CHAPTER FIVE

2 0 0
                                    


''Hey! Autumn. Im sorry about last night.''

''A! I really didn't mean to drag you, I just want, I was just...arghh''

Kanina pa siya sa harapan ng salamin sa banyo at nagpapraktis ng tamang sasabihin kay Autumn. Hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang babae ngayon. Mukha ata talagang nagalit niya ito sa puntong iyon.

Mukha na nga rin siyang tanga na nagreresearch sa Google kung paano mag sorry sa isang Autumn Gray na isang one-woman word. Mysterious in her own way. Na may nakakatakot yet nakakaakit na mga mata.

Sa pagkakataong ito, mas gusto pa ata niyang pagtiisan ang mga tinuturo sa kanya ni Mr. Hwang tungkol sa negosyo nila kaysa ang humingi ng tawad sa dalaga.

But no, he may be permissive and promicious pero hindi siya basta-basta sumusuko.

Lalo pa at isang katulad ni Autumn ang hihingan niya ng paumanhin. Its worth the effort.

Sa naisip mabilis siyang nagbihis at nag ayos ng sarili. Bago lumabas ay tumingin pa siya sa salamin, brushed-up ng buhok then wink at wala pa sa limang minute ay nagmamaneho na siya patungo sa restaurant ni Autumn.

''What are you doing here?''kunot-noong tanong niya ng malingunan si Yohan na pumasok sa private kitchen niya.

Tinignan lang siya nito at hindi nagsalita.

''Get out, no one is allowed to enter here.'' Bumalik sa pagkaseryoso ang tinig niya, '' and who the hell told you to barge in here?'' galit, siya at hindi niya alam ang dahilan. Para kasing hindi tama na pinahihintulutan niya ang sarili na mapalapit na lang ditto to think na kakakilala lang nila.

Tumikhim muna ang kaharap bago magsalita.

''About last night, i'm sorry. I didn't mean to force you,-''

''Get out!'' mahina pero may diin niyang sabi habang nakatalikod na dito.

''no, I wil not going outside unless you forgive me.'' Sa kabila nito mababakas pa rin ang determinasyon sa boses ng lalake.

Hinarap niya ito at matamang tinignan. Ng makitang wala siyang magagawa para mapaalis ito at hinayaan niya na lang ito.

Tumalikod siya dito at nagpatuloy sa ginagawa. Aware pa rin siya na sinusundan ng lalake ang mga kilos niya. Hindi niya ito pinansin at tinuon na lang ang atensiyon sa ginagawa.

Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya at nahalo sa amoy ng niluluto niya ang manly scent nito at sa di malamang kadahilanan ay napaungol siy sa loob niya.

Mula talaga ng nagkaroon na sila ng closure ng lalakeng ito ay nararamdaman na niya ang kakaibang epekto nito sa damdamin niya.

Na para bang gusto na niya itong palaging nakikita. It was new to her.

In her peripheral vision nakita niyang kumuha ng kutsara si Yohan and scoop a small amount mula sa niluluto niya.

''Hmm, even your dish tastes serious and mysterious.''

Napakunot-noo siya at bumaling dito.

Hindi ito ang inaasahan niyang sasabihin nito mula sa niluto niya. Hindi naman sa nag-eexpect siya pero lahat ng titikim ng luto niya ay maganda ang feedback sa kanya.

At serious and mysterious? Its not even appropriate to describe the food's taste. What's with this man?

Marahil nahalata nito na nakatingin na siya dito kaya tumingin na rin ito sa kanya.

''What? ''

Dahil ayaw na niyang humaba pa ang usapan ay hindi na lang niya ito pinansin.

''hey! I'm not saying that your food doesn't taste delicious, its actually taste wonderful like heaven, and I just couldn't find the right words.'' Sumeryoso na rin ito. ''I don't know but when it always about you, everything I couldn't always find the right words what to say or compliment to you.''nakipagtitigan siya dito dahil parang sinusuri na siya nito. '' it's just that, everything about you is perfect.''

Bumuntong hininga ito ito. '' I'm losing control right now.'' And in just a sweep of seconds, his lips was already on hers.

Gustong isigaw ng isip niya na hindi tama pero hindi niya mahanap ang lakas para itulak ang lalake na ngayon ay mapusok na siyang hinahalikan.

Aminin man niya o hindi, gusto niya ang mga nangyayari. Pero wala pa silang isang linggong nagkakilala tapos ngayon nasa mga intimate part na sila. Nagbibiro na ang tadhana.

Pati ang pagbilis ng tibok ng puso niya ngayon ay niloloko na siya.

Hindi niya rin namalayan na tinutugon na pala niya ang mga halik ng lalake at ang mga kamay niya ay nasa batok na nito. Nang maramdaman niyang kinagat nito ang ibabang labi niya ay dito na siya bumalik sa huwisyo at tinulak ng malakas ang lalake.

Parehong hinihingal mula sa marahas na intensidad ng nangyaring halikan. Nakatitig lang sila sa mata ng bawat isa ng marinig niya mula sa intercom na may himihingi na ng inorder niya.

Mabilis siyang napabaling sa niluluto and good thing na mahina lang ang apoy at wala pang nangyaring hindi maganda.

Mabilis niyang niluto iyon at inilagay sa platter.

Hindi na niya pinansin ang lalake habang inaayos ang pagkain sa plato at mabilis ding lumabas para ihatid ang pagkaing niluto niya sa service crew para iserve.

Hindi na siya nag abalang hubarin ang damit niya panluto ng lumabas siya ng kusina.

Nakita pa siya ng karamihan ng customer na kumakain ng mga oras na iyon at bumati sa kaniya. Karamihan ay pinuri ang luto niya. Naalala niya ang lalakeng balak niyang iwanan sa kusina niya dahil ito lang ang may kakaibang komento sa pagkain niya.

Mabilis niyang inalis sa isipan ito dahil kasabay niyon ay bumalik ulit sa kanyang isipan ang nangyari lang kanina.

Nakita naman niyang naging alerto ang mga bodyguard niya na nakapaligid sa restaurant ng makita siyang lumabas. Nakahanda na agad ang kotse niya at mabilis na siyang pumasok dito.

''Ang aga mo.'' Nagulat siya pagpasok sa mansion ng magsalita si Althea na nasa harapan niya ng makasalubong siya sa hallway ng mansion.

''Bakit nandito ka pa rin?'' balik tanong niya dito.

Naalala na naman kasi niya ang nagyari lang kanina sa restaurant.

Tinaas nito ang isang folder na hawak. ''Naiwan ko.'' Sabi nito.

Tumango na lang siya, ''I want to sleep.'' Iyon na lang ang sinabi niya at nilampasan na niya ito.

Nagkibit-balikat na lamang ito sa kaniya. Sanay na ang mga kapatid na hindi siya palasalita o mas tamang sabihin na tamad siyang magsalita.

Pagpasok sa kwarto ay mabilis siyang humiga. Hindi na nag abala pang tanggalin ang suot niyang sinusuot lang pag nagluluto siya.

Napatingin siya sa kisame. Mukha ni Yohan ang naroon ay maya-maya pa ay napalitan na ng imahe ng nangyaring halikan nila kanina.

Simpleng halikan lang naman iyon at grabe makapagreact ang puso niya. At hindi pa niya malimutan. Pero tatawanan ba siya pag sinabi niyang it was her first kiss?

Oo bata pa siya ng maampon ni Aurora at tinuon na niya ang sariling atensiyon sa pag-aaral at pagluluto. Kaya wala siyang experience sa mga bagay na ginagawa lang ng magpartner.

Teka, partner ba sila ni Yohan? She think so. No, right?

Napailing na lang siya. Gusto niyang matulog. Ayaw niyang isipin iyon.

Ayaw niyang pagurin ang isip sa pag-iisip pa doon dahil pati puso niya parang nag-iisip na rin. Mayroon ba nun'? oo yung puso niya. Arghhh... ginulo niya ang buhok niya at nagtaklob ng kumot. Hindi pa nakuntento pati unan ay tinakip na niya sa mukha niya.

Mukha lang siyang tangang high school girl na sa wakas ay napansin ni crush.

Wait! Crush niya ba si Yohan.

''no!'' malakas na sabi niya.

Their DatesWhere stories live. Discover now