Chapter 21: Lost Control
I was just staring at him while he was scolding me for driving recklessly. Ayokong magsalita dahil baka mas mainis siya. I should be composed while confronting him to ease what might happen. He could call a police and tell them that some reckless girl drove a car without a license.
Napatingin ako sa likod ng sasakyan niyang natamaan ko, 'yon ang lagi niyang tinuturo. Hindi ko alam kung madilim lang ba rito o wala naman talagang kahit na anong pinsalang naidulot ko ro'n. I could even see my reflection on it.
"What are you going to do now, Miss?"
Napabalin ako uli sa lalaki. Ipinakita niya sa akin ang kanyang cell phone na parang tinatakot akong magsusumbong siya sa pulis.
"I don't know," tila lutang kong sabi.
Mas lalong nayamot ang kanyang hitsura.
Napangiwi ako nang sabay-sabay na bumusina ang mga sasakyan sa likod. It's a go sign and we are blocking the way. Sinisigawan na rin kami at kapag hindi pa kami umalis sa daan ay sabay kaming dadamputin ng pulis dito.
"Siguro po mas mabuting tumabi na muna tayo?" suhestyon ko sa mababang boses. "Baka po kasi nakakaistorbo na tayo sa mga bumibyahe. We are blocking the way."
Napapikit sa inis ang lalaki bago tumango. Siya ang unang pumasok sa sasakyan niya at pabagsak na isinara ang pinto. Pumasok na rin ako sa sasakyan ko at sinundan kung saan siya hihinto.
I looked at the time. It's 8 PM. Dapat ay nasa bahay ako ngayon pero ito ako, nakasakay sa hindi ko pang-aaring sasakyan at nagmaneho pa, nakabangga pa. Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil sa mga ginagawa ko.
What am I doing in my life? I think I'm lost.
Sinundan ko ang sasakyan ng lalaki.
Malawak ang kalsada, walang traffic.
Should I just run away? I know it's not good but I don't see any problem here except my reckless driving. Maarte lang ang lalaki dahil nabangga ko ang kanyang sasakyan na parang nayupi ko ang kalahati no'n.
Napagitla ako nang maramdaman na may nabangga na naman ako. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong nabangga ko na naman ang likod ng sasakyan ng lalaki dahil sa iba ako nakatingin.
"Nice, Mads," I whispered.
Pinatay ko ang makina ng sasakyan. Pinanuod ko ang nagkukumahog na paglabas ng lalaki sa kanyang sasakyan at mabilis na tiningnan ang likod nang kanyang sasakyan. Inis na inalog niya ang kanyang ulo bago ako sinenyasan na lumabas.
I gulped hard. Baka sapakin ako nito ah?
"Should I call the police?" I asked myself.
That's rights, Mads. Call the police and tell them you hit his car twice and you don't have a driver's license and what's worse is you stole this damn car.
Sumandal ang lalaki sa likod ng kanyang sasakyan, nakahalukipkip at inip na nakatingin sa akin.
Kung tutuosin ay hindi naman siya gano'n katanda. Pero sa inaasta niya ay daig niya pa ang matandang babaeng menopausal na. How could he spend too much time just for small things like this? Can't he be just thankful I watched tutorials first because if I didn't, I wouln't just hit his car, I could have pushed him to death.
Wala akong nagawa kung hindi ang lumabas pero nanatili ako sa gilid ng sasakyan ko.
"You hit my car," he smirked and I could smell how annoyed he was. "I just needed your sorry but since you hit it again. You hit on my temperance twice. Pay for it."
BINABASA MO ANG
Every Game
AdventureDark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible, while some endeavor for a much higher goal. But we may have different methods to play it, there's st...