narration
Ivy's
Agad na akong lumabas ng bahay pagkatapos naming mag-usap ni Taeyong. Malayo-layo rin ang park dito sa bahay kaya't kinailangan ko pang mag-taxi. Wala naman kasing nadaan na jeep dito.
"Kuya? Bakit tayo huminto?" tanong ko nang maramdamang hindi kami naalis doon.
"Pasensya na Ma'am, may nagkabangaan ata. Hindi po tayo makakaalis agad dito." Putangina?
"Sige kuya, ito nalang po 'yung bayad." saad ko at inabot 'yung pera.
"Salamat po, pero hindi po kayo makakasakay banda do'n dahil imposibleng may makadaan pang taxi o tricycle. Malayo pa po 'yung pupuntahan niyo." nagaalalang saad ni Manong.
"Okay lang po, lalakarin at tatakbuhin ko nalang. Salamat po." nakangiting sagot ko tsaka bumaba ng taxi.
Sire akong kanina pa nagiintay si Mark don. Nandon pa kaya siya? Pero sabi niya magiintay siya eh.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa park. Lakad-takbo na ang ginawa ko. Ang sakit na rin ng paa ko dahil kanina pa ako natatapilok dahil ang daming bako dito.
Pagkarating ko sa park ay alam ko sa sarili kong mukha na akong laspag na virgin. Kinginang 'yan.
Hinanap ko si Mark pero ni-isang anino niya ay wala akong nakita. Akala ko ba iintayin niya ako? Aamin na 'ko eh, putangina naman.
Nilibot ko 'yung buong park at pakonti na ang mga tao dito. And yes! Nakita ko siya sa bandang likod. Pero may kasama siyang babae.
Naghahalikan sila.
Putangina naman, Minhyung. Napakadami mong babae sa buhay. May Divea ka na may isa ka pa? Sino naman 'yan?
Siguro nga kasi kailangan ko nalang kalimutan 'yung nararamdaman ko sa 'yo, Mark. Mukhang wala naman kasi talagang pag-asa.
Paika-ika akong naglakad paalis do'n. Tulad kanina ay lakad-takbo ang ginawa ko kahit ng sakit ng mga paa ko.
Pero swerte ko naman talaga, ano? May isang anghel talagang tutulungan ka kahit anong mangyare.
"Pasan na, alam kong masakit paa mo." saad niya at tumalikod sa 'kin. Pumatong naman ako sa likod niya tsaka siya tumayo. "Sabi ko naman kasi sayo, ako nalang."
"Sorry," natawa siya sa sinabi ko. Naramdaman ko namang tumango siya "Salamat, Taeyong."
BINABASA MO ANG
√ 𝒋𝒐𝒘𝒂𝒊𝒏 𝒌𝒊𝒕𝒂 | 𝑙𝑒𝑒 𝑚𝑎𝑟𝑘
Short Story❝Nakakainggit ka. 'Yung taong kinababaliwan ko, mahal na mahal ka.❞ -NCT Mark MarkxYou - Epistolary #3 jaewonology's S: Nov. 10, 2018 E: Dec. 23, 2018 #309 - nct #109 - nct u #138 - nct dream #126 - nct 127 #956 - epistolary #43 - nct 2018 #87 - jen...