Chapter 6

90 1 2
                                    

CHAPTER 6

After ko mag-CR, dumeretso na ko sa canteen para makipagkita sa mga friends ko. Sa hindi inaasahan, nakasabay ko pa ang nagsisimulang sumikat na couple dito sa school. Sino pa ba? E di si Lay at Seohyun. 

"Hello Hyesu." bati ni Lay with smile. I smiled back. Shit lang! Ang gwapo niya talaga! Hayy! Ano ba to! May girlfriend na nga yung tao, pinagnanasahan ko pa. Aish! 

"Hello Hyesu!" this time, si Seohyun naman yung bumati saken. 

Wow a! Close na ba kami? Nakita kong nakangiti siya saken. Hindi maipagkakaila, ang ganda niya talaga at bagay na bagay sila ni Lay. At alm niyo ba, iyon ang kinanainis ko kasi kahit anong gawin ko, di ko siya malalamangan. 

Ngumiti na lang ako, "Hello din Seohyun." 

"Gusto mo sabay ka samin maglunch?" tanong pa niya. 

Ayan din ang ayoko sa kanya. Ang bait-bait. Anh hirap tuloy magalit sa kanya. 

Umiling ako, "Naku hindi na. Hinihintay na rin ako ng mga kaibigan ko e. Next time na lang siguro but thanks sa pag-alok." 

Ngumiti ulit siya, "O sige. Sana makasabay ka rin namim next time. Di ba babe?" tumingin siya kay. 

Tumingin din ako kay Lay at nakita ko siyang ngumiti saken at tumango. "Asahan ko yung next time ha?" 

Napatango na lang ako sa kanya. Ang gwapo e. Ang hirap tumanggi. "Sige next time. Una na ko, bye!" nag-wave muna ako bago ako umalis. 

Habang naglalakad ako papunta sa usual place namin ng mga friends ko, napalingon ulit ako sa likod ko. Ayon! Kumirot na naman ang puso ko. Nakita ko silang nakaupo na at nagngingitian. Dapat nga mas maging masaya ko di ba? Dapat masaya na ko kasi alam kong mabait ang naging girlfriend ng kauna-unahang crush ko. Pero bakit ang hirap maging masaya. 

BUUUGGSSSS! 

Dahil sa hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, may bigla akong nabungo. "Sorry." sabi ko habang nakayuko. 

"It's okay babe." sabi ng nabunggo ko. 

Ano daw? Babe? What the?! Napaangat ang ulo ko after kong marinig ang word na yun. Nanlaki ang mga mata ko. Putek! Si Hoya na naman. Ano bang nangyayari sa mundo ngayon? Lumiliit na ata e. Dalawang bese na nagtatagpo ang landas na namin a. Bwiset lang! 

I rolled my eyes, "Babe your face!" pagkasabi ko nun, dinaanan ko na siya with matching tabig pa sa braso niya. Kaasar e! Panira ng araw. Sira na nga, lalo pang sisirain! 

I could see him smirked at the corner of my eyes but I don't care. Kahit buong araw niya pang wag tanggalin yang smirk sa mukha niya. Pake ko ba? 

Nakasimangot akong umupo sa pwesto ko pagkadating ko kala Xiumin. 

"Oh? Ano nangyari sa'yo?" tanong agad ni Xiumin. "Si Hoya kasi nakakabwiset yung pagmumukha." 

"Psh! Di ka pa nasanay." 

"Sanay na sanay na nga e! Sa sobrang sanay, nakakasira ng araw." 

Nagulat ako kasi biglang tumawa si Chen. Napatingin ako sa kanya, "Ano nangyari sa'yo? May nakakatawa ba?" 

"Oo, ikaw." 

Inirapan ko nga, "Ewan ko sa'yo Chen. Kahit kailan talaga ang hirap mo intindihin." 

"Nagsalita ang hindi." 

Natigilan ako dun. Ano daw? Tiningnan ko siya ng masama, "Anong gusto mong sabihin?" 

He shrugged, "Wala naman." 

Nakatingin pa rin ako sa kanya pero nakangiti lang siya saken. Hindi ko mapaliwanang yung ngiti niya. Iba e. Iba talaga. 

Not All Laughs Are RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon