**3**

5 1 0
                                    

“Bakit mo naman naitanong?”

Haay! Painosente effect pa itong mokong na ito. Bakit hindi ba

niya alam sa sarili niya na napakamisteryoso niya at

napakatahimik kaya maraming napapaisip kung bakit nga ba? At

marami na nagsasabi na mababato ka lang kung kasama mo siya.

“Kasi, ang tahimik mo eh. Lagi ka pang nagiisa at nakayuko.

Ginagawa lang naman yun ng may problema di ba?”

“W-wala. wala akong problema. Ganito lang talaga ako.”

Grabe! Na-convince ako talaga. Over 100%, mga 10% siguro.

Feeling ko kasi meron talaga siyang tinatagago. Pero ano? Pero

Lj, malay mo naman kung talagang ganun lang siya ‘di ba??

Lj, malay mo naman kung talagang ganun lang siya ‘di ba??

Masyado kang nagiisip.

Maya-maya pa eh nasa 5th St. na kami. Sa kanto namin. Eh siya

sa susunod pa. Paano na yan, kailangan na naming maghiwalay.

Ang kapal ko naman kung magpapahatid pa ako sa kanya sa

bahay. Close ba kami? New classmates pa lang kami.

“Ei Daryll, Dito na ako eh. Salamat sa pagsabay mo sa akin ha.

Ingat ka sa pag-uwi.” sabay wink naman ako at smile.

“Ah.. sige.”

Wow! Ang dami niyang sinabi. ‘Ah’ tapos ‘sige’. Uy dalawa

yun. Ineexpect ko pa naman na sasagot siya ng “Ingat ka rin” o

kayamag-ooffer na ihatid ako. Pero kahit hindi na yung dalawang

yun. Kahit sabihin man lang niya yung pangalan ko ok na.

Nagpakilala naman ako kanina, pero hindi ko pa naririnig na

nabanggit niya ang pangalan ko. Mysterious naman.

Pagkauwi ko ng bahay eh nagpahinga lang ako saglit. Tapos

dumeretso na ako sa dalawa kong bestfriend, ang ever dear

bedroom ko at ang aking Diary. Grabe! Ang tagal ko na rin

silang nakasama. Since bata pa ako. Nakasama ko na sila sa

lungkot at saya. Kapag may sama ako ng loob, sa kanila ko

nailalabas. Yun nga lang, hindi sila tao na nakakapagbigay ng

advice. Lagi lang silang nakikinig sa akin. Good listeners nga sila

eh. Ay syempre, subok ko na sila, di nila ako iniiwan.

Dear Diary,

First day of classes, alam mo masaya naman. Wala pa akong

masyadong kakilala dahil bago lang ako. Syempre exciting dahil

new friends na naman at bagong pakikisama. Seatmate ko? Si

Daryll. Alam mo, siya ang taong mapapaisip ka talaga eh. Hindi

siya katulad ng ibang guys sa school na happy-go-lucky, cool,

makwento, pumoporma… siya yung guy na laging nakayuko,

nagiisa at tahimik. Misteryoso noh? Nakasabay ko nga siya

umuwi ngayon eh, pero hindi rin ako nakumbinsi sa sinabi niya na

ganun lang talaga siya at wala siyang problema. Feeling ko kasi,

meron siyang tinatago. At ang pinagdadasal ko eh mabanggit

man lang niya yung pangalan ko. Alam ko naman na

nakapagpakilala naman ako, pero all day hindi ko man lang

narinig yung pangalan ko na lumabas sa bibig niya.

Oo nga pala, may naging kaibigan din ako. Si Marianne,

classmate ko. Ok naman siya. Napapatawa nga niya ako eh.

Tapos na-elect pa akong muse sa klase dahil kay Rico, yung

treasurer. Pero sa totoo, may itsura yung Rico. Cute naman. Sige

dito na lang, magmumuni-muni muna ako.

Lj

‘Di ko na namalayan, nakatulog ako ng ‘di kumakain. Diet?

Hindi no. Ang aga ko nagising nung sumunod na araw. Kasi ang

aga ko rin nakatulog. Sabagay, ganun naman talaga ako dati pa.

Maaga pumasok. Lagi nga akong nauuna sa klase. Siguro naman

Maaga pumasok. Lagi nga akong nauuna sa klase. Siguro naman

bukas na yung room dahil sa guard o kaya sa janitor.

Naligo na ako. Nagbihis ng uniform. Kumain. Nagtoothbrush.

Tumingin sa salamin. Then check ulit ng gamit and off to school.

Medyo madilim-dilim pa nga nung umalis ako. Mag-6:00 pa lang

kasi, pasikat pa lang yung araw. Naglakad na lang ako dahil

exercise na rin.

Pagkadating ko sa school, wala pang tao maliban sa mga guard

at kung anik-anik pa na staff ng school. Eh mabait naman si

manong guard, matanong nga.

“May dumating na po bang estudyante? Gandang umaga po.”

“Ayan ka na naman, si Early bird. Pero ngayon, may nauna na sa

iyo eh. Ibang section yun alam ko. Di mo yata yun classmate”

‘Di ko classmate. Sabagay, ibig sabihin ako ang nauna ngayon sa

klase ko. Pero, paano naman nalaman ni manong guard na ‘di ko

nga classmate yun eh iba na ang mga classmate ko ngayon?

Ewan.

Pagkadating ko ng room, nagulat ako. Ako pala manong guard

ha ang Early Bird? You’re wrong. May nauna na sa akin. Pero

‘di ako sad. Classmate ko din. Nakita ko ang parehong figure.

Nakaupo sa sulok ng room, nakayuko, tahimik, gwapo pero

misteryoso. Mapapaisip ka talaga bakit ganun siya.

misteryoso. Mapapaisip ka talaga bakit ganun siya.

Eh di si Daryll…

The Diary ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon