Chapter 5

129 2 0
                                    

CHAPTER 5

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon dito sa kama ko. Balak ko ng matulog kaya lang kahit ilang beses ko ipikit ang mga mata ko, di talaga ko matulog. 

Ngayon, nakamulat lang ang mga mata ko habang nakatitig sa kisame. Sa totoo lang, blangko ang utak ko ngayon. Di naman totally na blangko, kumbaga mejo naguguluhan. 

You wanna know the reason why? 

First, parang nagbago ako ngayon. Hindi ko alam kung anong eksaktong nagbago saken pero there's something wrong with me. 

Second, parang ang saya ko na hindi. Yes, masaya ko dahil nakilala ko na si gwapo pero parang nawala saya ko ng makita kong kasama niya si Seohyun especially kanina sa Shop. Hindi ko alam pero parang ang sikip sa dibdib. 

Third, si kuya. Oo, siya nga. Parang kakaiba siya ngayon. Di niyo ba napansin? Well, pansin na pansin ko. Parang sobrang seryoso niya ngayon. Alam niyo kasi, hindi naman siya ganyan. Madalas niya nga ko asarin di ba? Ano kaya nangyari dun? Feeling ko tuloy ibang tao kausap ko kanina. Alam niyo yun? Basta, iba talaga siya ngayon ee. 

And lastly, well this is actually a question. Bakit parang iba tibok ng puso ko everytime I see Lay? Yung heartbeat ko, hindi siya normal. Oh well, inaamin ko naman na nalaglag panga ko sa kagwapuhan niya at crush ko siya. Honestly, siya ang kauna-unahang lalaki na pinag-interesan ko. It's not what you think, I mean siya lang yung first guy na na-attract ako. Gets niyo ba? Pero bakit ganon? Bakit parang hindi lang crush yun? Bakit parang inlove na ko sa kanya? Kung inlove man ako, well first time ko to. Tingin niyo ba inlove na ko sa kanya? So ano yun, love at first sight? 

Hayy! Okay lang naman kung na-love at first sight ako sa kanya ee. Ang kaso mali. Maling-mali. Maiinlove lang ako, sa maling tao pa. May girlfriend na siya so dapat hindi ko na guluhin di ba? Ayokong manggulo ng isang relasyon kaya kung ano man tong nararamdaman ko, ngayon pa lang ititigil ko na. Iyon naman talaga dapat kong gawin di ba? 

I sighed then closed my eyes. Kahit gaano kahirap, pinilit ko ang sarili ko na matulog. Good thing, nagawa ko naman. Yun nga lang, mga past 2am na un pero at least nakatulog na.

---

Kinabukasan. Tulad ng dati, ang kambal ko ulit ang gumising saken. Ewan ko ba, di talaga ko sanay gumising ng maaga e. Maaga man o late na ko matulog, ganon pa rin. 

Nagising naman agad ako. Pasalamat siya, di ako nananaginip kung hindi makakarinig na naman siya saken ng sermon. 

"Good morning!" I greeted him. Inikot lang niya ang mga mata niya sabay sabing, "Bumaba ka na nang makakain na tayo ng breakfast." pagkasabi niya non, lumabas na siya ng kwarto at bumaba na. 

"Psh! Siya pa rin ang Sungyeol na kilala ko dati. Bakit ko ba naisip na parang nagbago siya? Tsk! I guess I'm wrong again." I mumbled myself bago ako sumunod sa kanya sa baba. 

Pagkababa ko, nakita ko siyang nakaupi na sa usual place niya. Ako naman, lumapit sa kanya then sat across him. 

Di pa man ako nakakaupo e nagsimula na kumain tong taong to. Ano pa nga ba inaasahan ko? Natural, di ako hihintayin neto! Napaka-sweet na kuya. Hayy! 

Since inumpisahan na rin naman niya ang breakfast niya, inumpisahan ko na rin ang akin. Nakakaisang subo pa lang ako e nagsalita na siya which made me stopped from eating. 

"May nangyari ba sa'yo kagabi?" 

Napatingin ako sa kanya pero hindi naman siya nakatingin saken. Naka-focus lang siya sa food niya pero alam kong hinihintay niya ang isasagot ko. 

"Walang nangyari. Mejo napagod lang. You know, pag si Tao kasi nakasama mo nakakapagod talaga. Isang taon lang ang agwat namin pero parang super isip bata pa ng isang yon!" sagot ko na natatawa. 

Not All Laughs Are RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon