Araw na ng pasukan ngayon. And I'm nervous and excited at the same time. Di kami nagkasabay ni Andrea dahil may dadaanan pa daw siya. Kahapon pa lang, naibigay na sa akin ang anong mga kailangan ko tulad ng uniporme, books, schedules at rules noong pumunta ako doon. Di ko alam anong magiging impresyon ng mga kaklase ko sakin.
Habang naglalakad sa hallway matatanaw mo talaga sa bawat sulok ang mga estudyanteng nagchichikahan na para bang ang tagal na nung muli silang nagkita, meron din namang mga walang pake o yung mga mag-isang naglalakad tulad ko.
Ngunit, nakuha ng isang grupo ng kalalakihan ang aking atensyon. Sila yung tipikal na nagkukwentuhan pero ang pinagkaiba lamang ay animong napakaseryoso ng kanilang mga mukha di tulad ng mga makikita mo sa iba na puro pacool, kahanginan lang ang alam at pa-badboy type.
Sila yung tipong mga brainy na sa itsura pa lang at alam mong may magiging direksyon talaga sa buhay. Hindi naman sa pangmamaliit dun sa iba pero basta yun na yun.
From well ironed polo, slacks, white socks, black shoes, and clean hair cut --- well overall, neat and handsome.
I looked away nang biglang mapatingin sa direksyon ko yung pinakaseryoso sa kanila na nakakunot ang noo.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at sa kaba. Bakit ko nga ba sila pinagtutuunan ng atensyon eh marami pa nga akong dapat pagkaabalahan.
Nakarating na rin ako sa designated room ko.
Wala pang masyadong tao since ang aga pa lang naman. Kaya naghanap na ako ng aking mauupuan and luckily, may bakante pang upuan sa harapan. Gusto ko rin naman maupo sa harapan para mas makarinig ako at di antukin habang nagkaklase.
Pagkalipas ng ilang minuto, unti-unti nang nagsidatingan ang aking mga kaklase at pawang nakakunot ang mga noong nakatingin sakin. Siguro nagtataka sila kasi may bago silang kaklase kahit 3rd year college na kami.
Nakita ko ang dalawa sa mga lalaki kanina na papasok sa aming room at dali-dali akong yumuko para matakpan ang aking mukha. Di ko alam kung bakit ko ginawa yun eh wala naman akong ginawang kasalanan sa kanila.
Patungo yung napakaseryoso sakin at umupo sa tabi ko habang yung kasama naman niya na may pagkapilyo ay umupo sa pinakalikuran. Nakaguhit ang gulat saking mukha habang tinitignan ang nasa tabi ko, di ko aakalain na may lalaki parin palang pipiliin na umupo sa harapan. At I admit, medyo cute siya and he resembles someone I knew long long time ago.
Makikipag-usap sana ako sa kanya nang pumasok na ang professor at nagsalita.
"Good morning. Okay class, I guess you already knew that you have a new classmate, siguro nagtataka kayo kung bakit may transferee eh 3rd year na kayo, well she just passed the scholarship exam! Isn't that awesome? And please introduce yourself Miss?" Habang tinitingnan ako ng Prof.
This scene is always common during first days of school at hindi ko ipagkakaila na sobrang nakakaumay na nito. Tumayo ako at nagpunta sa harapan.
"Uhm, hi? I'm Kryzea Chanel Montenegro. Nice meeting you all." Todo ngiti at puno ng confidence na sabi ko.
Pagkatapos, pinaupo na ako at nagsimula ng magdiscuss ang aming prof. At kanina ko parin napapansin, na di nagsasalita 'tong nasa tabi ko, baka naman pipi ito jusko. Wag naman sana, mapapanis laway ko kung wala akong makakausap sa buong araw. Binalik ko nalang ulit ang aking atensyon sa klase, ayaw ko namang bumagsak ano.
"Okay class, we will have our first pairing activity. And your partner will be the one you're sitting beside. No violent reactions."
First day na first day may activity na agad. Sabagay, Ateneo 'to, matataas standards nila dito.
"Your activity will be all about character study of Romeo and Juliet and choose a scene that you will discuss. Everyday, you will be working on a scene and so on. This activity will be presented in front of the whole class next week. That could be all for today. Goodbye class."
Pagkaalis ni Ma'am agad akong lumingon sa katabi ko at pareho kanina wala pa ring makikitang reaksyon sa mukha niya. Since, magkakasama kami for a week, siguro naman dapat namin pag-usapan kung anong gagawin namin.
"Uhm, so I guess we're partners?" Nahihiya ko pang tanong.
"You're stating the obvious. Stupid." Kahit sobrang hina na ng boses niya, dinig na dinig ng dalawa kong tenga ang huli niyang sinabi.
Grabe siya. Nagtatanong lang naman, alam ko na naman anong ibig sabihin ni Ma'am, gusto ko lang talaga makahanap ng paraan para makausap siya. At di ako stupid, kahit papaano may pinag-aralan kaya ako. Kung batukan ko kaya 'tong lalaking ito, akala mo naman.
Kay aga-aga tumataas na presyon ko dahil sa kanya. Pero kailangan ko parin siyang kausapin alang-alang sa grades ko, the least thing I want to happen is to fail. Calm down Zea.
"So what should we do? Hmm?" Nakangiti kong tugon kahit nararamdaman ko na ang lamig ng kanyang pakikitungo sakin.
"Should I translate what just our professor told us? Hmm?"
Aba'y tokneneng, napakagat nalang ako sa ibaba kong labi kahit nanggagalaiti na ako sa galit. Just calm down Zea, you can't just kick his ass kasi pabalang siyang sumagot sayo. Kahit papaano nagawa ko paring maging kalmado at tumingin ulit sa kanya.
"Ibig ko lang naman sabihin Mister, how should we do it? We can't just do it on ourself, we must have teamwork." Alam kong napakapeke na ng ngiti ko pero wala akong pake kailangan ko siyang kausapin, para din naman to saming dalawa ah.
Tinignan niya lang ako na para bang kinikilatis ang aking buong pagkatao at biglang tumango.
"Library. 3pm."
Wala sa sarili na napatango nalang ako.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (On-going)
RandomSomewhere back then, two hearts made a promise. But what if one heart forgot? Will they still be able to find each other again? Or will they just live their lives without the acquaintance of each other? Will they just forget each other forever? Or w...