Chapter 4

8 1 0
                                    

Naglalakad papalapit samin si Kenneth, at bawat hakbang na ginagawa niya ay siya namang kabog ng dibdib ko. Bakit ba ako kinakabahan, wala naman akong ginawang kasalanan.

Nang makalapit siya, akala ko susungitan na naman niya ako dahil sa inakto ko kanina dun sa Principal's Office pero nagulat nalang ako ng may iniabot siyang tuna sandwich.

"P-pi-inapabigay ni Mrs. Sororea sa'yo." Ramdam ko ang kaba sa kanyang tinig at halos di niya ako matignan sa mukha.

"A-anong gagawin ko dito?" Wala sa sariling tanong ko.

"Try mong sulatan, syempre ano ba ginagawa diyan? Diba kinakain? Stupid." Bubulong-bulong pa, naririnig ko naman. Atsaka malay ko ba, baka binigay sakin para ipabigay sa iba. Nagsusungit na naman tong Yelo nato.

Tinanggap ko nalang ayaw ko ng makipagkontra sa kanya, nagsasayang lang ako ng laway ko mas mabuti pa nga siguro mapanisan ng laway kesa makipagdebate pa dito sa lalaking 'to. And napakathoughtful naman ni Mrs. Sororea para bigyan niya ako neto kahit wala naman siyang kasalanan sakin.

"Mauuna na pala ako may meeting pa pala kami ng partner ko dun sa activity, maiwan ko muna kayo Ken. And nice meeting you Zea, see you later." Tango lang ang itinugon ko at ni Kenneth sa kanya.

"Ang duga naman! Sabi mo ililibre mo ako?"

"Wag kang mag-alala, Zea! Babawi ako sa susunod at dodoblehin ko pa!"

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Bago pa siya naglakad palayo, nag-iwan pa ito ng ngiti at kindat sakin. Napakapilyo talaga.

Awkward. Wala kaming imikan habang nakatayo at nararamdaman ko na ang pangangalay ng binti ko at alam kong naramdaman niya rin yun kaya siya na yung nag-alok na umupo kami sa may bakanteng lamesa.

Hanggang sa pag-upo wala paring maririnig kahit isang salita galing sa isa namin.

"I'm sorry--"

"I'm sorry--"

Sabay naming sabi habang napatingin sa isa't-isa at sabay ring nag-iwas ng tingin.

"Ikaw na muna mauna." Pagpapaubaya niya, himala at parang di na gaano kalamig yung boses niya.

"I'm sorry for eavesdropping awhile ago and butting in, in someone's business but I badly want to join and represent our school. I'll do my best, I promise." Sabi ko na may sinseridad.

Kahit masakit yung mga salitang sinabi niya, may kasalanan rin naman ako, di kasi ako yung mapride na tao.

"I-I'm also sorry for what I've said." Tugon niya habang seryosong nakatingin sakin.

I smiled. Di naman pala siya ganoon kasama, I guess. I stared at his face at saka ko lang namalayan na ang kinis niya pala parang nahiya ang mga pimples na tumubo sa mukha niya, ang tangos ng ilong at ang nipis ng labi idagdag mo pa ang nakakalunod niyang mata, those eyes that are full of emotions that you can't even read.

"And about our activity, I'll just inform you when we'll meet to finish it."

Tumango na lang ako at umalis na rin siya. Ewan ko ba pero parang may nararamdaman akong may kabaitan pa rin sa puso yung taong yun.

Lahat naman siguro tayo may kabutihan at kasamaan within ourselves diba? Ayon pa nga kay Sirius Black sa paborito kong nobela na Harry Potter, "The world isn't split into good people and death eaters. We've all got both light and dark inside us. What matters is the part we choose to act on. That's who we really are."

Pero basta yun nga. Hays. Makabalik na nga sa room at kukunin ko na yung bag ko nang makauwi na.

I'm pretty exhausted right now since ang daming nangyari ngayong araw.

Nang nakarating na ako sa apartment, nandun na agad si Andrea na prenteng nakahiga sa kama niya at may pangiti-ngiti pa habang nakaharap sa phone niya.

Buti pa tong babaeng to parang walang problema sa buhay niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tiningnan kung anong tinitignan niya. Yun pala, nanstalk sa facebook.

And wait, bakit parang mga mukha ni Prich yung nakikita ko?

"Hoy Andrea! Bakit mo tinitingnan mga posts ni Prichard?"

Nagulat siya bigla at bahagyang nalaglag yung phone niya sa kama at sakto pa talagang yung mukha ni Prichard ang nandun.

"May crush ka pala kay Prichard?"

"Wala kaya! Ikaw talaga Zea, kung anu-ano yung sinasabi mo! Sadyang sa post niya lang talaga tumapat nung binigla mo ako"

Sabi niya sabay pulot sa phone niya habang namumula yung pisngi.

"Sus, deny ka pa eh kitang-kita ko kaya. Kanina pa ako dito sa tabi mo 'no at puro pictures niya kaya nandun!"

Sabi ko sabay tawa. Dinideny nya pa talaga eh kitang-kita ko na.

"Ano ba yan! Walanghiya ka talaga. Oo na, nanstalk na ako. Kainis ka naman eh! Atsaka, paano mo nakilala si Prich?"

"At inamin mo rin." Tumawa ako.

"Magkaklase kasi kami sa tatlong subjects at nakapartner ko sa isang activity namin si Kenneth na kaibigan niya pala." Dagdag ko.

"Talaga? Magkaklase kayo? Ang swerte-swerte mo naman at nakaklase mo pa silang dalawa at tatlong subjects pa ha? Kung ako niyan, tatabi talaga ako kay Prich."

"Sa likod kasi yun umupo. Ewan ko ba at bakit hindi sila magkatabi ni Kenneth. Ayun, ako yung nakatabi niya"

"What did you say? Magkatabi kayo ni Kenneth? As in Kenneth, the Kenneth, the handsome and most intelligent in his batch, Kenneth Najera?"

"Most intelligent in his batch?"

"Yes. He is like the smartest and he's also very handsome -- pero mas gwapo pa rin si Prichard para sakin. Mga gwapo rin yung dalawang kaibigan nila -- sina Keith at Philip and like kilala talaga sila sa school na mga gwapo na, mayaman na, at mga matatalino pa! Pero like really? Totoong magkatabi kayo ni Kenneth? And anong sinabi mo kanina? Partners kayo? Totoo ba talaga itong naririnig ko?"

"Oo nga sabi eh. At hindi ko alam ha na ganun pala sila kasikat. Well, wala naman akong pake."

"Walang pake? Eh ang swerte mo kaya, girl! Kahit sino ata gustong mapalapit sa kanila pero malabo yun kasi masyado silang acads-oriented kaya parang sila lang din yung mga nagkakaintindihan."

Talaga palang hindi lang mukha ang maipagmamalaki nila. Pero, totoo din naman. But well, I don't really care much. I'm here to study hard and seek opportunities. Not for some boy hunting or whatever.

"Hay. Sana naman makaclose ko sila or kahit si Prich na lang." Dagdag niya pa at bumalik ng higa at itinuloy ata ang kanyang panstalk. Napangiti na lang ako.

Makabihis na nga at nang makakain at makapagreview na ako at nang makatulog ng maaga kasi napagod talaga ako ngayong araw. Pero alam kong masasanay din ako sa ganito.

Nang matapos na ako sa lahat, humiga na ako at bago tuluyang makatulog, napaisip ako.

"Ano kayang mangyayari sa akin bukas, sa susunod na linggo, buwan at taon?"

Under the Moonlight (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon