Dalawampu't limang taon na ang nakalipas ng magkakilala si Primo at Herezett. Mahigit dalawampung taon na rin mula ng nilabanan nila ang dalawa sa pinakamapanganib na mga nilalang,kung tutuusin hindi naman mapanganib iyong si Maurelli,masyado lamang siyang baliw kay Primo.Mahigit dalawampung taong gulang na din ang kanilang kambal na panganay,sina Zeshren at Zeren,at sa mabuting palad ay nabiyayaan din sila ng isang anak na babae,si Ashriel.
Nakahiwalay ang mga ito ng tahanan dahil malayo ang mansion sa paaralan nila. Ngayon ay malapit na namang magbakasyon at huling taon na ng kambal na Silverstone sa kolehiyo. Habang ang bunsong babae naman ay tutungtong pa lamang ng kolehiyo sa susunod na pasukan.
Maraming ginagawa ang panganay na si Zeshren. Siya ang namamahala ng kaayusan ng paaralang kanilang pinapasukan. Magaling ito sa pamamahala gaya ng kanyang ama. Pangatlo at panghuling pamamahala niya sa kaayusan ng paaralang ito. Ang paaralang ito ay pag-aari ng Kuya ng kanyang ina,ang kanyang tiyo na si Croxe.
Ngunit ang paaralang ito ay paaralan ng mga mortal. Tama,iilan lamang silang naririto ang mga kakaibang nilalang. Hindi nga niya alam kung bakit dito sila ipinadala ng ama. Matalino ang ama niya at marami itong alam na kahit mismo ang ina niya ay hindi alam.
Patuloy siya sa pagbabasa ng isang papel habang nakasuot ang kanyang salamin sa mata. Ang abuhing buhok nito,ang kulay lila niyang mata at ang matangos nitong ilong. Lahat ng katangian niyang iyan ang dahilan kung bakit siya hinahabol ng mga babae kahit may pagkasuplado ito.
Itinabi niya ang piraso ng papel at lumabas ng silid ng samahan ng nagpapangasiwa ng kaayusan ng paaralan. Suot-suot pa din niya ang kanyang salamin. Tahimik siyang naglakad ng may umakbay sa kanya.
"Mabuti naman at lumabas ka na sa lungga mo." nakangising saad nito sa kanya.
"Alisin mo ang kamay mong iyan sakin,Zeren." seryoso at maotoridad na tugon niya sa kakambal.
Bahagyang tumawa si Zeren at inalis ang kamay niya. Siya ang kabaliktaran ni Zeshren. Si Zeren,ay makulit at may pagkamadaldal. Palangiti rin ngunit may kung ano daw na nakatago sa mga ngiti niyang iyon. Magkamukha talaga sila ni Zeshren. Abuhin din ang buhok niya ngunit sa mata sila nagkaiba. Kung lila ang mga mata ng kakambal niya,mamalim na asul naman ang sa kanya. Sing ganda ng dagat ang mga mata nito at may nakatagong kung ano sa likod nun.
"Kapatid,sino ang magluluto ng hapunan natin mamaya? Wala si manang Isabel ngayon at sa susunod na araw pa siya babalik." tanong ni Zeren sa kakambal.
Bukod sa kanilang tatlo na magkakapatid sa bahay na tinutuluyan nila ay may mga tagasilbi ring naroroon. May apat magkakaibang tagalinis na nagtutungo doon araw-araw,ngunit hindi ang mga iyon nananatili doon. May tagaluto sila doon,na siyang tanging binigyan ng kanilang ama na manatili kasama nila.
"Ikaw na magluto,Zeren." walang ganang sabad ng kakambal."Ano ba! Alam mo namang nagiensayo pa lang ako,Zeshren. Baka magreklamo nanaman kayo na nilalason ko kayo." nakasimangot na tugon niya.
Naglakad silang dalawa hanggang sa paradahan ng mga sasakyan ng mga estudyante. Huminto sila sa tapat ng sasakyan nila. Sumandal doon si Zeshren habang umupo naman sa harapang bahagi ng sasakyan si Zeren.
"Ano na Kuya? Ikaw na lang kaya?" pangungulit niya sa kapatid.
"Tss...pwede ba Zeren tumahimik ka muna. Ipapasok kita dyan sa makina ng sasakyan 'pag hindi ka tumahimik." madiing sabi ni Zeshren na ikinailing ni Zeren.
"Ang brutal mo naman masyado sakin Kuya." natatawang saad nito.
Sabay silang napalingon ng may humintong binibini sa harapan nila.