Chapter 5

7 1 0
                                    

Wala namang kahit anong espesyal na nangyari sakin nitong nakaraang linggo, puro eskwelahan tapos apartment lang ako. Nagkikita lang kami ni Ken 'pag may free time o pagkatapos ng klase para tapusin yung pairing activity namin. Ganun parin naman yung pakikitungo niya sakin, di na siya ganun kasungit pero andun parin pagiging pilosopo niya, pero ang maganda doon nagkakaintindihan na kami.

Ngayon na nga ang araw na iuulat na namin yung halos isang linggo rin naming pinaghandaan na activity. Kami na ang susunod at talagang di ko maiwasang kabahan, di katulad ng partner ko dito ang kalma lang at walang takot na mababasa sa kanyang mukha. Palibhasa, ang confident kasi siya yung pumili ng scene.

"Okay. Thank you. Next presenters? Please go to the front."

Tumayo na kami at naglakad habang bitbit ang aming visual aids, napagdesisyunan kasi namin na isulat sa isang illustration board ang scene na napili namin.

"Good morning everyone. So based on William Shakespeare's romantic tragedy novel, Romeo is a prototype of moody, love-sick, impulsive teenager. He does love to wallow in self-pity. He does not exactly foresee the consequences of his actions but he does know what’s going on in the world and he’s really trying to stay out of it. He’s a lover not a fighter. Except when pushed to extremes. He’s brave in defence of his friends, as well as having the courage to love."
Sabi ko habang nakangiti na nakatingin sa aming prof.

"Juliet on the other hand, displays inner strength, intelligence, bravery, wit, and independence. At the beginning of the play, Juliet appears to be a shy and innocent young girl, but the depth of her character shows as she meets Romeo. It is, in fact, Juliet who asks Romeo to marry her." Nakatitig lamang ako kay Ken na puno ng kumpiyansa habang nagsasalita.

"So we've chosen the scene where Romeo killed himself when he found Juliet's dead body or what he thought so, but since he didn't received the letter which says that Juliet wasn't really dead, he killed himself. We can see that their love is highly forbidden but for them nothing can tear them apart, even death." Seryoso kong tugon. Magsasalita na sana si Ken nang may magtaas ng kamay at pinahintulutang magsalita.

"Can I ask a question? Alam kong di alam ni Romeo na buhay pa pala si Juliet. But why kill himself? Pwede naman siyang mabuhay at sumaya ulit diba? There's a rainbow after a rain right?"

"I know right. That's the weirdest thing a guy can do for a girl. There are so many girls in the world then you'll just waste your life for a girl. Nah." Sabi pa ni Ken habang tumatango.

Aba'y talagang sumang-ayon pa ang mokong na'to. Mabatukan nga 'to pagkatapos. Wala na akong choice kundi ako nalang ang sasagot. Nararamdaman ko kasi na hinihintay na nila ang isasagot ko.

"Romeo’s decision to kill himself only after losing Juliet can be seen as a testament to how much she truly means to him. Even after losing everything else, he holds on to the hope of a future with her, and only gives up on life after that one hope is snatched away. Ikaw ba? Gusto mo parin mabuhay kahit yung rason kung bakit gusto mong mabuhay ay wala na?" I answered what just came in my mind but I guess that's right, right?

Napuno nang hiyawan at palakpakan ang aming classroom. Tumingin ako kay Ken at nakatingin rin pala siya sakin, I smiled. I don't know if it's  just my imagination that I saw him smiled back at me pero masaya ako dahil natapos rin naman ito ng matiwasay.

"Good job Mr. Najera and Ms. Montenegro. Just what I expected from a scholarship exam passer and a dean's lister."
May ibang pair na tinawag at bumalik na kami saming upuan.

"That was a good--"

Magsasalita na sana siya pero sinalubong ko sa kanya ang isang batok. Aba't, akala niya nakakalimutan ko yung ginawa niya kanina sa harapan?

"What was that for?" Naiinis niyang tanong.

"Ako yung partner mo dun pero iba yung pinanigan mo. Buti nalang mabilis akong nakaisip ng isasagot dun." Nakasimangot kong sagot.

Seryosong nakatingin lang ito sakin at ngumiti. Now, this is not my imagination, this is true. He's smiling at me.

"I know you can answer that. I trust you."

"I know you can answer that. I trust you."

"I know you can answer that. I trust you."

Break time na pero di parin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Ken sakin. Para paring nag-eecho ito saking utak. I never imagined Ken saying those words to me. Makapunta na nga lang sa cafeteria.

Naglalakad na ako patungo sa cafeteria nang makita ako ni Prich.

"That was good Zea! I knew you're such an amazing girl!" Puno ng saya na salubong niya. Sumisilip na naman ang malalalim niyang dimples.

Namula naman ako sa sinabi niya. Sanay naman ako na pinupuri pero parang kakaiba yung feeling 'pag kay Prich na galing.

"S-salamat. You also did a good job." I tried returning his smile he gave me.

"Nah. Mas magaling parin yung sa inyo. Nga pala, tuloy ko na yung libre ko sayo?" Sabi ni Prich.

Tutal kailangan kong mag-ipon, tatanggapin ko nalang ang alok niya. Masama tumanggi sa grasya eh. Tumango nalang ako at sabay kaming naglakad patungo sa cafeteria.

Lahat ng lamesa ay okupado na at gutom na gutom na ako, di kasi ako nag-agahan kasi nalate ako nang gising. Buti nalang at nakita ni Prich ang kanilang barkada pero wala si Ken. Saan na naman kaya nagsususuot yun? Sa awa ng diyos may natitira pang bakanteng upuan doon sa kanilang lamesa.

Dali-dali akong umupo kasama ang barkada nila dahil dumeritso si Prich sa pag-oorder sa kakainin namin.

Pagkaupo ko, nasilayan ko na ang mukha ng dalawa pa nilang kaibigan. Puro pala sila mga nagagwapuhang nilalang, kaya naman pala sikat sila para kay Andrea. Namimiss ko tuloy kaingayan nun.

Dumating rin sa wakas si Prich dala ang mga inorder niyang carbonara, lasagna at mga softdrinks. Walang pagdadalawang-isip na isinubo ko ito agad, gutom na gutom talaga ako eh. Wala na akong paki sa kanila kahit ang ingay nila kasi puro sila bangayan at asaran, akala ko pa naman ang seseryoso nila. Mga pilyo rin pala. Si Ken lang ata seryoso sa kanila eh.

"Nga pala Zea, this is Philip, currently taking polsci in preparation for taking law and Keith, a med student." Pagpapakilala ni Prich sa kanila. Ngumiti naman silang dalawa sakin.

"I'm Philip. Nice meeting you." Si Philip yung sobrang puti, maputi naman talaga silang apat pero parang mas maputi lang talaga siya. At parang siya rin yung tipo na sobrang malinis sa katawan, masasabi ko talagang bagay sa kanya ang pagiging lawyer, pilyong lawyer.

"Ako naman si Keith. It's nice to meet you." Pumapantay rin sa kaputian ni Philip si Keith, matangkad at ang tangos ng ilong bagay rin sa kanya ang pagiging doktor.

"Hello. Ako si Kryzea. Kakatransfer ko lang dito kasi nakapasa ako sa scholarship exam nila. Nice meeting you too." Tugon ko.

"We already knew about you. Palagi kang kinukwento ni Ken samin." Sabi ni Keith.

Napatulala nalang ako sa tinuran niya. Bakit naman ako ikukuwento ni Ken sa kanila? Wala naman akong ginawang kasalanan sa kaniya ah.

Nang marealize ni Keith kung ano ang sinabi niya, bigla nalang siyang nag-iwas ng tingin at sumipol-sipol.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot samin pero nabasag rin iyun nang may biglang sumigaw sa malayo.

"Andito lang pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap ah."

Nagmamay-ari ng boses na yun ang taong pinag-uusapan namin. Di niya pa ako kita kasi natatabunan ako ni Prich. Pero nung nakalapit na siya dun na niya ako nakita.

Nagkatitigan kami at walang kahit ni isa ang nais mag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang talim ng titig niya sakin at damang-dama ko rin ang mabilis na tibok ng aking puso. Mas lalong naghurementado ang aking puso nang ngumiti siya sabay sabing...

"So you've already met my friends huh? My family's next, then?"

Under the Moonlight (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon