Chapter 30: Let's Meet Again Someday
Is there a perfect time to say goodbye?
Is there a perfect way to hurt someone?
In my case, there is.
I knew he was leaving, he told me that several times. Can I say I prepared for that day? I did. I prepared myself to watch him turning his back on me while slowly fading like ashes in the air. I prepared not to cry as much as possible. I've prepared for the excruciating pain of seeing someone you love disappearing before your eyes.
But I never prepared myself from those preparations that won't happen.
I never prepared myself not to watch him fade in my eyes. I never prepared not to cry knowing I didn't hug him for one last time. I never prepared myself from what just happened.
He didn't give me a perfect time to say goodbye.
He didn't hurt me in a perfect way.
He just... left.
What happened while I was sleeping?
Umiyak ba siya habang nakatingin sa akin? May mga sinabi ba siya habang natutulog ako? Nagdalawang-isip muna ba siya bago umalis sa kama ko at dahan-dahang binuksan ang pinto at umalis? Umasa ba siyang magigising ako at pipigilan siya?
It's been weeks... but I still remember the last night I saw him.
Ramdam ko pa rin ang yakap niya sa akin habang nakasandal ako sa puno, ang malamig niyang tinig sa tainga ko, ang pagtulo ng luha niya sa balikat ko, ang pagyakap niya sa akin hanggang sa makatulog ako.
I remember everything and every thing about it hurts.
Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa bakanteng lote. Humigpit ang kapit ko sa bag habang nakatingin sa madilim na bahagi. Lagi akong humihinto rito, umaasang lilitaw siya at hihilahin ako sa dilim para may hilingin.
He is really gone.
Where are you now?
Are you happy?
Are you also thinking of me?
Kinapa ko sa bulsa ang cellphone ko nang mag-vibrate ako. Binasa ko ang message sa akin ni Ericka bago binalik ang cellphone sa bulsa ko.
Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Nadatnan ko na nag-aayos na ng gamit si Kael. Sabog ang mga damit niya sa sala, nakatayo ito sa gitna at mukhang gulong-gulo kung saan mag-uumpisa.
"Nag-aayos ka ba o nanggugulo?" tanong ko.
Napatingin siya sa akin. "C-Can you help me here?"
Pabagsak na ibinaba ko sa sofa ang bag ko at lumapit sa kanya. Umupo ako at pinaghiwalay ang mga shorts sa damit. May maleta sa gilid niya kung saan nakalagay na ang iba. Nakapag-ayos na rin naman ako kagabi, kaunti na lang ang kailangan kong ligpitin.
Umupo sa tabi ko si Kael pero hindi ito gumawa, nakaupo lang siya.
"You miss him?" he asked.
"Kael..." I warned him.
"I miss him, too." Sumandal ito sa akin at kumuha ng damit niya, pinaglaruan sa kanyang kamay. "Sometimes, I will look at your uniform, hoping for another stain of mud. I regret when I accepted the key of his car. I regret when I fell asleep that night."Nanatili akong tahimik.
"Graduation mo na bukas, Ate Mad," aniya bago yumakap sa akin. Natigilan ako sa ginagawa ko. "Congratulations, Ate. I might not be the best brother in this world, and yeah, you are not the best sister in the universe, too. But I am proud of you, Ate."
BINABASA MO ANG
Every Game
AdventureDark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible, while some endeavor for a much higher goal. But we may have different methods to play it, there's st...