July 2, 2018

9 2 0
                                    

After 4 days...

First day of classes

Parang nung isang araw lang inaasar ko si Peach na July pa pasok ko

*June 1*
"Kelan pasok niyo?" Pagtatanong ni Peach

"July 2, kayo?"

"Ha?! July 2? Kami June 4"

"Hahaha, wawa naman si Peach" pang aasar ko sa kanya

"Kayo may pasok na kami sa July pa" dagdag ko

"Oo na next year, lilipat kami ni kuya diyan! Wait ka lang!" panunumpa nito

Hahaha laptrip toh si Peach, nagbanta pa na lilipat sila ni JC next year

"Geh ba, aasahan ko yan Peach ah" sabi ko

Pero seryoso sana nga lumipat sila next year

*End*

"Bilisan mo Ryme" sabi saken ni Mama Tel

"Opo ma" sagot ko

Hay makikita ko nanaman si Tolas

Damn, pasalamat siya kaya ko pa siyang tiisin

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis

Pag-akyat ko ay tinignan ko ang uniform ko

"Hmm... bagay kaya saken toh, masuot na nga" sabi ko

Hay grabihhh ang ganda nung polo at palda

Yung palda ay hanggang baba ng tuhod at gawa ito sa telang limited edition, sa Liveda lang siya pwede makuha

Yung polo naman ay long sleeves na hanggang baba ng siko, may ribbon na nakaattach itatali nalang

Grabe nainlove ako sa uniform namin hahaha, yung gwapong classmate kaya?

Nahhh di siguro ako maiinlove, magagwapuhan lang

Grabe, aasa ako for like 8 days straight na may gwapo sana akong kaklase tapos ngayon sasabihin ko na magagwapuhan lang ako hahahaha parang ewan

"Ryme bilis andyan na si Harry"

Hala tangina! Andyan na si crush, si  kuya Potter!!!

Wahaha wagas makapang asar kala mo naman close sila

"Ryme!"

"Wait lang maaaaaaa, eto naaaaaa" sabi ko sa sobrang excited kong bumaba

"Ang tagal ah" sabi ni tatay pagkababa ko

"Morning Ryme!" pagbati ni Kuya Harry

Ano nakain neto?! Kenekeleg eke nekekeenes ke

"Um... morning?" pagbati ko rin

"Bakit parang naiilang ka saken?" tanong niya

Hala! Was I too harsh? OMG, sorry...

"Hindi, nakakagulat lang. First time mong mag-good morning saken, nga pala bat tayong dalawa lang asan sila, sila ate Izza, sila ate Hannah, asan sila?" sunod-sunod kong pagtatanong

"Ahhh, kasi lagi kang maaga nahiya si mama sa'yo, sobrang aga mo daw tapos ang tagal mo kaming hihintayin kaya pinahatid ka niya saken, unahin na daw kita" sagot niya

Ahhh wews, yon pala yon. SO... TAYONG DALAWA LANG? TAYONG DALAWA LANG? TAYONG DALAWA?
DALAWA???

Hooh! Ok lang ako, hay!

"Ahhh ok, ok lang naman saken yun" sagot ko

Pagkatapos ko sabihin yun bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse, dun sana ako uupo sa passenger's seat pero...

One Month in AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon