Prologue

55 4 2
                                    

Maririnig sa buong paligid, na ang tanging ilaw lamang ay ang buwan, ang tawanan ng dalawang bata na tila ba nasisiyahan sa pagbibilang ng mga bituin sa kalangitan.

"Walang iwanan ha? Peksman?" Seryosong sabi ng malabong imahe ng batang babae habang nakatingin sa kasamang bata.

"Wag mo rin akong kalimutan." Dagdag pa nito habang nakangiti.

Sasagot na sana ang batang lalaki nang biglang dumilim at ang sigaw na lamang ng batang babae na tila ba may tinatawag ang pumailanlang.

Napabalikwas ng bangon si Ken at hinihingal na para bang nanggaling sa karera. Gabi-gabi nalang niya napapanaginipan ang parehong pangyayari, parehong mga tao pero pareho ring nauudlot.

Alam niyang siya iyong batang lalaki pero isa paring malaking katanungan para sa kanya kung sino iyong babae na palagi niyang napapaginipan.

Kinuha niya ang kanyang larawan noong bata pa siya at napatanong nalang sa sarili.

"What really happened in my past?"

Under the Moonlight (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon