Chapter 6

7 0 0
                                    

"So you've already met my friends huh? My family's next, then?"

Pagkarinig ko nun, parang lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat papunta sa mukha ko. Di ko alam anong nangyayari sakin. Sigurado akong pulang-pula na ako ngayon. Ano ba kasi ang pinagsasasabi ng lalaking ito?

Ngunit nabawi ang atensyon ko nang marinig ko ang malakas niyang pagtawa na talagang umalingawngaw sa buong cafeteria. Napatitig nalang ako sa namumula niyang mukha dahil sa kakatawa. This is my first time seeing him laugh, I thought he's a serious type of guy na yung tipong di marunong tumawa. Yung mga kaibigan niya, wala paring imik sa sinabi niya.

"You should have seen your face! It's epic!--" Patuloy parin niyang tawa. Pinagtitripan talaga ako ng lokong 'to.

Nung nakabawi na ako sa sinabi niya, bigla akong tumayo at piningot ang tenga niya. Akala niya natutuwa ako sa sinabi niya, pinahiya niya ako sa harapan ng mga kaibigan niya.

"A-ara-ay! B-bitawan mo ako!" Nasasaktang sabi niya.

"Pinagtitripan mo ba ako ngayon Mr. Najera? Kung wala kang magawang matino, wag mo 'kong sinasali sa mga kalokohan mo. Akala ko ang tino mong tao, pilyo ka rin pala!" Nanggagalaiti ako sa galit ngayon. Di ko alam kung bakit. Nadismaya ka kasi sa sinabi niya, akala mo totoo naririnig kong wika ng utak ko.

"I-i was just joking! Let go of me!" Napapansin ko na ang pamumula ng kanyang tenga kaya binitawan ko nalang. Buti nalang talaga at may katiting na kabutihan pang natitira sa aking pagkatao.

Pansin ko ang pagtingin ng mga estudyante sa gawi namin. Pagbaling ko kay Ken, hinihimas niya parin ang kanyang tengang hanggang ngayon ay namumula pa.

"Are you okay bro?" Pabirong tanong ng kanyang mga kaibigan sa kanya.

Annoyed is written in his face, and I bet it's because of what I did.

"Sa tingin niyo, okay lang ako? Ha?" Pabalang niya namang sagot sa kaibigan nito.

Mahina akong napatawa sa sinagot niya, ngunit bigla rin itong naputol nang biglang inilapit ni Ken ang kanyang mukha sakin. I can already feel his breath, smells like mint.

"Do it again, and I'll kiss that thin lips of yours until it gets sore." Walang pag-aatubili niyang sabi habang titig na titig saking mga mata. Bigla nalang akong napalunok dahil sa kaba. Then I saw him grin.

"Why? Are you afraid?" Patawa pa nitong sabi. Habang ako'y nakatungo lang at di alam ang isasagot.

Hanggang matapos ang break, di parin mawala sa isipan ko ang sinabi at ginawa nung lokong yun sa cafeteria. At di parin maiwasan ang pamumula ng mukha ko hanggang ngayon. Nagkaklase ang aming prof sa harapan pero wala sa kanya ang aking atensyon, dahil pilit pinapaalala ng utak ko ang nangyari sakin kanina at di ko maiwasan ang mainis. Pinahiya niya lang naman ako sa harapan ng mga kaibigan niya pati kay Prichard. Di ko tuloy alam kung paano ako makikitungo sa kaniyang mga kaibigan.

Nabalik rin ako sa wisyo nang maramdaman ko ang pagkalabit ng katabi ko sa balikat ko. Bahala siya diyan, di ko siya papansinin. Kahit mangalay pa siya kakalabit sakin.

"Pst."

Wag mong pansinin Kryzea, bahala siya diyan. Di rin nagtagal at tumigil na rin siya kakalabit sakin. Napagod siguro.

Pagkarinig ko palang sa tunog ng bell, dali-dali kong kinuha ang aking mga gamit at lumabas kaagad sa classroom. Di ko na pinansin ang sunod-sunod na pagtawag ni Ken dahil parang nahihilo ako at isa pa nahihiya parin ako sa ginawa niya sa cafeteria. Nararamdaman ko na naman ang panginginit ng pisngi ko. Bwisit ka talaga Ken!

Nang makarating ako sa labas ng gate, akala ko ligtas na ako sa kanya pero laking gulat ko nalang ng makita ko siyang nakasandal sa pader habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa at parang may hinihintay. Para siyang yung nasa teleserye na hinihintay ang kanyang nililigawan sa labas ng kanilang paaralan, pagkatapos pagkakaguluhan kasi ang gwapo niya. Kaso ang pagkakaiba nga lang, gwapo yung nandun sa teleserye pero siya? Hmm.. pwede na rin siguro?

Under the Moonlight (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon