Chapter 6

152K 6.6K 2.6K
                                    

Chapter 6: Clue

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Nakabukas ang bintana sa gilid ko kaya pumapasok ang malamig na hangin. Sinulyapan ko si Rocky, diretso lang ang tingin nito sa daan, tila malalim ang iniisip.

He's no longer a stranger to me. Kalmado na ako. Hindi na gano'n kung pag-isipan ko siya ng masama. It all makes sense to me. The desperation on his brown eyes, how he almost begged to me. Naiintindihan ko na.

"Quit staring," he said,

Mabilis na inilihis ko ang tingin. "I was staring outside your window."

"It doesn't feel good when someone is staring at me." He took a glimpse of me. "It feels like you are planning something."

Hindi na lang ako kumibo.

Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng bahay namin ay mabilis na kinalas ko ang seatbelt sa katawan ko. Hinawakan ko na ang pinto nang maramdaman ang paghawak sa akin ni Rocky, pinipigilan ako sa paglabas.

I looked at him. Napatingin ako sa hawak niyang phone.

"Let's take a picture?" he asked.

Kumunot ang noo ko. "Is it part of the game?"

"Yeah." He nodded his head as he moved closer to me.

Itinaas niya sa harapan namin ang kanyang phone. He smirked on the photo while I was just staring. It was only a one shot. Pakiramdam ko ay ang panget ko sa picture, gusto ko pang ulitin pero nahihiya ako.

"Look." He showed me the picture and I was right, I looked devastated. Gulo-gulo pa ang buhok ko dahil sa hangin kanina.

Habang siya? With that messy hair and playful smirk? He was damn fine. Kahit na anong anggulo ata ay bagay sa kanya. Unfair.

"Do you want a copy?" he asked.

Tumango ako. Lumabas na ako ng sasakyan at diretsong pumasok sa loob ng bahay nang hindi na lumilingon pa pabalik. Naabutan ko si Papa na nakaupo sa couch, nakatutok sa TV, nagmano ako sa kanya.

"Oh, ba't ang bilis niyo ata?" tanong niya.

I shrugged my shoulder. "Nagpasama lang siya sa malapit."

"Puntahan mo muna si Mikael sa kwarto namin. Hindi pa 'yon lumalabas magmula nung umalis ka."

Pumasok ako sa kwarto nila Papa at Mikael. Tumambad sa akin ang mga unan na nasa sahig. Masyadong magulo. At ang kapatid ko ay nakadapa sa kama at nakatutok sa kanyang phone.

"Nagwala ka ba?" tanong ko habang pinupulot ang mga unan sa sahig. "That would be so childish, Kael. Akala ko ba ayaw mong masabihan na bata?"

Umupo ako sa tabi niya. Naglalaro na naman pala siya at tutok na tutok siya roon. Halos mahilo ko sa dami ng ganap pero wala akong maintidihan. Ilang segundo pa ang lumipas ay natapos na ang laro.

"Defeat," basa ko.

Umupo si Mikael at masamang tumingin sa akin. "Who are you?"

"Kael..." Tumamad ang tingin ko sa kanya.

"Only my family is allowed to call me that way," mapait na sabi nito sa akin. "Sumama ka na sa ibang lalaki. Akala ko ba magtatanan na kayo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong tanan? Saan mo ba nakukuha ang mga salita na 'yan? Huh?"

Sinubukan ko siyang hawakan pero umatras ito. "D-Don't you love me anymore?" he asked, dramatically.

"Of couse, I do."

"Then, why?" Tumaas ang mga kilay niya. "Why can't you bring me with you? Gusto ko ring sumama. Maliban na lang kung ayaw mo talaga akong kasama."

Every GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon