CHAPTER TWO

2 0 0
                                    


     ''Bakit pumunta si Akira doon? Isn't dangerous?'' napatingin siya sa kaniyang harapan.

''delikado iyon para dito. Is Aurora agree with that?''

''Bakit hindi sila ang kausapin mo? I don't even have an ideana sumama pala siya kay Adriana.''

Napabuntong hininga ito. "As always Autumn, the dinner is awesome." puri sa kanya ni Alaigne matapos tumayo sa hapag.

Marahil ay ayaw na nitong problemahin pa ang ginawang desisyon ni Akira.

Silang dalawa lang ngayon ang kumakain dahil busy ang lahat. Nasa business meeting si Ashley sa Singapore ng one week. Si Althea nasa Miami dahil sa mga projects nito. Isa itong Engineer na kilala sa mga kakaibang designes nito na kahit siya ay humahanga. Ito rin ang nagdesign sa lahat ng mga restaurants niya. Si Akira naman ay nag boluntaryo nga sa isang Medical Mission sa Africa together with Adriana na isang sundalong babae. Sila Amber at Aiko naman ay hindi talaga umuuwi sa Mansion. Nasa New York si Amber at nasa Korea naman si Aiko. Pawing mga sikat na personalidad sa entertainment industry. At dahil wala namang ginagawa si Alaigne ay parating naiiwan sa bahay. Ah no, ito nga pala ang Vice President ng Gray Corporation pero tamad pumunta sa office. Mas pinipiling gawin ang trabaho minsan sa mansion. Walo silang magkakapatid, not sisters by birth but they are blood related. May dugo ni Aurora Gray ang parehong dumadaloy sa mga ugat nila. At sila ang tinatawag na eight pillars of Gray Empire. Nagsisilbing pundasyon. Kilala sila sa tawag na mga 'Senoritas' at sa kaso nila Amber at Aiko, may iba silang gamit na pangala at walang nakakaalam na anak sila ni Aurora Gray. Tanging mga mapagkakatiwalaang tao lamang.

Tumayo na rin siya at sinenyasan ang katulong na nagmamasid lang sa gilid nila na pwede na itong magligpit.

Tumayo na rin siya at sinundan sa sala si Alaigne pero nakita niya itong paakyat na sa hagdan.

"Wait, when will Aurora goes home?" huminto ito sa ikalimang palapag at tinignan siya.

Aurora went on her Europian tour. Nagdesisyon silang pagbakasyunin ang matanda para naman maka relax ito. Two years ago, Aurora diagnose for having a cervical cancer at buti na lang ay naging success ang huling operation nito. Kaya ngayon ay nagliliwaliw sa iba't ibang bansa.

"Don't know, asked Ashley about that."

Yun lang at nagpatuloy na ito. Hindi naman masasabing close sila ni Alaigne dahil sa kanilang magkakapatid, silang dalawa ang minsan na tahimik.

Minsan talaga nakakamiss kapag nasa Mansion si Aiko. Ito kasi ang nagpapaingay kapag narito ito. Pero mabuti na rin ito dahil walang maingay, yun nga lang sobrang tahimik naman.

"Yes, I'm already here. Whoa I miss the Philippine air so much."

"Glad to hear that, Young Master. Just in case you need anything. Just call me."

Pinayuhan pa siya nito tungkol sa paglagi niya sa Pilipinas at saka nito binaba ang telepono. Talagang ginagawa nito ang trabaho at wala na siyang masabi doon.

Matagal na panahon na rin ng magtrabaho ito patra sa kanila. Ang tatay nito ay dating butler ng pamilya nila at ng mamatay ay ito ang pumalit sa naiwang posisyon ng ama. Hindi niya naabutan ang ama ni Mr Hwang pero nakasisiguro siyang tapat at mabuting Butler din ito gaya ng anak nito.

Kasalukuyan niyang binabagtas ang Timog Avenue papunta sa binigay sa kanya ni Mr Hwang na condo unit. Buti hindi tumanggi ang ama niya dahil sa mamahaling hotel siya pinareserve ng Mr Hwang o alam ba nito na nasa Pilipinas na siya.

Sa A Star Hotel siya tutuloy, pagmamay-ari ni Aiko Gray na isa sa mga anak ni Aurora Gray. Ang pinaka mayamang tao sa buong mundo. At hindi basta-basta para magkaroon ka ng suit sahotel na iyon. Malaking pera ang kailangan pero temporary lang naman siya doon. Hindi kasi niya alam kung hanggang saan siya maglalagi sa bansa. Maybe mamamasyal na lang siya, hindi din naman niya alam ang lokasyon ng pamilya ng mama niya. Hindi naman kasi palakwento ang huli sa buhay at pamilya nito pero hindi naman matatawaran ang pag aalaga nito.

Their DatesWhere stories live. Discover now