Para bang ang bilis ng panahon at 3pm na, muntik ko pang makalimutan na magkikita pala kaming dalawa ng "partner" ko sa library. Dali-dali kong kinuha ang aking mga libro at lakad-takbo na ang ginawa ko patungo doon dahil may kalayuan ito galing sa aming room, atsaka baka naghihintay na yun sakin.
Alam kong nahuli ako ng 3 minuto dahil na rin siguro sa hinihingal ako kaya nilalakad ko nalang imbes na tumakbo.
Pagdating ko, di ko alam kung ako lang ba o talagang napapaligiran talaga siya ng dark aura habang masamang nakatingin sa akin. Agad rin akong yumuko at nagkamot saking batok.
"Sorry natagalan ako. Ang layo-layo kasi--"
"You know what? You've just wasted 3 minutes, edi sana nakasimula na tayo ngayon kung maaga kang dumating."
Napaka talaga netong lalaking 'to. Akala mo naman isang taon yung lumipas bago ako dumating dito, eh 3 minuto lang naman. Kung di lang talaga dahil sa grades, di ko to pagtyatyagaan eh.
"Sorry ha? Kasalanan ko bang ang layo netong Library. Wag kang mag-alala 'pag may oras ako, kakausapin ko si Principal sasabihin ko ipalipat 'tong library sa tapat ng room natin para naman di ka na magreklamo. Sungit." Sabay todo ngiti.
"Ba't ang tagal mo dumating? Kung ano yung usapan, dapat sundin. Late ka na naman ng 10 minuto." Sabay pitik sa noo ko.
"10 minuto lang naman eh, sorry na." Pagpapacute ko sa kanya na alam kong tumatalab.
Bakit bigla kong naalala yun? Missin' the old good days, I think. At mapakla akong napatawa.
"Stop spacing out. It can't help in finishing our activity."
Bigla akong napabalik sa wisyo ng magsalita 'tong nasa harap ko. Kahit kailan talaga napakasarap tirisin ng lalaking 'to.
"Let me know your name first, atleast?" Kahit ang sarap na niyang batukan, kailangan ko parin maging mabait sa kanya para matapos namin 'tong activity.
"Is it really necessary? Really?"
Okay, I've had enough. Tatawagin ko nalang siyang Yelo tutal sinlamig rin ng kanyang pagkatao ang yelo kaya bagay na bagay sa kanya.
"We should use the last scene, when Romeo killed himself for Juliet. I think that's the most exciting scene eventhough that's the dumbest thing to do for a girl." Tugon niya ng walang kaemo-emosyon.
"When you love a girl you're willing to do anything for her even if it takes your life." Sagot ko sa sinabi niya. Grabe ang bitter naman netong lalaking 'to. Parang napakalaki ng kasalanan ng mundo sa kanya.
Pagkatapos naming mapagdesisyunan na ang scene na iyon ang aming iuulat ay siya ring pagtunog ng bell, hudyat na tapos na ang aming free time at oras nang bumalik sa classroom.
Agad-agad siyang tumayo, di man lang nagpaalam at bigla nalang naglakad paalis. Napakawalang-modo talaga netong Yelo nato. Hinabol ko siya at pinantayan sa paglalakad. Hanggang makarating sa aming room, wala parin kaming imikan at talagang mapapanis na 'tong laway ko.
"Mr. Kenneth Najera? You are called by the Principal, please follow me." Naagaw ang atensyon namin ng may isang estudyanteng babae ang tumayo sa harapan namin at nakatingin kay Yelo, sa tantya ko SSG President 'to kasi may nakalagay na pin sa uniform niya.
So Kenneth pala ah. Now I know. Tumango lang si Kenneth at umalis kasama yung babae kanina at dahil isa akong dakilang tsismosa, sinundan ko sila. Nagtataka lang naman ako kung bakit pinapatawag siya, baka kasi may ginawa siyang kasalanan, pero magkasama kami kanina eh.
Pumasok na sila sa Principal's Office habang ako naman ay inilapit ang tenga sa pintuan. I know it's bad to eavesdrop but I can't help it.
"I called you here Mr. Najera, because I want you to represent our school this coming English Festival, and I want you to join the Quiz Bee. We will be inviting different schools to join since this is an interschool competition. But our problem here is there must be two representatives per school in order to join the quiz, Abegail and the others can't participate since I assigned her to help in covering up all the happenings during the time, for our school paper publication. This Festival will be next month. Wala na tayong ibang oras kaya ikaw nalang talaga ang inaasahan ko at para na rin makahanap ng kasama mo Hijo."
"Ako na po ang bahal--"
Di ko alam kung bakit pero bigla kong binuksan ang pintuan at dali-daling tumayo ng tuwid at puno ng confidence na ngumiti sa Principal.
"I'm sorry to eavesdrop Mrs. Sororea but I'm willing to volunteer in the upcoming English Festival and be Kenneth's partner." Sabay tingin sa gulat pang mukha ni Kenneth.
This is my chance to prove myself in the school, and it's also a good opportunity for me. Alam kong di kami masyadong "magkaintindihan" ni Kenneth pero alam ko we'll make a great team. He's pretty smart and I'm also smart, I know we can beat every student from various schools.
Biglang ngumiti ang Principal sabay sabi, "Di ka na pala mamomroblema sa paghahanap, may nagvolunteer--"
"We can't choose her Ma'am she's just a transferee and we still don't know her capability. What if we fail Ma'am?"
I felt a pang in my heart. Wala pang kahit na sino ang nagmaliit sakin, siya palang. Ang sakit pala talagang mahusgahan ng ibang tao kahit di ka pa nila kilala.
"She passed the scholarship exam, which is pretty hard and I think that's enough reason. Let's just trust her Mr. Najera." Ani ng Principal, alam ko nakita niya ang pagkadismaya saking mukha nung sinabi iyon ni Kenneth. Well, who wouldn't be hurt by those words, such an insensitive person. Yumuko ako dahil bigla nalang ako naluha, bakit ba ako naaapektuhan sa sinabi niya. Kainis naman. Dapat di nila ito mapansin.
"Thank you Mrs. Sororea. I'll be going now. I'll do my best for the school." Lumabas na ako at tumakbo papunta sa isang bakanteng classroom at napayuko nalang habang inilalabas ang lahat ng sama ng loob ko, lalo pa't namimiss ko na ang aking pamilya.
"Juliet, Juliet, who made you cry?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita at may pares ng sapatos na nasa harap ko. Pag-angat ng aking ulo, nakita ko ang kasama kanina ni Kenneth at ang lalaking kasabay niyang pumasok kanina sa classroom.
Napatawa nalang ako dahil ginaya niya pa ang tono ng pagbigkas ni Leonardo De Caprio. Nang marealize niya kung anong sinabi niya, napatawa na rin ito. Ang sarap lang pakinggan ng boses niya habang tumatawa, ang manly.
"Sorry for that, talagang pinapatawa lang kita. Ayaw ko kasing nakakakita ng mga babaeng umiiyak." Sabay pakita sa malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi, ang sarap lang nitong kurutin. Kung gaano kalamig ang pagkatao ni Kenneth, kabaliktaran naman nun ang pagkatao netong lalaking 'ito, parang walang problema eh.
Napatulala pa ako sandali. "Ah wala lang yun, namimiss ko lang kasi ang pamilya ko, di kasi ako sanay na mawalay sa kanila." Nakakahawa ang ngiti niya, kaya napangiti na rin ako.
"Para di kana malungkot, halika kain tayo sa Cafeteria. Ito oh." Imbita niya sabay bigay ng panyo niya sakin.
Tinanggap ko ang kanyang panyo at ipinunas sa mukha ko, pinasok ko rin ito sa bulsa ko pagkatapos. Nung nakita niyang parang nagdadalawang-isip ako kung sasama sa kanya o hindi ay bigla nalang siyang napatawa.
"Oo na, libre ko na. I'm Prichard Luke but you can call me Prich and you're Ms. Kryzea right? Nice meeting you." Sabay shake hands sakin. Bakit ba ngiti ito ng ngiti? Lalo tuloy sumisilip ang dimples niya.
"Oo. Tara na at nagugutom na ako. Uubusin ko yang pera mo." At napahalakhak ako ng mawalan ng kulay ang mukha niya. Di naman 'to mabiro, ano akala niya sakin sobrang patay gutom? Patay gutom lang kaya.
Habang naglalakad patungo sa cafeteria, nahahagip ko ang tinginan ng mga estudyante samin, sino ba namang hindi titingin sa dalawang tao na anlalakas tumawa habang naglalakad. Eto kasing si Prich parang di nauubusan ng mga biro ginagaya niya pa ang boses nina Spongebob pati na rin kay Squidward at ang kilos ni Mr. Bean. Parang baliw lang, pero ang cute niya parin tingnan.
Pero bigla ring naglaho ang tawanan naming iyon nang tawagin ni Prich ang pangalan ng taong sinlamig ng yelo at ang nangmaliit sakin kanina.
"Uy Ken! Papunta kaming cafeteria, sama ka? Kilala mo na naman 'to siya diba? Partner kayo kanina eh." Sabay turo sakin.
Napatingin ako kay Kenneth at para bang gusto ko nalang bawiin ang desisyon kong iyun dahil para akong nasusunog sa tingin na iginagawad niya sakin.
"Why are you acting like that Kenneth?"
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (On-going)
De TodoSomewhere back then, two hearts made a promise. But what if one heart forgot? Will they still be able to find each other again? Or will they just live their lives without the acquaintance of each other? Will they just forget each other forever? Or w...