**5**

2 0 0
                                    

Pumasok na ako sa room, pagkatapos ibigay nung babae yung

love letter nya para kay Daryll. Sabagay, may itsura naman

talaga si Daryll. Ang lakas ng dating. Bukod pa dun, talagang

mapapaisip ka sa kanya, kung ano ba talaga yung tinatagao niya.

Wala pang nakakapagpaamin sa kanya, kasi parang ilang siya sa

bagay na yun.

First Subject, Chemistry… Wow! Pakilala ever lang naman. Ok

lang, kahit papaano nakakapagdaldal na ako sa mga bago kong

classmate kahit na yung katabi ko, nagsasalita rin pero mas

madalas tahimik. Ok lang. Basta, bibigyan ko siya ng time para

makagaanan ako ng loob para naman mai-share niya kung may

problema ba siya o wala.

Next Subject, Physics. Ok naman, Nag-discussed lang tungkol

sa Vector and Scalar Quantity. Pinadefine din ang Physics.

Haay! Ilang minuto lang…. Break na! Yes!

Nagsilabasan na lahat. May mga natira pa rin naman. Kasama sa

mga lumabas ng room e si Daryll. Oo nga pala, di ko pa

naibibigay yung letter niya.

“Daryll, sandali lang..”

“Daryll, sandali lang..”

Huminto na naman siya nang hindi man lang lumilingon. Bakit

ganito to? Naku LJ! Masanay ka na…

“May nagpapabigay nga pala sa iyo kanina.” sabay abot naman

ako sa kanya nung letter.

Tinignan niya yung letter. Pero parang wala naman sa kanya.

“Sabi pa niya, maghihintay daw siya sa iyo. Ewan ko kung ano

yun. Basta yun yung sinabi niya tapos tumakbo na. Girlfriend mo

ba siya?”

Shut up LJ! Kung anu-ano yang itinatanong mo sa kanya. Kung

girlfriend man niya, ano naman sa yo?… phew! nonsense na

naman ako. Hindi na naman ako sinasagot.

“Hindi. Hindi ko nga siya kilala.”

Ibig sabihin yung babae eh, plain admirer lang niya. Ang tibay!

Ang lakas ng loob! Siya pa ang nanliligaw kay Daryll.

Binasa niya yung letter. Ewan ko pero blangko ang reaksiyon ng

mukha niya. Walang emosyon. Hindi mo malaman kung ano

yung iniisip niya.

“Pakisabi sa nagbigay nito, hindi ako pupunta. Maghintay siya

kung gusto niya. Wala akong pakialam. Tsaka, itapon mo na rin

yan, hindi ko kailangan ng basura.”

yan, hindi ko kailangan ng basura.”

Ano ba tong lalaking to! Babae na nga ang lumalapit, ang

pakipot pa. Tsaka hindi ko nga kilala yung babae na yun eh.

Alam ko yung mukha, pero hindi ko alam ang pangalan. Tsaka,

san ko naman hahanapin yun dito sa campus?

The Diary ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon