Chapter 29: Where It All Ends
"Bilis na kasi!" ani Rocky na nauna nang umakyat sa puno.
Matagal-tagal na rin kasi nung huli akong umakyat ng puno. Hindi naman kataasan pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Kanina pa nakaakyat si Rocky at halatang inip na dahil sa kabagalan ko.
"Isipin mo na lang na ako itong puno, yakap lang hanggang sa makaakyat ka," aniya pa.
Napailing na lang ako dahil hindi ko makuha ang punto niya.
"Gabi na kasi eh," paggawa ko ng dahilan. "May may duwende tayong maapakan! OMG. Baba ka na, pasok na tayo."
Tumamad ang tingin niya sa akin.
Huminga ako nang malalim bago inalis ang tsinelas ko. Inapakan ko ang magaspang na bahagi ng katawan ng puno. Nang malapit na ay hinawakan ako ni Rocky para makaupo sa isang sanga.
"Good job," puri ni Rocky. "Pwede ka ng si Jane at ako ang Tarzan mo."
"Manahimik ka nga." Ngumuso ako bago tinanaw ang ibaba. "Hindi ko na tuloy alam kung paano bumaba."
"Edi dito na lang tayo."
Napatingin ako kay Rocky. Nasa iisang sanga lang pala kami. Ako ang nakasandal sa katawan ng puno, natagilid at nakababa ang dalawang paa. Habang siya naman ay nakaharap sa akin, nasa pagitan ng kanyang hita ang kapit sa sanga ng puno.
"Ano'ng tinitingin-tingin mo dyan?" pagsusungit ko.
Umiling ito bago mas umusod palapit sa akin. Hinarang ko ang kamay ko para panatilihin ang malaking puwang sa pagitan namin. Hindi ko gusto ang posisyon namin. It's awkward, lalo na kapag mas lumapit pa siya.
"Masama bang titigan ko ang girlfriend ko?"
Pakiramdam ko ay mahuhulog talaga ako rito kahit na anong segundo. Kahit na hindi ako gumalaw o kahit na hindi umihip ang hangin, sa mga salita lang ng lalaking 'to nanlalambot na ang kapit ko.
"You're my third girlfriend," aniya pa.
Oh, that answered my question. Well, kahit naman na malimit siyang mag-isa, hindi ko inalis ang duda na nagkaroon din siya ng girlfriend. Just like what I said before, he could have as many girls as he can with that sweet tongue.
"I had my first girlfriend when I was in kindergarten. Christmas party no'n. May palaro na itinatali ang mansanas tapos partner-partner, kakagatin at unahan maubos. We accidentally kissed each other."
"Dahil lang sa kiss, girlfriend mo na?" pang-aasar ko.
Umiling siya.
"Araw-araw no'n akong nagdadala ng mansanas, tapos kaming dalawa lang ang naglalaro."
"Grabe. Ang maniac mo."
"Uy, 'di ah. It's just a kiss. Kaso nag-break kami nung isang araw ay nakalimutan kong magdala ng mansanas," malungkot niyang sabi. "Hindi niya ako pinansin. And that's where it all ended."
"Ilang araw kang nagdala ng mansanas?" tanong ko.
Bahagyang umangat ang tingin niya na parang nag-iisip.
"Two consecutive weeks?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Araw-araw kang nagdala ng mansanas, walang palya?" gulat kong tanong.
Tumango siya.
"Ibig sabihin..." Lumunok ako bago napaismid.
Araw-araw silang nag-kiss? Well, they were just kids that time. Malamang na wala lang sa kanila 'yon. But still, really? 2 weeks?
BINABASA MO ANG
Every Game
AdventureDark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible, while some endeavor for a much higher goal. But we may have different methods to play it, there's st...