Chapter 8

101 0 2
                                    

CHAPTER 8

"Hyesu!" 

Boses pa lang, kilalang-kilala ko na kung sino. Sino pa ba? Ang bestfriend kong si Jiyeon. Napalingon ako sa gate ng bahay namin. Ayon siya, nakakangiti at kumakaway pa. 

Okay? Anong nangyari sa babaeng to? At bakit naman nandito to? Malapitan na nga lang. 

"Oh, bakit ka napadpad dito?" tanong ko. "Ano pa ba? Syempre sinusundo ka." 

Nagtaas ako ng kilay, "Ha? Wala namang klase ngayon a? Holiday kaya." 

I saw her rolled her eyes, "Sino naman nagsabi sa'yo na sinusundo kita para pumasok? Naka-uniform ba ko? Hindi naman di ba? DUH!" 

"So, bakit mo nga ko sinusundo?" 

"Ano pa ba? Syempre para mag-mall!" 

"Ha?" 

"Anong ha ka jan?! Bilis na, magbihis ka na! Sayang oras ee. Nakakamiss din mag-mall kasama ang bestfriend noh!" 

Nakatitig lang ako sa kanya. 

"Quit staring. Magpalit ka na ng damit nang makaalis na tayo." sabi niya at kinaladkad ako pabalik sa loob ng bahay. 

May magagawa pa ba ko? Wala na kaya nagbihis na rin ako. Simple lang naman sinuot ko. Gala lang naman sa mall. Saka malapit lang naman ang mall, di kailangan magpabongga. 

Maya-maya lang ay natapos na ako at bumalik na kay Jiyeon. Nakita kong nakikipag-usap siya sa kambal ko. Ano naman kaya pinag-uusapan nitong dalawang to? 

Lumapit ako, "Ano naman pinag-uusapan niyo?" 

Mukhang nagulat ata ang dalawa sa biglang sulpot ko. Napatalon ng bahagya e. 

"Oh, bakit parang nakakita kayo ng multo?" 

"Ha? Hindi a. Nakakagulat ka kasi e. Bigla-bigla ka na lang sumusulpot jan." -Jiyeon 

"E ano ba kasi pinag-uusapan niyo?" 

"Wala wala. Tara na alis na tayo." yaya ni Jiyeon. 

"O sige tara na. Mukhang di ka na mapakali jan e." 

She pouted. I chuckled then we walked together palabas ng bahay. Nagulat naman ako at kasunod namin si Sungyeol. 

Lumingon ako sa kanya, "Bakit ka nakasunod?" 

"Kasama kaya ako." he rolled his eyes. 

Nanlaki mata ko, "Ano?! Sino naman nagsabing pwede kang sumama?" 

"Ask your friend." 

Tumingin ako kay Jiyeon ar nagkunot-noo, "What's going on?" 

"A eh Hyesu, ano kasi e. Kasama ko kasi si Myungsoo at ayoko naman ma-OP ka kaya niyaya ko na rin kambal mo para naman may makausap ka." 

"What? Kasama rin si Myungsoo? Bakit di mo agad sinabi saken? Date niyo pala, bakit isasama mo pa ako? Mas mabuti pa na dito na lang ako sa bahay kaysa makaistorbo pa ko sa inyo. Tsk!" 

"E kasi naman, gusto talaga kita kasama e. Namiss ko na kasing kasama ka so ine-request ko kay Myungsoo kung pwede kitang yayain tutal birthday mo naman ee. Masaya ako kasi pumayag siya." 

"Kahit na. Alam mo-" napahinto ako then napatingin sa kanya, "Wait, anong sinabi mo kanina?" 

"Gusto kitang kasama." 

"Hindi yun." 

"Alin ba? Na birthday mo?" 

"Birthday ko ba ngayon?" 

Not All Laughs Are RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon