Kakalapag palang ng eroplano pero nararamdaman ko na ang maraming opurtunidad na naghihintay sa akin. I have always dreamt to be here --- be able to study at a known school, graduate with flying colors pero hindi na rin masyadong kailangan yun, at makahanap ng magandang trabaho para makatulong sa pamilya.
These are the things I've wanted to do and to be since I was a child. Things I planned with him when we grow up.
But now is not the time to reminisce.
I have to get going and find a place where I can live. An apartment perhaps.
Naghanap na ako ng taxi na aarkilahin at hindi naman masyadong nahirapan dahil andami nang nakapila sa labasan ng airport para maghanap ng pasahero.
"Saan tayo, Miss?"
Sumakay na ako nang matapos niyang ilagay ang aking maleta sa loob.
"Sa Ateneo po kuya."
Sa isang estranghero sa ganitong lugar, namangha ako sa mga naglalakihang imprastruktura na ngayon ko lamang nasilayan.
Sa mga artikulo at sa telebisyon ko lang nakikita ang mga ito ngunit iba pa nga rin pala kapag nasa harap mo na.
Naaliw ako sa mga tanawin at huli nang napagtanto na nasa harap ko na pala ang eskwelahan.
Nagbayad na ako at nagpasalamat kay mamang driver matapos maidiskarga ang aking maleta. Mabuti na lamang at wala akong maraming dala.
Kaharap ko na ngayon ang malaking unibersidad na siyang aking makakasama sa susunod pa na mga taon.
"Dapat yung maraming mga estudyante at mararaming mga gwapo!"
"Bakit ka pa maghahanap ng gwapo eh nandito naman na ako?"
"Nakakaumay na yung mukha mo eh. Gusto ko iba naman!" At muli kaming nagtawanan ng kinurot nya ako sa pisngi.
Brings back memories. Palagi ko nalang siyang naiisip. Eh sigurado namang kung nasaan na yun ngayon, masaya na yun sa buhay niya.
"Wala pa nga akong matitirhan, kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko!"
Nagtingin-tingin ako ng mga murang apartment at sa wakas nakarenta rin ako ngunit dalawa kaming babae sa iisang kwarto pero pumayag na rin ako kasi malapit lang rin ito sa unibersidad, mga 20 minuto lang siguro ang lalakarin.
Inayos ko na ang aking mga gamit sa tamang lagayan at napahiga at napapikit nalang sa kama dahil sa pagod. Nagising ang aking diwa ng may kumalabit sakin.
"Huy. Nag-aaral ka rin ba sa Ateneo, anong course at year mo na ngayong pasukan?"
Napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko, sa kanyang maamong mukha na napakainosente talagang tignan.
"Ah, kakalipat ko lang kasi eh. Nakapasok kasi ako sa kanilang scholarship program, BSA student at 3rd year college na ngayong pasukan. Ikaw ba?" Nakangiti kong tugon sa kanya.
"Ganun ba? Ako rin 3rd year college na at BSBA student. Taga saan ka pala?"
"Taga probinsya talaga ako. At napakalaking tulong na sakin lalo na sa pamilya ko na nakapasa ako dito."
"Ayy, di mo pa pala ako kilala pft-- ako nga pala si Andrea And you are?" Habang inaabot ang kanyang kamay.
"Ako si Kryzea but you can call me Zea, nice meeting you Andrea." sabay tanggap sa kanyang kamay.
"Sige, alis muna ako Zea. Babalik rin ako agad." Paalam nito habang dali-daling kinuha at sinukbit sa kanyang likuran ang kanyang bag.
Napangiti nalang ako. Ano kaya ang mangyayari sakin dito sa susunod pa na mga taon. Siguro naman magiging masaya ang aking pananatili dito.
Naalimpungatan ako sa tunog ng aking telepono, di ko namalayan na nakaidlip na pala ako habang nag-iisip sa mga posibleng mangyari sakin dito. Ang aking mama pala ang tumatawag, siguro namimiss na ako neto. Agad-agad ko rin naman itong sinagot.
"Hello Ma? Kanina pa ako dumating dito pero nakaidlip ako dahil sa pagod, pasensya na at di ako nakatawag agad." Dali-dali kong paliwanag.
"Okay lang Anak, sige matulog kana ulit wag mong pababayaan ang sarili mo ha?" Bilin nito.
"Opo Ma. Kayang-kaya ko sarili ko. Ako pa!" Tatawa-tawa kong sagot.
"Ikaw talagang bata ka. Oh siya sige, at maghahanda na ako ng hapunan."
Binaba ko na aking telepono, at napaluha nalang. Kahit isang araw palang akong nahiwalay sa pamilya ko, namimiss ko na sila sobra.
Haaays. Makahanda na nga rin ng hapunan, buti nalang may sobra pa akong pagkain kanina. Isang linggo nalang bago ang pasukan, sana naman maganda ang bungad ng paaralan para sakin.
New environment, new life. New life, new opportunities. And now I'm ready to face what's waiting ahead.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (On-going)
RandomSomewhere back then, two hearts made a promise. But what if one heart forgot? Will they still be able to find each other again? Or will they just live their lives without the acquaintance of each other? Will they just forget each other forever? Or w...