50💚.

400 7 7
                                    

narration

Yvy's

"CONGRATS DREAMMIES!" sigaw ko nang makapasok sa venue nila. Lahat naman ay napatingin sa 'kin at naagaw ang atensyon nila pero wala akong pake.

"Ang ingay ingay mo Noona!" sigaw ni Jeno sa 'kin.

"Sinisigawan mo 'ko?" sigaw ko pabalik. Konti nalang ay pwede na kaming palabasin dito pero walang nangingialam sa amin.

"Hindi po! Nagsasabi lang." sagot nito at lumapit kay Jaemin na nakatingin sa 'kin. Omg ex-crush. Huehue.

"Congrats Dreaaaam. Huhuhu, graduate na kayo. Parang kailan lang huhuhuhuhu." Nagkunwari akong umiiyak. Buong NCT naman ay nakatingin sa akin na para bang ikinahihiya nila ako. Mga bobo!

"Luh agaw atensyon naman 'yung babae."

"Okay lang, ganda niya naman."

"Tanungin ko pangalan?"

"Hoy anong tanong-tanong! Akin na 'to mga gunggong!" rinig kong sigaw ni Mark sa mga nagbubulungan sa likod namin. Napatawa naman kaming lahat.

"Ano na? Tara picture!" napatingin kami kay Jinyoung. Kaibigan ni Mark. "Si Yvy't Mark muna, h'wag kayong epal!" sugaw pa nito kila Jaebum na sumisingit sa amin.

"Oo na oo na, tsk." Si Jackson.

"Oh dali! One two three!"

Agad naman akong ngumiti at sumandal sa dibdib ni Mark na ngayon ay nakaakbay sa akin.

"YO DREAM!" sandali.

Pamilyar 'yung boses na 'yun.

"JJEOREO JUJA HWAITING!"

Hindi naman siguro sisigaw si Jisung at Jaemin kung hindi si Mark 'yun, diba...

"Noona tingin ka dito!" sigaw ni Jisung. Hindi ako lumingon. Ayokong makita 'yung lalaking iniwan ako ng dalawang taon.

Hindi ako bitter, siguro kasi hindi pa ako ready'ng makita siya ulit. Sabi nga diba, magka-iba ang bitter sa nasaktan.

At ako, naka-move on na. Hindi lang talaga ako handang makaharap siya ulit.

Binigyan ko si Mark ng 'umalis-na-tayo-dito-look.' pero mukhang hindi niya naintindihan. Bobo.

Agad kong hinawakan ang braso niya tsaka braso ni Jinyoung para sana umalis na do'n. Ngunit wala pang limang segundo ay naramdaman ko nalang na may humigit sa akin paharap.

'Yung mata niya, fck.

'Wag papaakit, Yvy. Tapos ka na sa katangahan mo kay Mark. Please lang, tama na.

"Love," nanatili akong nakatingin sakaniya ng walang emosyon. "I'm sorry.." Pang-ilang sorry mo na ba 'yan, Minhyung? Hindi ko na mabilang.

Ramdam ko ang tinginan ng mga tao. Tatanggalin ko na sana ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pero bigla niya akong hinatak dahilan para mayakap siya.

"B-bitaw, Minhyung." mahinang saad ko.

"Ayoko." matigas na saad nito at mas hinigpitan pa ang yakap sakin.

"Ano ba? Tigilan mo na 'ko. Ayoko nang magpakatanga pa sa 'yo. Tama na, Mark. Pagod na 'ko eh." saad ko at bumitaw sa yakap pero nanatili siyang nakahawak sa braso ko. "Ang sakit sakit dito, Mark." Dinuro ko 'yung dibdib ko, sa puso. "Ang sakit na, sobra. Naka-move on na 'ko, eh. Bakit bumalik lahat ng sakit? Mark?" Umiiyak na saad ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

√ 𝒋𝒐𝒘𝒂𝒊𝒏 𝒌𝒊𝒕𝒂 | 𝑙𝑒𝑒 𝑚𝑎𝑟𝑘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon