag-angat ng hukay?

Pahirap ng pahirap, mga gan'tong sektor ng Pinas.

Hanggang ngayon ba wala pa ring lunas?

O dapat munang lunasan, mga kamay ng mandurugas?

Kanino ba dapat isisi ang kahirapan?

Sa taong bayan ba o sa kataas-taasan?

Hindi ba parang pareho lang naman?

Pareho silang may kasalanan.

Pero kung magtutulong-tulungan,

Kahirapan ay mababawasan.

Magkaisa, magsama-sama para sa kaunlaran.

Nawa ang nasa taas na nakaluklok,

Tumingin sa baba, tingnan ang nasusukdol.

'Wag magbulag-bulagan sa kalagayan ng narito,

'Wag magbingi-bingihan sa hinaing ng mga ito.

Kayo namang mga nasasakdal sa baba,

Tumingin sa taas, 'wag basta magmakaawa.

Hakbangin bawat baitang pataas sa pagtutulungan,

'Wag kang pumirmi sa'yong nilulugaran.

Ang nasa taas at baba, dapat magtulungan.

Para pareho n'yong maabot ang kaunlaran.

Narito ako para lamang maghayag,

Ng dapat gawin ng taas at baba.

Ako'y nagbibigay lamang ng isang suwestyon,

Nasa sa inyo pa rin kung inyong itutugon.

Hindi ba sumasakit ang inyong mga mata?

Sa araw-araw na sitwasyong gan'to ang nakikita.

Hindi ba nasisira ang inyong sikmura?

Sa araw-araw na pagdurusa?

Kayong nasa taas, kayong nasa baba,

Ilahad ang palad at maghawak kamay.

Tulungan ang dapat tulungan,

Itaguyod ang dapat itaguyod.

Para sa kaunlaran at sa ikaaayon.

Para sa bansang walang pagkakaisa sa ngayon.

Si Hindi ko Alam na ngayon'y nagsusulat,

Hindi mataas, hindi rin mahirap.

Isa lamang akong simpleng mamamayan,

Na saksi ng mga kahirapang ganap sa bayan.

Minsang humiling ng kaayusan,

Para sa 'king bayang kinatatayuan.

Mga nasusukdol sa kahirapan,

Mga nasa posisyon sa kataas-taasan,

Naririnig n'yo ba ang bawat taludturan

Ng aking tula-nobelang pupukaw sa ilan?

Kung oo, humayo at magsimula na tayo.

Kung hindi, pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko.

Nasa sa inyo ang kapalaran ninyo,

Bahala na kayo kung ayaw n'yong makinig dito.

Hindi ko Alam kung Bakit ko 'to IsinulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon