Bakit ang Dami N'yong Sinasabi?

36 8 0
                                    

Magandang umaga, sambayanan!

Ang mananalaysay, narito na naman.

Upang maglathala ng kaganapan sa bayan.

At bungad ng bayan, maingay na bangayan.

Sa sarap ng aking paghimbing,

Dito sa ilalim ng limlim.

Sa ingay ng paligid, ako'y nagising.

Dinaig pa ang tilaok ng manok sa bukirin.

"Si Inday nakita ko sa kanto may lalaki!"

"E, 'yung asawa ni Inday nambababae!"

"Nabalitaan kong buntis kinse anyos na anak ni kumpare!"

"Nakita ko namomokpok sa Alabang si Nene!"

Putak dito, putak doon.

Ang sarap naman ng gising ko ngayon.

"Mawalang galang mga kababaihan,

Maaari n'yo bang pakihinaan man lang?

Ang aking pagtulog na kay sarap,

Ay nabitin sa inyong pag-uusap."

Matatalim na mata ang kanilang hatid,

At ang isa sa kanila ay nagpabatid,

"Ito 'yung pulubing baliw na paikot-ikot daw sa Manila."

"S'ya ba 'yun? 'Yung akala mo kung sinong manunula?

'Yung nakikipagbalagtasan makipag-usap?"

"Oo s'ya nga! Kita mo naman, tanga!"

"Hayaan n'yo na 'yan! May sira na ulo n'yan!"

Samu't saring salita aking natanggap,

Ngunit hindi naman iyon sa akin nagpahirap.

"Una sa lahat, hindi ako nasisiraan ng bait.

Sadyang ang panahon ko sa akin'y pinagkait.

Isa akong manunulat at mananalaysay,

Na nagmula sa nakaraan, dito ngayon ang saysay.

Hindi ako pulubi dito sa Manila,

Isa ako sa may pakialam sa ating bansa.

Hindi ako naparito para lamang makipagtalastasan,

Narito ako para magbukas ng isipan.

Hindi rin ako naparito para magyabang,

Narito ako para masagot ang aking mga katanungan.

At nang ako'y makabalik na sa aking pinagmulan."

Tiningnan lamang nila ako ng masama,

At ang isa kanila ay biglang nagsalita,

"Baliw na nga."

Sa kabila ng lahat ng aking pananalita,

Sila'y tumalikod at umalis na nga.

Bakit ganito mga tao ng lipunan?

Basta-basta na lamang makipagsalitaan.

Uungkat ng balita, mali-mali pa.

Makikisawsaw sa balitang, walang ebidensya.

Sagad-sagaran kung makapanghusga,

Ni hindi man lamang inalam buong istorya.

Ako si Hindi ko Alam, hindi pulubi.

Ako ay napadpad dito, hindi para manghingi.

Hindi ko Alam kung Bakit ko 'to IsinulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon