Chapter 19

63 0 0
                                    

CHAPTER 19

*BUUGGS!* 

Si Sungyeol, sinuntok ulit si Hoya. Yeah, tama. Si Sungyeol nga ang dumating. 

"Gago ka ba?! Ano sa tingin mo ginagawa mo HA?!" galit na sigaw ni Sungyeol kay Hoya. 

Ako naman, eto nag-iiyak lang. Hanggang ngayon, takot pa rin ang nararamdaman ko. Alam kong safe na ko dahil nandito na ang kambal ko pero di ko maiwasan na kabahan. 

"Sungyeol? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Hoya na magkasalubong ang mga kilay. 

"Nagawa mo pa talagang itanong yan ah? Ang kapal ng mukha mo!" 

*BUUGGS!* 

Again, sinuntok niya ulit si Hoya na naging dahilan ng paghagis ni Hoya sa sahig. Tumayo naman agad siya para gantihan ng suntok ang kambal ko pero hindi niya nagawa. May pumigil kasi sa kanya, si Myungsoo. 

Sumunod na rin pala ang iba pang kaibigan ni Sungyeol pati na rin sila Chen nandun din. Si Jiyeon naman ang lumapit saken at tinakpan ako. Malaki na kasi yung warat ng uniform ko. 

Niyakap ko naman siya at nag-iiiyak lang. Wala na talaga kong ibang magawa kundi and umiyak lang. Marahan namang hinimas ni Jiyeon ang likod ko para mas gumaan ang pakiramdam ko. 

Habang nakayakap ako kay Jiyeon, naaaninag ko pa rin ang mga nangyayari sa paligid. Nakita kong may sumuntok muli kay Hoya but this time, hindi na si Sungyeol kundi si Chen. 

"Sabi ko na nga ba eh! Wala kang magandang magagawa! Buti na lang at tanga ka, dito mo siya pinagtangkaan sa school at nahuli ka namin. Gago ka!" at sinuntok pa ni Chen ng isa pagkasabi niya nun. 

Susuntukin na rin sana ulit ni Sungyeol pero humarang na sa gitna nila si Sunggyu at nagsalita. "Bilang leader ng grupo, gusto kong itigil na natin toh." tumingin siya kay Hoya, "Kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka na ngayon bago ka pa mapatay nitong si Sungyeol. At siguraduhin mong hindi ka na magpapakita samin. Simula ngayon, pinuputol ko na ang kaugnayan mo samin. Simula ngayon, burado ka na sa grupo. Kung hindi mo gagawin yun, bago ako na makapatay sa'yo. ALIS NA!" sigaw ni Sunggyu. 

Mukhang nagulat naman si Hoya dun. Kahit ako nagulat dun pati na rin ang iba. Ngayon ko pa lang kasi ata nakitang nagalit tong si Sunggyu. Kakaiba pala. Parang kaya talagang pumatay. 

Kumaripas naman ng takbo palabas si Hoya. Halata sa mukha niya ang takot nang madaan siya samin ni Jiyeon. 

Lumapit naman si Sungyeol saken. Hinubad niya yung coat na suot niya at isinuot saken. Tapos kinarga niya ko sa likod niya. "Iuuwi ko na toh. Umuwi na rin kayo. Saka na natin pag-usapan toh." then lumakad na palabas si Sungyeol habang karga-karga ako sa likod niya. 

Tahimik lang kami ni Sungyeol habang pauwi. Nakangudngod lang ang mukha ko sa balikat niya habang umiiyak pa rin ng tahimik. Si Sungyeol naman, hinahayaan lang akong umiyak. 

Di nagtagal, narating din namin ang bahay. Pumasok naman agad kami at dadalhin na sana ako ni Sungyeol sa kwarto ko pero pinigilan ko siya. 

"Pwede dito muna tayo sa sala?" 

"Kailan mo pang magpalit ng damit." 

"Mamaya na lang." sagot ko. 

"Are you sure?" tanong niya. 

Tumango lang ako. Sinunod naman niya ko. Maingat niya kong inupo sa couch sa may sala sabay tumabi sa tabi ko. 

Tumahimik na ulit. Walang nagtangkang magsalita. Walang gustong mag-open ng topic. 

Maya-maya lang, narinig ko na siyang nagsalita. "Bakit di mo sinabi saken? Bakit di ka humingi ng tulong? Di ba sabi ko sa'yo pag hindi mo na kaya, sabihij mo lang saken at ako na ang bahala? Pero bakit wala akong narinig na kahit anong reklamo sa'yo?" 

Di ko siya nilingon pero sinagot ko naman siya. "Gustuhin ko man, hindi pwede. Sa kalagayan ko, hindi mo ko maiintindihan." 

"Paano ko nga maiintindihan kung wala kang sinasabi saken? Kahit lang man yung about kay Lay, sana sinabi mo saken." 

Napalingon naman ako sa sinabi niyang yun, "Pa-paano mo nalaman?" 

"Kanino pa? Bukod sa'yo, sino pa sa tingin mo ang may alam?" 

Napahinto ako dun then I asked, "Si Chen?" 

"Sa kanya nagawa mong sabihin pero saken hindi. Ako pang kambal mo ang di mo napagsabihan. Kung alam ko lang, sana sa umpisa pa lang nailayo na kita kay Hoya." 

"I'm sorry.." yung lang ang kaya kong sabihin sa kanya sa mga oras na toh. 

Nilingon niya ako at tinitigan ng panandalian, "Don't be sorry. Nagawa mo lang yun dahil nagmahal ka. Halika nga dito." tapos niyakap niya ko. 

"Namiss ko ang kambal ko." rinig kong sabi niya. Napangiti ako dun kasi kahit ako namiss ko rin siya. Ginantihan ko din siya ng yakap. 

"Gusto mo tabi tayo matulog ngayon?" rinig kong tanong niya. Tumango lang ako, "Dun tayo sa kwarto mo." 

"Dito na lang tayo sa sala." 

Napaangat naman ang ulo ko dun, "Dito?" 

Tumango siya at ngumiti, "Oo, dito sa sala tulad nung mga bata pa tayo." 

Nangiti ulit ako ng maalala ko yung mga moments namin ni Sunyeol nung mga bata pa kami. Mahilig kasi kaming mag-camping dito sa sala together. 

Camping? 

Oo, yan ang tawag namin dun dati. Eh bata pa naman kami nun eh. Kaka-miss din yun ah. Namiss ko yung pagiging closeness namin ni Sungyeol before. 

At ngayon, muli naming ibabalik. 

Nung gabi ngang yun, natulog kami ni Sungyeol sa sala na magkatabi. Mga madaling araw na rin kami ng makatulog. Nag-reminisce pa kasi kami ng mga childhood days namin eh. Kahit papano, gumaan ang pakiramdam ko nung gabing yun. Yung takot at lungkot ko, napalitan ng konting saya. Kahit konti lang yun, at least nabawasan ang takot at lungkot na nararamdaman ko. 

Salamat sa kambal ko. Salamat sa kuya ko. Salamat kay Sungyeol...

Not All Laughs Are RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon