June 26, 2018

6 2 0
                                    

Gaya kahapon 5:10 uli ako nagising ngayong umaga, may orientation uli kami

Hanggang June 28 ang orientation namin

Share ko lang nag-iipon na ako para sa...

-BLACKPINK Lightstick
-TWICE Lightstick
-BLACKPINK Square Up

Yun lang muna for now ang gusto kong bilhin pero feeling ko dadami pa yan, saket sa bulsa. Share ko lang talaga

As always, hoping na may gwapong kaklase hahaha

"Hoy gising na" sabi ni ate Jane

Baket ba si ate pa ang gumising saken ngayong araw

Kita mo kakagising ko pa lang sira na agad araw ko

Bakit ba hindi si Mama Tel ang gumising saken ngayon, jusmiyo nasira pa umaga ko dahil sa WARPRICK kong ate

"Ano ba hindi ka ba babangon diyan?" sabi uli ni ate

"Hoy, bangon na" dagdag niya pa

"Hoy ka ren! Parang di ka naging estudyante, mas matanda ka saken pero baket parang mas marunong ako makisama at mas makaintindi kaysa sa'yo. Para namang di mo alam kung anong pakiramdam, matuto ka nga makisama" sabi ko

RIP Jane Alicia Lopez
Roasted In Peace
May your soul rest in peace

Hahahahaha lakas ng tama ko

Ngumisi lang si ate Jane saken, sobrang speechless niya sa sinabi ko

Kahit ako nagulat, hahaha

Galeng galeng ko naman

Lumabas nalang siya ng kwarto kasi alam kong napahiya ko talaga siya dun. Buti nalang hindi nagising sila nanay

May pasok rin siya ngayon at 7:00 rin ang pasok niya sa trabaho pero kasi sa MOA siya nagwowork so dapat talaga mas maaga siya

~~~

Bumaba ako at narinig ko na si ate na nagpapaalam kay mama Tel

"Ma, alis na ako" sabi ni ate

"Sige nak, ingat" sabi ni mama

Umalis na si ate, at pumunta naman ako sa lamesa para kumain. Kaya pala hindi si mama Tel ang gumising saken ay dahil inubos ni ate ang pagkain na dapat ay hati kami, kaya kinailangan pa ni mama magluto.

Talaga naman, wengya tong kapatid ko. -_-

Pagkatapos kumain ay naligo na ako at umakyat sa taas para magbihis.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakitang 6:20 na

Jusme kailangan ko bilisan

Nagpantalon ako na faded at tinernuhan ito ng pink na t-shirt

Kinuha ko yung sapatos ko slash heels para masuot ko na

Woven wedges chu chu tawag dun basta nabili ko online sa SHOPEE.

Pagkatapos magsapatos ay nag ayos ako ng buhok

Simpleng ponytail lang at nilabas ko ang bangs ko

Simplicity is the beauty ang motto ko today wahahaha

Pagkatapos nun ay nagpaalam na ako kay mama Tel at habang papunta na ako sa pinto ay hinabol pa ako ni Lisker, ang aso naming shih tzu.

Hinimas ko ang ulo niya at saka tuluyang binuksan ang pinto para makaalis na ako

Hinalo ko yung pangalan ni Lisa sa pangalan ni Lisker, share ko lang

Naglakad ako hanggang sa terminal ng tricycle para makasakay na. 6:30 na ghad konting oras nalang

~~~
Nakarating ako sa school ng 6:50

Buti nalang hayssss may ten minutes pa

Lagot ako kay Ma'am Tolas, buti nalang tahimik pa kami kaya hindi siya nagrarap

Pero iingay rin ang klase namin balang araw, all naman diba?

Aminin na nating lahat pagka maraming transferee parang may namatay sa first day pero after 1 or more weeks riot na.

Pagdating ko ay nandun si Claire na hinihintay ako sa may gate at parang nashock siya nung nakita niya yung sapatos ko. Hindi ko alam kung matatawa ako kay Claire nung time na yun eh hahaha

"Ano ba yan Ryme, ang tangkad mo na magheheels ka pa" sabi ni Claire

"Gaga di yan heels, parang lang sapatos na medyo heels den ewan. Matangkad ka ren naman di mo lang mafeel" sabi ko

"Grabe siya, edi ikaw na matangkad" sabi niya uli

"Wag ka mag alala 1 inch lang naman tinangkad ko dito" sabi ko

Natawa nalang ako nang ngumisi siya saken at hinampas ako ng mahina sa braso ko

Pumunta kami sa pila namin at naabutang busy ang boys sa pagkwekwentuhan

Ano? Close na sila? Waw sponsor nila si Flash

Bilis ah close na agad sila,sana all

Di gaya ng boys ang girls ay di pa masyadong close. Magiging close din kami wait lang kukunin ko lang si Superman na sponsor mas mabilis yun kay Flash eh

Diba? Diba noh? Umoo ka nalang

Binaling ko ang tingin ko sa mga girls at tinignan kung meron bang FRIENDABLE

FRIENDABLE? Word ba yun ahahahaha basta yun

Kinilatis ko muna yung itsura nila, di naman sa kapangitan di ako ganun, minsan lang hehe

Tinignan ko kung sino ang mukhang mahinhin, mukhang mabait at mukhang matalino

Nakita ko si Billie na mukhang mahinhin.

Si Carelle ay mukhang mabait

Si Jenna at Daryel ay mukhang matalino

Sana tama ang first impression ko sa kanila alam nating lahat na masakit pag hindi nameet yung expectation natin gaya ng expectation ko na may gwapo sana akong kaklase bukod kay Nate.

Ring!

First bell na assembly na kami

Kinalabit ko si Claire at sinabing...

"Wala ba talagang gwapo dito naiiyak na ako" pagbibiro ko

"Wag ka mag alala, may tatlong orientation pa tayo, kung wala man hintayin mo ang first day of classes hahahaha" pagbawi ni Claire

Ngumisi lang ako at sa halip ay muling naisip si kuya Harry hahahaha ngayon lang uli siya pumasok sa isip ko

Kasabay ng pagday dream ko kay kuya Harry ang muling pagbalik ng ngiti sa aking labi

Hayst! Parang kanina lang nadidismaya pa rin ako na walang gwapong kaklase tapos ngayon bigla bigla akong ngingiti nang dahil naisip ko si kuya Harry muntanga izz meh

Hay nako Ryme Elisse Lopez imagination lang yan kiligin ka pag yan dumaan sa harap m...

Mo?

"Hi Ryme, bat di ka sumasabay?" Tanong ni kuya Harry

Teka! Yung puso ko! Hindi ready!

"Ha? Ahh kasi a-ano... baka s-sa July na ako sumabay" sabi ko

Shet pautal utal pa ako jusme

"Ahh okay kala ko di ka na sasama eh" sabi niya at dumiretso na kanilang building kasi naabutan siya ng second bell

Inside my brain, I'm like

Enebe, pereng tenge...

Oo, ano ba! Ang landi ko hahahaha

"Pass" sabi ni Ma'am Tolas

Sa sobrang kilig ko di ko namalayan na nagthird na pala hay naku ako tong pereng tenge.

One Month in AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon