''It's an onion not garlic, idiot.''
''What? It's garlic, how can you say onion? You're the idiot here, woman.''
''Talk to yourself, dumbass! ''
Nandito sila ngayon sa kusina ni Autumn at kanina pa sila nagtatalo sa pagkakaiba ng onion at garlic. Ipinagpipilitan kasi ni Yohan na garlic ang onion.
Napailing na lang siya.
Ngayong araw hindi siya magluluto para sa mga customer, nandito sila ngayon dahil gusto daw na dito sila magdate. Sa kusina niya.
At gusto rin ni Yohan na magluto, matutong magluto para daw kapag nagging mag-asawa na sila ay hindi lang daw siya ang magluluto kundi pati rin ito.
Nakakatawa dahil nasa dating stage pa lang sila ng binate ay asawa na agad ang iniisip.
Sa ideya ay napapaisip na lang siya na 'advance preparing is better than late'.
Napangiti siya sa naisip. Ang dami kasing pinapasok ni Yohan sa isip niya. Hindi naman sa hindi niya gusto ito, sa totoo lang gustong-gusto niya.
''It's done.'' Napatingin siya rito na ngayon ay hinahalo na ang niluluto nito. Mukha hindi pa nga ito makapaniwalang nakaluto ito ng isang putahe. Pinabayaan niya ito kanina ng sinabi nitong gusto daw nito magluto. At mula ng magsimula ito ay nagtalo na sila sa pagkakaiba ng sibuyas at bawang.
'' Here, taste it.'' Nakangiti nitong sinusubo sa kaniya ang isang kutsarang may laman na kaunting sabaw mula sa adobong niluto nito.
Ayon dito ay ito lang ang alam nitong luto na Filipino Dish. Kaya ito ang piniling lutuin. Dinidictate niya lang kung ano ang mga gagawin at ito mismo ang naghiwa sa mga ingredients, hanggang sa maluto ay ito ang nakabantay.
Sinubo niya ang kutsarang nasa harapan ng bibig niya. Nilasahan, ninamnam at dahan-dahang nilunon. Pinilit niyang hindi mapaubo ng tuluyan na niyang malulon ang maliit na sabaw.
Tinignan niya ng diretso si Yohan na parang sa tingin pa lang niya ay pinapahatid na niya ang gusto niyang ikomento sa niluto nito.
Marahil nabasa nito ang tingin niya kaya mabilis nitong tinikman ang niluto. Sumandok mula sa kawaling pinaglutuan at tinikman. Ito rin ay napaubo ng malasahan na nito ang sariling gawa.
''You should always taste your food while cooking it, in that case you'll be able to adjust its taste to your desire.''
Lumapit siya sa niluto nito. Binuksa ang automatic cooking stove. Kumuha ng isang basong tubig at binuhos dito. Kumuha rin ng pepper para magkaroon ng anghang ganun din ng kaunting suka at asukal.
''I didn't saw you're tasting your food while cooking it.'' Bakas pa rin sa boses nito na pumalpak ito.
''Not when you are expert like me.'' Nakangisi niyang sambit dito at hinalo ang niluluto.
Napangiti ito sa sinabi niya, ''I forgot, you are Autumn Gray. But still it's a garlic'' Lumapit ito sa kaniya at saktong pagpatay niya ng stove ay sumandok na ito gamit ang hawak nitong kutsara.
''Talk to yourself, big guy.'' Nakangiti niyang sabi nito dahil pilit pa rin nitong pinagpipilitan na garlic ang bawang. Gaano ba kahirap ang pagdetermine sa pagkakaiba ng dalawang iyon?
Tinikman nito ang sinandok nito. ''Wow!, I can't say something.'' Sabi nito ng patango-tango pa.
Kumuha siya ng service plate at sinalin ang adobo dito mula sa kawali.
''how can you do that?'' maya-maya ay tanong nito ng umupa siya sa isang stool na naroon at sinimulan ng kumain.
''Do what?''