CHAPTER THREE

2 0 0
                                    


Bango ng mga masasarap na pagkain ang bumungad sa kanila pagpasok. Halatang elegante ang restaurant na ito na maituturing talagang 5 star. Marami na rin ang kumakain kahit 10 pa lang ng umaga at mahahalata mo sa suot ng mga kustomer na hindi basta-bastang tao lang sa lipunan.

The whole interior design of the restaurant screams totally elegance.

Mula sa mga mesa, upuan at ang malaking chandelier sa itaas. British theme ang modelo na pinaghalong gold, brown and maroon ang kulay.

Mula sa pagmamasid, nabaling ang atensiyon niya sa mga nagkukumahog na waiter at waitress na mabilis na naglinyahan sa unahan nila. Pati mga suot ng mga ito halatang pinagkagastusan. Hindi tulad ng ibang damig ng mga waitress ang mga ito ay kakaiba. Tila ba nasa board meeting siya dahil mga nakasuit ang mga ito pero hindi talaga suit. Kakaiba ang design at karapat-dapat na mapuri ang gumawa noon dahil ngayon lang siya nakakita ng ganoon. Nakapasok naman na siya sa isang branch ng La Autumn sa Hongkong, dahil wala sa Beijing nito kung saan siya nakatira pero kakaiba din ang suot ng mga waitresses doon. Kulay Gray sa babae at black sa mga lalake.

Wow, pati pag welcome sa customer ay classic.

Nagtaas lang siya ng kilay ng makita niyang nagbow ang mga ito sa tuwing madadaanan nila at lalo siyang nagulat ng marinig niyang minamanduhan ng babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa alam ang pangalan ang mga ito. Wait?

" Guide him to the VIP room. And make sure to give him what he wants." bumaling ito sa kanya. " Just follow them. Order whatever you want and wait for me there." hindi pa siya nakakasagot ng lumiko na ito.

"Yes, señorita." sabi ng isang waitress at nagbow pa kahit hindi na ito nakita ng babae.

Nagtatakang hinabol niya ito ng tingin habang nagpapaakay sa dalawang waitress.

Pumasok sila sa isang kwarto na may pandalawahang upuan. Nilibot niya ang tingin sa loob at nakitang may mini chandelier sa itaas. May mga paintings na nakasabit at mas maganda ang disenyo ng mga upuan ang lamesa. Pang VIP talaga.

Umupo siya at binigyan ng menu.

" What do you want to eat, Sir?" nakangiting bati sa kanya ng waitress.

Tinignan niya ang menu, halohalo ang mayroong dish na naroon. Karamihan ay Pilipino Dish pero hindi pagkain ang gustong lumabas sa kaniya.

Bumaling siya sa waitress, na nakatayo sa gilid niya.

"Who is she? I mean the girl with me....earlier." napakunot lang ng noo ang babae at bigla rin namang umaliwalas.

" Oh, she is Señorita Autumn Gray, Sir." tila napapantastikuhang saad nito.

"Señorita?"

"Yes, Sir. She owns this restaurant as well the other La Autumn."

Napatango-tango na lamang siya at doon naman bumukas ang pinto.

Bakit hindi niya nakilala? Autumn Gray. Nakita na niya ito sa mga picture dahil ang pamilya nito ang lagging laman sa society page sa mga broad sheet kahit sa China. Kilala naman kasi talaga ang mga Gray at hindi niya inaasahan na makakasagupa niya ang isa sa mga ito. Parang royalty ang mga ito at sinusundan ng media ang kilos. Mas mayaman pa ata ang mga ito sa Royal Family eh.

Muli, yumuko ang waitress dito na tila ba prinsesa ito at kasalanan kung hindi ito yuyukod.

Tumango lang ito at umupo sa unahan niya.

Mas maganda ito sa personal. Kaya pala napakapamilyar nito. Karamihan kasi sa mga picture na ipapublish sa mga diyaryo ay nakaside view ito kung hindi man ay nakayuko.

Their DatesWhere stories live. Discover now