July 3 na, it's 5:50 am, kakatapos ko lang magbihis nun and now using cellphone kasi wala pa namang 6:30, 6:30 kasi kami umaalis ng sabay sabay
5:53 hayst, matagal talaga sila
"Ryme, andyan na si Harry!" sabi ni tatay
Huh? Ang aga nila, what a miracle!
"Morning baby girl! Akin na yang bag mo" pagbati ni kuya Harry
"Baby girl, hay hahaha. Ano kaya pwede kong pang asar sa'yo? Hmm... ah! Alam ko na! Kuya Potter!!! Hahahahaha kuya Potter!!!" pang aasar ko
Tumakbo nalang ako papuntang passenger's seat pero... kinuha ni kuya Potter ang kamay ko nung nakita niyang sa passenger's seat ako uupo
"Bakit diyan ka, baby girl simula ngayon lagi nalang tayong dalawa at lagi kang uunahin at ibig sabihin nun! Lagi tayong magkatabi sa harap"
"Ahhh geh, grabe lagi na akong uunahin, ano yon VIP? Hahahaha" pagbibiro ko
"Hindi, kasi SVIP ka hahaha" pagbawi nito
Hahaha may pa SVIP pa si kuya Potter, sa bagay ako naman nagsimula sabi ko kasi VIP
Sino nagsimula?
Si Ryme po!!!
Dun na ako umupo sa front seat katabi si kuya Harry at gaya kahapon ay nagkwentuhan uli kami
Unti unti na kaming nagiging close
~~~
"Bye baby girl!!! Enjoy!!!" pagpapaalam ni kuya Harry saken"Bye kuya Potter!!! Ingat!!!" pagpapaalam ko rin sa kanya
Ngumiti lang kami sa isa't isa matapos magpaalam
Pumunta ako sa pila at nakita kong andun na si Anna
"Hi Anna! Sorry medyo natagalan ako ah"
"Okay lang, good morning!"
"Good morning din, wait lang ah, cr lang ako"
"Sige"
Nang pumunta ako sa cr ay nadaan at nakita ko si Hazel, nakwento niya kahapon na naaccelerate daw siya
So grade 7 na rin siya, pero Red section niya
"Hazel, hello!!!" pagbati ko
"Hi Ryme, first day toh, hayst, kinakabahan ako" pagkukwento niya
"Ok lang yan, andyan naman si Tina para iguide ka, si Danica kasi is bukas pa papasok"
"Red si Danica? Bakit bukas pa?"
"Oo red si Danica, di ko ren alam eh ang sabi niya lang saken bukas pa siya makakapasok"
"Ahhh ok san ka pupunta?"
"Magc-cr lang"
"Ahhh ok sige cr ka na"
English speaking si Hazel nung dumating siya dito, konting Filipino lang ang alam niya before pero nag improve na siya ngayon
Pagkatapos ko magcr ay naghugas ako ng kamay at pagkalabas ng cr ay saktong tumunog ang bell
First bell pa naman yun
Pumunta ako sa pila ko dahil baka hinahanap na ako ni Anna
"Anna, ang ibig sabihin ng first bell is silence, tapos pag nag second bell assembly at ang third bell ay pass" inexplain ko na ang lahat kay Anna, bawat bagay na meron dito sa Liveda hahaha
"At ang tawag saten ay mga Livedians" additional info lang hahahaha
Tumungo lang si Anna sa lahat ng sinabi ko
BINABASA MO ANG
One Month in August
Teen Fiction"Ryme, ayoko na" sabi niya... "Isang buwan pa, please, ihahanda ko lang yung sarili ko Chester, isang buwan pa" sabi ko Started writing:September 21, 2018 Finished writing: On-going Published on: September 22, 2018 9:00 PM Theme Song: Hanggang Kaila...