'' Autumn? Why are you still here?''
Napatingin si Autumn sa harap niya at nakita si Althea na naroon.
Kanina pa siya nakahiga sa mahabang couch na nasa sala ng mansion. Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi niya alam ang pwedeng gawin ng mga oras na iyon.
Binalik niya sa kisame ang tingin at hinayaan lang ito. Nakita niyang bumuntong hininga ito at naupo sa pang-isahang upuan sa gilid niya.
'' Mahigit dalawang linggo na kitang napapansin na wala sa sarili mo. Hindi tulad ng mga nakaraang buwan bumalik ka na ulit sa dati ngayon. May problem k aba?''
Hindi siya kumilos at nanatiling nakatingin sa itaas. Gusto niyang sabihin dito na ayaw niya ng kausap. Gusto niyang paalisin ito sa harap niya, pero pwede naming siya ang umalis pero tinatamad siyang kumilos.
Nito talagang mga nakaraang araw ay wala na siyang ganang kumilos. Dalawang beses na rin sa isang linggo siyang pumupunta sa restaurant niya at nagtataka na rin ang ibang staffs niya sa kinikilos niya. Noong nakaraang araw lang ay may nasigawan siya na hindi niya naman nagagawa noon.
'' Oh, common, Autumn. Aren't you tired of being mute and deaf? Pwede ba magsalita ka naman. Minsan hindi kita maramdaman na kapatid naming dahil pinipili mong itago ang sarili mo mula sa amin.''
Napabangon siyang bigla sa tinuran ni Althea. Tinignan niya ito at tila nakipaghamunan din ito sa kaniya ng tingin.
''Don't use on me that creepy stares of you, Autumn. I'm telling you, it won't work.''
Napabuntong hininga na lamang siya.
''Sorry, sorry kung ganun na pala ang iniisip niyo sa akin. Pero okay lang talaga ako. Don't worry.''
Tumayo na siya at nagsimula ng maglakad patungo sa grand staircase.
''Basta, if you need our help, don't hesitate to come to us. Alam ko may problema ka but if you are ready to share it, I've more willing to hear it. Believe me Autumn. Believe us.''
Napahinto siya sa sinabi nito. Naramdaman naman niyang naglakad na ito palabas hanggang sa hindi na niya marinig ang mga yapak nito.
Napabuntong hininga ulit siya at nagtungo na sa kuwarto niya.
Mula talaga ng mga bata pa sila, hindi siya masyadong nakikihalubilo sa mga kapatid niya. Lagi lang siyang tahimik sa isang tabi. Hindi niya binibigay ang opinion niya unless tatanungin siya. Hindi siya madaldal na tao na salita ng salita. Kaya siguro iniisip ni Althea na parang nilalayo niya ang sarili niya sa mga kapatid.
Sa totoo lang wala namang lamang sa kanilang walo. Walang nakahihigit sa bawat isa. Pantay ang turing sa kanila ni Aurora mula ng maging mga 'anak' sila nito.
Pero bunso talaga ang turing nila kay Aiko na masyado nilang naiispoil. Kahit siya ay ganun din ang trato dito.
Alam naman niyang hindi siya pababayaan ng mga kapatid, na kahit iba iba man sila ng mga piniling career sa buhay ay nararamdaman niyang nandyan lang ang bawat isa na nakaantabay kung sakaling may isa man ang maagrabyado.
Pero hindi tala niya hilig ang ikwento ang mga personal nanangyayari sa kanya kahit pa sa mga kapatid. Wala din naman siyang mga kaibigan dahil para sa kaniya ang mga kapatid din niya ang mga kaibigan niya.
Pero bakit nga ba siya nagkakaganito. Ah oo nga pala. Dalawang linggo niyang hindi pa nakakausap si Yohan. Dalawang linggo na silang walang komunikasyon at walang balita sa isa't isa. Hindi niya alam kung umuwi na ba ito sa China at hindi sinabi o nagpaalam man lang sa kaniya. Matapos ang huling date nila sa amusement park ng gabing iyon, kinabukasan at ng mga sumunod pa na mga araw ay hindi na siya tinawagan nito.