Chapter 5: About The Game
Nakatingin lang ako kay Rocky na umiinom ng juice. Katabi niya si Mikael na todo ngiti. Nag-uusap ang dalawa tungkol sa isang game na hindi ko maintindihan.
"Common sense lang naman, Miks," ani Rocky sa kapatid ko. "You know when to go farming, when to defend your turrets and when to engange in a clash. It should be balanced."
Nakinig lang ako kahit na hindi ako maka-relate. Palihim ko ring inaabangan ang pagbalik ni Papa mula sa kusina, ang sabi niya ay kukuha lang ito ng makakain.
"I know. Pero minsan kuya, may mga players talagang kinulang sa common sense," sagot naman ni Mikael. "It's really hard to do a solo gaming. You have no control over your teammates. Can we do a duo sometimes, please?"
Rocky smiled as he took a sip from his orange juice. "Of couse. Add mo na lang ako."
Mas pumula ang labi nito dahil sa basa ng orange juice, may bahagyang sugat do'n dahil sa pagsuntok sa kanya ni Papa. Katulad nung una at huling pagkikita namin, may jacket ito na suot, kulay gray ngayon. Ang tatak no'n ay isang logo ng isang sikat na brand. Yayamanin nga ang loko.
Napatingin ako kay Papa na kalalabas lang ng kusina, may dala itong mga cookies sa isang platito at inilagay 'yon sa lamesa.
"Thanks, Tito," Rocky said.
Tito?
"No worries." Umupo si Papa sa tabi ko. "Ilang years na kayong magkaibigan ni Maddy?" paunang tanong nito.
Nagkatinginan kami ni Rocky, tinaasan ko siya ng kilay na parang naghahamon kung ano ang isasagot nito.
"Hindi naman po importante 'yon sa isang friendship," sagot ni Rocky na mas ikinataas ng kilay ko. "I value the bond most because at the end of the day... The only thing that matters are the memories."
Tumawa si Papa. "Sabagay, may punto ka rin naman. I like that idea."
"Basta best friend forever kami ni Mads," dugtong pa ni Rocky.
Napaubo ako sa sinabi niya. What the heck is he talking about? Nangingilabot ako.
"What about me?" Mikael interrupted the conversation. "Am I not your best friend, too?"
"Of course, we are best friend, Kael," sagot ko sa kapatid ko.
"Not you." He looked at Rocky. "I am talking to this adventurous cool guy named Rocky. Please be my friend too."
Napasandal na lang ako sa sofa. Minsan talaga ay gusto kong batukan ang kapatid ko. Mas interesado pa siyang mapalapit sa ibang tao kaysa sa akin.
"Yeah, sure." Si Rocky na todo ngiti.
"Ah, Mad?" Napatingin ako kay Papa. "Pwede mo ba akong samahan sa kusina?" Binigyan niya pa ako ng makahulugang tingin na parang nagsasabing huwag na akong magtanong.
Hindi pa man ako nakakasagot ay tumayo na ito at umalis.
Binalingan ko uli ng tingin ang dalawang lalaki. Si Mikael ay kumakain ng cookies habang nakatingin sa akin at si Rocky naman ay nakasandal sa sofa, magkapatong ang binti, feeling nasa bahay nila at malikot ang tingin sa paligid.
"Mad?" tawag uli ni Papa mula sa kusina.
"Don't do anything bad here, Rocky," I warned him.
"You are so rude to your visitor, Mad," pag-epal na naman ng kapatid ko.
Sumunod na ako kay Papa. Naabutan ko siyang nakasandal sa lababo. At nung makita niya ako ay napaayos ito ng tayo.
Lumapit ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
Every Game
ПриключенияDark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible, while some endeavor for a much higher goal. But we may have different methods to play it, there's st...