Hayst, mahal ko na talaga si Chester
Bakit ba ganito!!! Hindi naman ganito yung mga naramdaman ko before sa mga naka-MU ko
"Urghhhhhhhh"
"Huy baby gir! Kalma lang"
"Kuyaaaaaaa, aamin ba ako?"
"Ha?! Baby girl kakagusto mo pa lang sa kanya, confession agad. Ano yon? Para mas maging akward?"
Napabuntong hininga nalang ako dahil may point din si kuya
"Baby girl, akward na nga mas magiging akward pa. Akward na sa'yo gagawin mo ring akward sa kanya. Aba! Ryme, anong balak mo sa buhay mo" dagdag niya
"Ehhh ikaw kuya, 18 ka na ba't wala ka pang girlpren ha??? Parang wala ka pa nga nakaka first love eh o kaya nakaka-MU, sinong walang balak saten ngayon?" Pagbibiro ko
"Luh, binalik saken, kala mo ahhh balak ko kasi muna magtapos ng High School bago maghanap ng girlfriend. May mga nagiging crush ako pero, di ko sinusubukan na magustuhan rin nila ako, may balak ako sa buhay ko, ehhh ikaw?"
"Oo na sige na, may balak ka na, pero kala mo rin ahhh may balak ako. Balak kong makapasok sa with honors ngayon. Depende na yung love life ko, kung meron edi good, may inspiration, kung wala it's fine I have so many people supporting me, isa ka na don. Yieeeee kiligin ka na"
"Pampakilig pala yon? Pwes di ako kinilig" sabi niya
Ngumisi lang ako sumandal habang nakacross arms
"Joke lang, ito naman di mabiro. Kinilig ako, salamat baby girl, supportive ka rin sana saken"
Bigla namang napawi yung ngisi sa bibig ko at sinimulang ngumiti dahil sa sinabi ni kuya Harry
"Syempre supportive rin ako"
"Andito na tayo baby girl, bye"
"Wait kuya, kailan uli pasukan niyo?"
"July 16 pa"
"Haaaaaa, bakit ganon! VIP kasi kayong mga Senior High ehhhh, hay, o siya geh bye bye naaaa"
Kumaway siya pabalik at pumunta na ako sa pila ko
Damn!
I am inlove with him...
When I went to our line to drop my bag, I didn't look for my friends, I wanted to see Chester
Damn love!
Napa-english ako dun ahhh
Nung dumating ako, nandoon ang mga bag nila Claire, Hazel, Anna at Danica
Yes! Pumasok na si Danica
Pero wala sila dun
Nilingon ko ang paligid hindi para hanapin ang mga kaibigan ko, pero hinanap ko si Chester
Wala pa siya
Fuck, is this really love
Hindi naman ako ganito dati ahhh
May point si kuya Harry dun sa sinabi niya, hindi tamang magconfess agad ako
Si Felix nga inabot ng dalawang taon bago ako nakapagconfess nang matino ehhh
"Ryme!" pagtawag saken ni Danica
"Danica!!!!!!!!!!" excited akong tumakbo papunta sa kanya kasi namiss ko siya nang sobra
Kahit wengya na kaibigan toh, mahal ko toh yieeeee
Nang makarating ako sa kanya ay niyakap niya ako nang mahigpit
BINABASA MO ANG
One Month in August
Fiksi Remaja"Ryme, ayoko na" sabi niya... "Isang buwan pa, please, ihahanda ko lang yung sarili ko Chester, isang buwan pa" sabi ko Started writing:September 21, 2018 Finished writing: On-going Published on: September 22, 2018 9:00 PM Theme Song: Hanggang Kaila...