June 25, 2018

7 2 0
                                    

5:10 ako ginising ni mama ngayon, 6:00 kasi start ng orientation namin.

"Ryme, gising na" sabi ni mama
"Ryme!" dagdag niya

"Opo, wait lang..."

Sabi ko habang pilit dinidilat ang mata ko at pilit ibinabangon ang katawan ko na parang ang bigat bigat.

Bumaba ako sa hagdan kahit sobrang sakit ng ulo ko, pero I'm sure dahil lang bagong gising ako nung time na yun kaya masakit ulo ko.

Gaya kahapon, hehehe, SANA MAY GWAPO AKONG CLASSMATE!!! hahahaha sensya na yun agad iniisip ko.

Orientation pa naman eh, baka hindi umattend lahat tapos yung isa sa mga absent gwapo pala, diba??? Hahaha

Kumain ako ng almusal at pagkatapos ay naligo na pag akyat ko ay namili na ako ng susuotin ko

Nakaramdam ako ng pagka arte nun, grabe ganto pala pag nagdadalaga na noh

Well... blah blah dami ko pang sinasabi, so eto na... kaso bwisit si ate... lam mo na, WARPRICK

"Konting bilis naman Ryme anong oras na oh" sabi ni Jane na impakta este ate Jane

"Opo" sabi ko nalang

"Nagsalita yung mabilis kumilos" sabi ko sa isip ko

Totoo naman eh, mas mabagal pa saken si ate noh, jusmiyo. Thirty minutes lang ako sa banyo siya naman 1 hour minsan nga lagpas pa eh.

Ehhh, bala siya, sana hindi umabsent si Danica , nangyayari kasi sa kanya yung nangyari saken dati eh.

Hanggang ngayon hindi pa sila nakakaenroll nung ate niya, si Ate Yanna. Like us they sometimes have financial problems. Danica is my bestfriend since last year grade.

Si Danica yung naging tulay namin ni Felix pero, sorry, hindi talaga kami eh.

~~~
Eto ako pasakay ng tricycle mag isa, lakasimporebs, share ko lang

Sorry ah pero, WAAAAAAAAAAAAAAH SANA TALAGA MAY GWAPOOOOO

Sorna hahaha,  lagi nalang yun iniisip ko.

Dahil sa sobrang pag iisip ko nun ay hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Jusme si kuya naman hindi ako ininform, hayst. -_-

"Bayad po" sabi ko

"Eto sukli,ten pesos" sabi ni kuya

OMG, di ko alam forty pesos pala nabigay ko kay kuya, buti hindi pa ako nakakalayas nung sinabi ni kuya yun, thank God.

Sadyang lutang lang talaga ako

Pagpasok ko ng gate ay kinabahan ako kasi

1. What if hindi mabait yung adviser

2. What if wala akong kilala

3. What if hindi friendly yung transferees

4. What if nandun yung mga pinaka hate ko

5. What if malito ako papunta sa classroom o kahit sa pila

Yung huli talaga eh hahahaha, totoo naman eh, bago lang ako sa high school department so nakakalito talaga.

Wala kasi yung mga kapatid ng crush ko sa Senior High eh, sila ate Izza at ate Hannah. Grade 9 na si ate Izza tapos Grade 11 na si ate Hannah, tapos yung kapatid nila na crush ko si Kuya Harry

Potter hahaha joke lang

Harry Domingo rather hahaha

Grade 12 taking the course of STEM, what does STEM stand for... ayun... di ko ren alam.

One Month in AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon