**4**

3 0 0
                                    

“Ikaw pa lang ang dumating?” nagulat naman ako. Nandun pa

siya sa sulok at nakaupo.

Wow LJ, maghintay ka na naman ng 48 years wala pa ring

sagot. Anyways, never mind na lang ulit. Obvious naman ‘di ba

siya pa lang ang tao? Tanga ka talaga!…

“Maaga ka rin palang pumapasok.”

Hindi ba ako nananaginip?!? Nagsalita siya. OMG!

“Dati pa. Nakasanayan ko na kasi eh.”

“Ako rin eh. Maaga akong pumapasok, ayoko kasing lumakad

sa corridor ng maraming tao…”

“Bakit naman?”

“Ayoko lang.”

Grabe! Ang ayos na naman ng sagot niya. Pumapasok siya ng

maaga dahil ayaw niyang maglakad sa corridor kapag maraming

tao na. Dahil ayaw lang niya?

“Pwede bang magkwento ko tungkol sa iyo? Tapos ako naman.

Para makilala naman kita. Ang tahimik mo kasi. Napakahirap

mong i-predict.”

“Hindi interesting ang buhay ko. Walang espesyal. Ikaw na lang

ang magkwento.”

“‘Di pwede yun, kailangan ikaw rin. O sige, ako na lang ang

mauuna.”

Tapos nun, nagkweto na ako sa kanya. Di ko alam kung

nakikinig ba siya sa akin o mukha lang akong tanga dito na

nagkwekwento samantalang yung kausap ko eh nakayuko lang,

tahimik at hindi nagsasalita.

“…tapos ayun, dito kami lumipat kaya dito na ako nagaral.

Marami na rin akong naging kaibigan dito, yun nga lang wala

akong kakilala at naging classmate ngayon sa section na ito”

Tinignan ko siya, wala man lang siyang reaksyon sa kinuwento

ko. Sayang lang ang effort. ‘Di bale, mas ok na rin to at least

nagsasalita siya sa akin kahit papaano.

“O, ikaw naman Daryll! ako na ang nauna eh.”

“A-ako? Ahhh…”

Magsisimula nang bumuka yung bibig niya ng may biglang

Magsisimula nang bumuka yung bibig niya ng may biglang

dumating na isa pa naming classmate. Si Rico.

“Oh, kayo pa lang? Sabagay maaga pa naman.”

“Oo kami pa lang. Pero malapit na rin sigurong dumating yung

mga yun.”

Bigla na lang tumayo si Daryll sa pagkakaupo niya sa sulok,

kinuha niya yung bag niya at lumabas ng room. Ano na namang

problema nun?

“Saan pupunta yun?”

“Di ko alam eh.”

Sayang naman. Magkwekwento pa naman sana si Daryll kung

hindi dumating si Rico. Haay! Sayang talaga.

“Ang misteryoso ng lalaking yun. Ewan ko ba, ‘di mo

maintindihan. Ang tahimik, laging nagiisa, madalas pang

nakayuko. Hindi mo malaman kung bakit ganun siya. Hindi

naman yan ganyan dati eh.”

“Anong ibig mong sabihin na hindi siya ganyan dati?”

“Naging clasmmate ko siya nung elementary. Ang dami ngang

nagkakagusto diyan dahil palangiti, hindi siya suplado. Malapit

yan sa mga babae nun, lahat yata kaibigan nya na. Eh lumipat na

ako ng school kaya ‘di ko na alam kung anong nangyari. Ang

ako ng school kaya ‘di ko na alam kung anong nangyari. Ang

alam ko, ang kilala kong Daryll nun eh masaya palagi. Nakangiti,

hindi nakayuko at palakaibigan. Ngayon, kabaligtaran na yata.”

“Malay mo, may mga pagbabago naman talaga sa ugali natin.”

“Pero, pagbabago na ganun na lang ang pagkakaiba doon sa

dati? Ibang-iba talaga sa dati”

Sabagay, may point siya. Dati pala siyang masayahin, pero

ngayon bakit hindi na? Napapaisip na naman ako. Ano kayang

nangyari? Ang gulo. Ayokong mag-isip ng mag-isip. Baka

mabaliw lang ako.

mabaliw lang ako.

“Alam ko rin, lahat ng babaeng nagkagusto sa kanya ngayong

high school, lahat tinurn-down niya. Wala siyang nililigawan,

walang pinopormahan. Bihira lang makipag-usap. Pero sa kabila

nun, marami pa ring may gusto sa kanya…”

“Sa yo rin naman ah, marami ring nagkakagusto..”

“Hindi naman. Pero kung meron man, kinakaibigan ko hindi ko

tinuturn down gaya ng ginagawa niya.”

Wow. Bait naman. Eh, magkaiba naman kayo ng ugali ni Daryll.

Siya, bilang lang ang sinasabi. Buti pa ‘tong si Rico, ang daming

kwento.

Maya-maya pa eh dumami na kami. Nagdatingan na yung mga

Maya-maya pa eh dumami na kami. Nagdatingan na yung mga

classmates namin dahil malapit na rin naman ng magtime. Si

Daryll nakita ko sa labas ng room, dala yung bag niya at

papasok na rin. Bigla na lang may sumigaw ng “I love you

Daryll!” sa labas. Dire-diretso lang siya ng lakad. Nakayuko.

Hanggang sa makapasok na siya sa room. Tinitignan nga siya ng

buong klase. Kung ako naman din ang nasa kalagayan niya eh

maiilang rin naman ako. Umupo siya sa upuan sa tabi ko at

pinatong yung kamay niya sa desk at sinandal niya yung ulo niya.

Di ko alam kung natutulog ba siya o nahihiya lang. Tinignan ko

siya, tahimik pa rin.

Tinignan ko sa labas yung mga babae na sumigaw. Fans Club?

Di ko alam. Tapos lumapit yung isa.

“Miss, classmate mo si Daryll di ba?”

“Oo, bakit?”

“Pwede, pakibigay naman ito sa kanya. Pakisabi na rin na magaantay

ako.”

“Ahh, o sige.”

“Thanks ha.”

Tapos tumakbo na yung babae. Siguro Sophomore yun. Ano

naman kaya itong pinabibigay niyang papel na mabango pa kay

Daryll? Hmm…

Daryll? Hmm…

Love Letter….

The Diary ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon