Ang late ko magstart ng diary hahahaha, ayoko na maglagay ng DEAR DIARY hehehe sensya na, well mag iintroduce muna ako, Ako si Ryme Elisse Lopez kakatapos lang ng grade 6 hehehehe kaso walang honors hahahaha
Nung nagenroll ako sabi ni nanay at tatay Yellow daw section ko. Apat sections namin this year? Red, Blue, Green at Yellow section?
Okay na rin yun, I was actually hoping na Red yung section ko pero... it's fine.
Ngayon I'm just waiting for our orientation to start, dun ko kasi malalaman yung mga teachers ko eh dapat ko nang malaman yun kasi kailangan ko malagay sa notebook, ganto kasi yung kailangan mong lagyan oh
Name:
Section:
Subject:
Teacher:For now yung name, section at subject lang muna pwede ko magawa pero still, I'll wait na malaman ko kung sino teachers ko.
Actually bukas na start ng orientation namin, gusto ko sana yayain yung kapitbahay ko na classmate ko last year and best friend ko na magcommute kami papuntang school kaso nagtatampo saken eh kaya ayun... di ko mayaya.
I just fixed my things in my bag na dadalhin ko bukas sa orientation. Notebook, ballpen at tinago ko yung cellphone ko kasi bawal kami magdala ng cellphone sa school, kainez. -_-
Nga pala I study at Liveda High School, pero yung feeling na may elementary rin sila dun, hahaha.
Nag-aaral ako dun since Grade 1 ako. So... 6 years na ako sa Liveda. This is my 7th year
Lam mo yung feeling na hindi ako makapaniwala na High School na ako
Memorable yung elementary days ko, pero sabi ng parents ko mas memorable daw ang high school, tignan natin kung tama sila.
I think tama sila, mas memorable nga ang high school, bakit ko nasabi? Kasi sa mga napanood ko na teleserye parang mas malala yung mga kalokohan, mas intense yung mga pangyayari at mas matindi ang way ng pag-ibig kapag high school yung characters. Pag-ibig nasa isip eh noh hahahaha well kakabreak ko lang sa kaMU nung May, si Felix, nakipag break ako dahil wala na akong madamang love. Basta yun papahirapan mo pa ako mag-explain eh.
Iniisip ko tuloy kung ano na kaya nangyari kay Felix. Nah, I don't care about him, not being heartless pero, for real, I don't care about Felix.
Isa pa sa mga iniisip ko, sino kaya gwapo na transferee, sorna yun agad iniisip ko. Pero seryoso, sana meron, para naman madama ko sa kanya yung pagmamahal na hindi ko nadama kay Felix.
Sana meron, let's hope na meron.
Yieeeee, OMAGASH!!! Kaso baka paasa eh, nah tignan natin kung merong gwapo na jowable. Aasa ako na meron, hahahaha.
Bawal pa ako magkajowa pero, I don't care. Love is all about breaking the rules. Kung mahal mo talaga yung tao, kaya mong labagin yung mga hindi pwede.
Waaaaah, san galing yon!?
"Nak kain na" sabi ni mama Tel
Si mama Tel ang nagpalaki saken, she's not my mom but she's like one. Tita ko siya at wala siyang anak, I think dahil samen ni ate Jane. Si ate Jane yung ate ko, dalawa lang kaming magkapatid tapos hindi pa kami close. Minsan rin kasi dito sa bahay nararamdaman ko na ako yung pinaka bobo, kahit kapag umuuwi kami sa Lipa, Batangas, yung probinsiya ng tatay ko, pinapadama nila saken na ako yung pinaka bobo, hindi nalang ako nagrereact, totoo naman eh. Ako lang nakakaalam nito so far, I've never shared this to my friends, even the closest ones. Dami ko pang sinasabi dun na tayo sa tinawag ako ni mama
"Opo ma, wait lang po"
Kinuha ko ang tali ko ang nagponytail kasi nakita ko na fried chicken ang ulam, tapos may gravy
Kapag kasi fried chicken ang ulam nagkakamay ako sa sobrang sarap ng luto ni mama Tel.
"Wala pa sila nanay?" Tanong ko kay mama.
"Second ship na sila eh" sabi ni ate
"Ahhh, okay" sabi ko
"Nagtext saken si tatay, sabi niya magcommute ka nalang daw bukas papuntang school, mag iiwan nalang siya ng pamasahe mo" sabi ni mama
"Okay po" sabi ko nalang kasi sobrang excited na talaga ako lantakan yung fried chicken ko, sorna medyo patay gutom rin ako hahahaha
Pagkatapos kumain ay naligo na ako at nagbihis ng pantulog bago ako matulog tinignan ko muna ang Instagram ng BLACKPINK at kinamusta ang nangyari sa comeback nila.
June 16 yung comeback nila, pero hanggang ngayon amoy na amoy ko pa rin yung success ng DDU DU DDU DU music video nila.
At ngayon lang din ako naaupdate na may kanya kanya na pala silang accounts sa IG, hahahaha.
Syempre finollow ko sila lahat
"sooyaaa_"
followYun si Jisoo tapos si Jennie naman.
"jennierubyjane"
followSa sobrang kabobohan ko akala ko "jennieurbyjane" and spelling pero hindi ko pala binasa ng maayos, hayst, bobo ko kasi eh
"roses_are_rosie"
followPagkatapos kay Rosé ay ang maknae naman ng BLACKPINK na si Lisa
"lalalalisa_m"
followSi Lisa, ang bias kooooo.
Ow ems, ang ganda talaga ni Lisaaaaaaa, pero still to be honest si Jisoo ang pinaka maganda sa kanilang lahat hehehe share ko lang.
Actually pangarap ko na maging trainee sa South Korea, taas ng pangarap ko noh, hahahaha.
YG or JYP ok na saken yun, may talent naman ako sa singing, starting sa dancing and rapping. Hehehehehe boastful si ako, pero share ko lang uli, last year ko lang nadiscover yung talent ko sa singing.
And ngayon ko lang naalala, malapit na pala birthday ko, July 18 na birthday ko, yieeeee magthithirteen na ako
"Hoy Ryme! Matulog ka na diyan, tama na kakacellphone mo, may orientation ka pa bukas" sigaw ni ate
"Opo, eto na po impaktang ate, este ate" sagot ko sa kanya
"Ano sabi mo?" sabi niya
"Sabi ko matutulog na ako" palusot ko, hahahaha galing ko talaga magpalusot.
Bago matulog nagdasal muna ako thanking God that I had another day in my life, good girl kaya ako, di ko pwedeng kalimutan si God.
Naisip ko pa sana na idagdag dun sa dasal ko na may gwapo sana akong kaklase, pero... alam ni God yun hahahahaha.
Pagkatapos magdasal ay kinuha ko ang piring ko na Hello Kitty at niyakap si Barney.
Obssesed ako kay Barney at Hello Kitty since bata ako, share ko lang
Yun lang for today, goodnight diary!!!

BINABASA MO ANG
One Month in August
Teen Fiction"Ryme, ayoko na" sabi niya... "Isang buwan pa, please, ihahanda ko lang yung sarili ko Chester, isang buwan pa" sabi ko Started writing:September 21, 2018 Finished writing: On-going Published on: September 22, 2018 9:00 PM Theme Song: Hanggang Kaila...