Chapter 26

105K 5.5K 1.6K
                                    

Chapter 26: It's Time

Kinabukasan ay natambakan ako ng gawain sa school. This is why I don't leave classes, madalas ay nasasakto na maraming ginagawa. Funny, right? When you are present, nothing that happens matter but when you are gone, everything damn matters. There were lectures, pointers to review for the finals, final projects and other stuff about graduation.

Oh, god. I'm finally graduating! I couldn't help but to feel excited for college. How is it like when you are finally taking the career you always desire? I heard a lot from people who went to college like --- it's tiring, time-consuming and depressing. But I don't believe it. As long as you love what you are doing, no matter how tiring, time-consuming or depressing it is, it will be worth it in the end.

"Ito na po, Senyora Grilliarda," nanunuyang sabi ni Ericka nang ipatong niya sa desk ko ang bote ng mineral water na pinabili ko. "May sukli ka pa pong piso pero akin na lang, ah? Ang layo kaya ng nilakad namin."

Tinawanan ko lang siya bago tumango.

"Ako ang nagbitbit sa mineral water," pagsingit ni Rafael. "Hindi po ako magrereklamo, Senyora Grilliarda. Kahit na inutusan mo na ako kaninang bumili ng pen, biscuit, at marami pa," pagpaparinig nito kay Ericka.

"Hindi naman ako nagrereklamo, ah? Saka... alangan naman ang girlfriend mo ang utusan mo?" singhal ng Ericka sa kanya. "Hindi mo nga ako nilibre ngayon."

"Coming from the girl who stopped Rocky when he was about to treat Maddy." Rafael playfully chuckled.

Kinuha sa akin ni Rafael ang bote ng mineral water nang mapansin niyang nahihirapan akong buksan 'yon. Nagpasalamat ako nang iabot niya sa aking bukas na 'yon.

Uhaw na kinalahati ko 'yon.

Umupo sa katabing upuan ko si Ericka habang si Rafael ay nanatiling nakatayo, nakandal sa upuan na nasa likod niya. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin kay Ericka, kitang-kita ang tagumpay sa kanyang asarin ang girlfriend niya.

Bumaling ako uli sa mga notes ko. Kanina pa ako nagsusulat pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tapos. Kanina pa nag-uwian ang mga kaklase namin pero kami andito pa rin. Hindi naman makaalis si Ericka dahil sa kanyang notes ang gamit ko.

"Picture-an mo na lang kasi ang notes," ani Rafael. "That what I always do. Instant copy."

"Ogag. Magche-check ng lectures!" pagalit na sabi ni Ericka. "Saka huwag mo ngang idamay si Mads sa pagiging tamad mo."

"E 'di ipa-xerox na lang niya tapos idikit sa notebook," suhestyon ni Rafael.

"Ayan. Gawain ng mga tamad na estudyante. Naku. Don't listen to him, Maddy."

Itinabi ko ang tubig bago nagsulat uli. Paulit-ulit akong nagkakamali ng sulat dahil sa ingay ng mga kasama ko. Si Rafael ay nagbibigay ng tips about sa shortcut sa pagsusulat na matatawag na cheating habang si Ericka ay sigaw nang sigaw dahil sa sinasabi ng boyfriend niya.

They are back at being annoying again.

Napapikit ako sa inis. Parang mas maganda atang umalis na lang ang dalawang ito? Hindi ako makapagsulat nang maayos tapos tatamaan pa ni Ericka ang upuan ko kapag sisipain niya si Raf.

"Bakit ba inis na inis ka ngayon sa akin?" dinig kong tanong ni Ericka.

"Hindi mo talaga alam? Let me tell you." Humawak pa sa baba niya si Rafael na parang nag-iisip. "I think a guy last night uploaded a picture on Instagram. And you liked it."

Tumigil ako sa pagsusulat para makinig sa kanila.

"Sino?" takang tanong ni Ericka.

Tumawa si Rafael. "Sa dami ba ng mga gwapong lalaki sa Instagram mo, hindi mo na alam kung sino ang ni-like mo?"

Every GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon