Chapter 13

97 0 2
                                    

CHAPTER 13

*Hikab*Hikab*Unat*Unat*

Hayy, panibagong araw na naman. Parang ayoko nang lumabas ng bahay. Ang hirap ng ganito, ang daming iniisip. Mas marami pa nga ata akong iniisip kaysa dapat na taong nag-iisip ng gagawin sa problemang to eh.

Anong problema? Nakalimutan niyo na ba?

Lay --> Seohyun --> Hoya --> Ako

Wait, kasama ako? Ay oo nga pala, dawit na ako. Ang gago kasi ng Hoya na yan ee! Paano na ba gagawin ko? Do I need to agree with Hoya? Do I need to accept his offer to be his toy?

Well, wala naman sigurong gustong maging laruan ng isang tao di ba? Pero para to sa ikaliligaya ng my labs kong si Lay.

Ano daw? My labs?

Aba, gumaganon na ako ah.

*Erase*Erase*

Okay, seryoso na ulit. So, ano na nga gagawin ko? Aish! EWAN!

Makapasok na nga lang. Ay, mag-aayos pa lang muna pala ako. Ano na ba tong nangyayari saken. Masyado na kong napapraning dahil sa dami ng iniisip ko. Aish! Bahala na talaga mamaya.

Pagkatapos ko mag-ayos, nag-breakfast na ko with my twn brother Sungyeol. Syempre, bangayan ulit kami sa umaga. Ano bang bago? Ganyan pag nakasanayan na. Ayos lang, masaya naman makipagbangayan diyan sa isang yan eh.

Nauna na kong umalis sa kanya. Ang tagal kasi kumain eh. Pero feeling ko binagalan talaga niya ee. Mukhang may kasabay atang iba. Ayoko na siyang pakialaman ngayon. Oo, ngayon lang. Saka ko na papakialaman yan. Kailangan ko mo ng mag-isip ng mabuti para sa mga gagawin ko in the future.

Future talaga eh noh? Tsk! Sana tama yung maging desisyon ko. Kailangan ko lang ng confirmation from him.

"Aga mo naman atang papasok."

Boses pa lang alam ko na. Boses demonyo eh.

"So? pakialam mo naman Hoya?!"

"Syempre may pakialam ako."

Aba, at talagang sumagot pa ang hayop! Sorry for my harsh words. Eh bwiset kasi eh. Panira ng araw kahit kailan.

"Paano ka naman nagkaroon ng pakialam ha?"

"Dahil di magtatagal tayo na ang laging magkasama." pagkasabi niya non, naglakad na siya ng mabilis hanggang sa sobrang layo na niya saken.

Ano daw? Kami na daw ang laging magkasama pag di nagtagal? Grabe, nakakakilabot naman yung mga sinasabi non. Asar talaga!

Sa bwiset ko, napabilis ang lakad ko. Ang tae lang, di ko namalayan na naabutan ko pala ang demonyo.

"At talagang gusto mo na akong makasama ngayon pa lang ah? Sinasabi mo bang payag ka ng pumalit kay Seohyun bilang laruan ko hmm?" bigla niyang sabi sabay smirk.

Ang kapal talaga neto! Gusto ko na daw siya makasama ngayon pa lang? OH MY GOD! Nasusuka ko sa mga lumalabas sa bibig netong demonyong to ah.

I glared at him sabay ko inirapan. Ayoko na siyang kausapin kaya mas lalo ko pang binilisan yung paglakad ko. Narinig ko naman siyang sumigaw.

"Hihintayin ko sagot mo mamayang uwian. Hintayin kita sa gate!"

At talagang isinigaw pa niya eh noh? Buti na lang at maaga pa. Walang ibang taong nakarinig. Bwiset talaga to! Naku!!!

Ilang saglit lang, narating ko na rin ang classroom namin. Swerte ko, ako lang tao. Swerte ba yun? Loner nga ako eh >.<

Then may bigla akong narinig na nagbukas ng pinto. Pagkaangat ko ng ulo, nagliwanag ang paningin ko. Tae, ang gwapo! Sino pa ba ang gwapo sa paningin ko? Eh di wala ng iba pa kundi si LAY...

Not All Laughs Are RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon