PAHINA 8

128 7 0
                                    

A/N: Patawad kung ngayon lang ako nakapagsulat ulit. Hindi ko kasi mahanap sa imahinasyon ang isusulat ko ayoko namang pilitin. Pasensya na talaga susubukan ko sa darating na mga araw kung makakasulat ako ulit.

Salamat!!

**

Devi's Pov:

Bumalik kami sa aming bahay matapos kaming maghapunan sa bahay ng mga Silverstone. Ipinayo din ng Lord Ifrit na huwag kaming lilipat dahil mas mapapadali lamang ang pagbihag nila saakin kapag nagkataon. May punto siya,mas mabuti nga ito. Sinong magaakala na magagamit ko ang presensya ng mga maharlika sa kabilang bahay?

Si Shiue nga pala,didito raw muna siya. Ayokong nandito siya,hindi kami ganun kalapit sa isa't isa. Masunurin si Shiue kay ama aba malay ko kung inutusan pala ang isang ito.

"Pumayag ka na,Devici." pamimilit niya.

"Pwede ba! Devi yun hindi Devici! Umalis ka na nga Shiue!" mataray kong sabi.

"Wala namang pagkakaiba iyon,pangalan mo pa din iyon. Isa pa hindi naman sa lahat ng oras naririto ang mga maharlikang iyan. Alam mong nasa panganib ka kailangan mo ng magbabantay sayo at sa ginang na iyon." wika niya habang prenteng nakaupo sa mahabang upuan.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Abat! Makaasta to parang bahay niya!!

"Shiue! Ayokong nandito ka! Baka nga ikaw ang nagpaalam na naririto ako at gumawa ka lang ng palusot! Kilala kita tapat sa kay ama kaya hindi maganda ang impresyon ko sayo."

"Aray! Ang sakit mong magsalita sakin. Inililigtas na kita at lahat ganyan ka sakin?" puno ng hinanakit na sabi niya.

Inikot ko ang mga mata sa inaasta niya. At nagdrama pa?!

"Hindi mo ko masisisi,Shiue. Ilang beses mo nang ginawa sakin iyon! Sumbungero ka!" pinanlisikan ko siya.

At ang walanghiya tinawanan pa ako!

"Dati naman iyon iba na ngayon. Hindi ko na kasi gusto itong huling ginagawa ng ama mo. Bukod sa ginawa kang pabuya sa paligsahan alam mo pa ba ang ginagawa niya?" seryoso niyang sabi.

Napataas ang aking kilay sa sinabi niya.

"Ano nanamang walang kwentang bagay ang ginagawa niya?"

"Kinuha niya ang serbisyo ng mga Darsiri,upang ipapaslang ang isang maharlikang binibini. Hindi ko alam ang dahilan ngunit hindi iyon maganda."

Napaawang ang aking bibig sa narinig ko.

"Nasisiraan na talaga siya!" bulalas ko.

Isang malalim ng buntong hininga ang pinakawalan niya.

"Alam mo ba kung sino ang binibining iyon? Ha? Shiue?"

"Altheriaviv,yan lamang ang narinig at naaalala ko. Isa iyon sa pinakamatataas na pamilya kasabay ng pamilya ng iyong ina. "

Altheriaviv

Ano namang makukuha niya kung ipapapaslang niya ang binibining iyon?

"Kailangang mahanap ko ang binibining iyon at masagip sa kabaliwan ni ama."

Over Power  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon