''Senorita, Mr Yohan, is waiting outside. Should I let him in?''
Napahinto siya sa ginagawa ng marinig ang boses ng secretary niya sa intercom. Akala niya ay hindi na magpapakita ang lalake matapos ng nangyari ng nakaraang araw. Hindi siya pumasok kahapon dahil ayaw niya itong makaharap.
Akala niya wala ito ngayon pero akala lang niya iyon.
Dapat pala sinabi niya sa mga staffs niya na sabihing wala siya kapag may taong naghanap.
At hindi niya alam sa sarili kung bakit ayaw niyang pakiharapan ito samantalang simpleng halik lang naman ang nangyari sa kanila. But for her, it's a big deal.
''Tell him to wait.''
Nagmadali siyang tapusin ang ginagawa. Tinawag ang isa sa service crew para kunin ang putaheng naluto niya.
Pumunta siya sa sariling banyo at tinignan ang itsura sa salamin.
Napatigil siya ng marealize kung ano ang ginagawa niya. Nagmamadali ba siya at nagpapaganda para sa pagkikita nila ng lalakeng noong nakaraang araw pa gumugulo sa isipan niya?
Nababaliw na talaga siya.
Nagkunwari siyang parang walang nangyari sa kanyang kakaiba ng pumasok siya sa VIP room na naging paborito na atang tambayan ni Yohan sa tuwing pupunta ito roon.
Mula sa pagkakaupo nito na nakatalikod sa pinto, humarap ito sa kaniya at tumayo ng makita siya.
''Autumn.'' Mukhang nananaginip ata siya dahil ultimo pagbanggit nito sa pangalan niya ay parang napakaespesyal niya.
Pansin niyang parang pagod ito ito at kung titgnang maigi ay nangangalumata ito pero hindi niya maikakaila na napakagwapo nito sa suot na simpleng white V-neck shirt at faded blue jeans at white rubber shoes. Mukha itong modelo na lumabas sa magazine at ngayon ay rarampa sa harapan niya. Nahigit niya ang hininga sa naisip dahil bumibilis na naman ang tibok ng puso niya.
''yohan'' sa kawalan ng masabi ay pangalan na lang din nito ang nasabi niya.
Tumikhim muna ito bago siya inayang umupo. ''have a seat first.''
''What do you want to eat?''tanong niya ng makaupo na siya at ganun din ito.
''I'm still full, thank you.'' Iba ito sa nakilala niyang kwelang Yohan sa nakikita niya ngayon.
Napakaseryoso nito.
''I just want to talk with you.''
Napakunot-noo siya.
''I know you feel it too. Believe me, it was my first time having a feeling like what happened the day before yesterday. And I know, its not something that we shouldn't take seriously.''
''What are you saying, Yohan.'' Bumilis pa ang kanina pang mabilis na tibok ng puso niya.
Parang alam na niya ang susunod na sasabihin nito pero kahit ganun hindi niya pa rin mapigilan ang kabahan. Para siyang natatae na ewan. Matindi pa sa kaba ang nararamdaman niya ngayon kumpara sa paghihintay niya ng resulta exam na tinake niya para nakapasok sa isang prestihiyosong culinary school sa England.
''What I'm saying is, do you think we can give it a chance?''
Naguguluhan siya sa sinasabi nito. Iba ata ang inaasahan niyang aalis na ito at hindi na makikipagkita pa sa kaniya. Hindi na ata niya kakayanin iyon dahil nasanay na siya dito.
''Chance for what? Can you just get to the point?''
May bakas na rin ng pagkainip at pagkainis sa boses niya.