**1***

24 1 0
                                    

Ang ganda ng sikat ng araw. Pero kahit ganun pa man eh

nasasayang ko lang kasi hindi naman ako lumalabas ng bahay

lalo na kapag walang pasok.Hello? Sinong kakausapin ko

naman kapag lumabas ako? Yung mga barkada ng Kuya ko sa

basketball? O yung mga batang babae na mahilig maglaro ng

lutu-lutuan? Gosh! Mas pipiliin ko na lang sa loob ng bahay

kaysa naman piliin ko ang isa sa mga yun. t masasabi kong

‘This is me’ dahil ang buhay ko, puro aral, school at loob lang ng

bahay maliban na lang kapag kinakailangan ko na talagang

lumabas. Kaya nga mas masaya pa ako sa school kaysa sa

bahay… at least sa school, mas marami akong nakakausap na

ka-age ko, pati sa level parehas.

First day of school, third year na ako. Ayoko na ngang pumasok

dahil nalipat ako sa section 1. Syempre, ako lang ang nalipat at

wala akong kakilala. Anong gagawin ko? May pagkamahiyain

ako sa simula. Tatanga lang ako. Patingin-tingin, walang kausap

habang silang lahat eh magkakaklase na lahat. Paano ba naman

akong hindi mababato nito, maging katabi mo ba naman eh

lalaki. At hindi basta-bastang lalaki… ang tahimik! Parang ang

salita nya, mabibili mo pa. Lagi pang nakayuko.

“Hello po… wala pa po kasi akong kakilala dito. Wala po kasi

akong naging classmate, pwede po bang makipagkilala?” naku

please! Please! para naman may kausap na ako. Ang tahimik mo

please! Please! para naman may kausap na ako. Ang tahimik mo

kasi eh!

Hanggang sa lumipas ang decade, hindi man lang ako pinansin.

Tuloy pa rin siya sa pagsulat ng requirements. Sabi ko na nga ba,

dapat hindi na lang ako nagsalita… hangin lang naman ako dito

eh. Hindi napapansin. Kaya ang masasabi ko na lang eh…

‘never mind’

Hindi naman ako galit sa kanya. Syempre, malay ko ba naman

kung talagang ganun lang siya… misteryoso. Ayokong katabi to!

Grabe! Magwawala ako nito eh. Boring… nakakabingi…

Pero pagkapos naming magsulat, nakatingin ako nun sa bintana.

Syempre, wala nga akong kausap di ba? May naramdaman

akong kumakalabit sa akin. Isang daliri… Oh well, siya lang

naman ang katabi ko… si Mysterious Guy…

“Hello din po, sorry kanina ha, nakakahiya kasi.” boses niya

yun? ang hinahon. Sabi ko na nga ba baka binibili ang salita nito

kaya pati boses nya, na-preserve.

“Ano pong pangalan nyo?” magsalita ka.. magsalita ka…

“Wag mo na akong i-po, bata pa ko e. Daryll… ikaw?”

“Ako? Lhea Janine. Lj na lang…” Daryll… Daryll pala ang name

ng seatmate ko.

Tapos nun, silence na naman. Asar! Akala ko pa naman kapag

nalaman ko na yung pangalan nya at nagpakilala na siya sa akin

eh hindi na ganito katahimik. Inaasahan ko pa naman may

kausap na ko. Pero hindi pala… wala pa rin.

Break time na. As usual, lalabas ako para hanapin yung mga dati

kong classmate para naman may makasabay akong kumain.

Wala pa nga akong ka-close di ba? Kaya hahanapin ko na lang

sila. Alangan namang yayain ko si Daryll, eh baka naman

tatsulok na yung mundo hindi pa rin siya nagsasalita.

“Miss, may kasabay ka ba kumain? Kain tayo” tama ba yung

narinig ko? May nagyayaya sa akin??? OMG…

“Wala po eh, sige po sabay tayo.”

“Ano bang name mo? Ako nga pala si Marianne.”

“Lhea Janine… LJ na lang”

Then, pumunta na kami sa school canteen. Kumain kami. At

least ngayon, may makakasundo pala ako ng first day ng school.

Akala ko wala eh.

Nagtawanan lang kaming dalawa. Ang saya nga eh. Ang dami

naman palang kumakain ngayon. Tapos may tumayong lalaki.

Biglang… tumakbo.“‘Di ba classmate din natin yun? Yung tumakbo? Alam mo ba

“‘Di ba classmate din natin yun? Yung tumakbo? Alam mo ba

ang name niya?”

“Daryll. Seatmate ko nga siya eh” tumakbo siya? nakakapagtaka

naman.

“Ano? Seatmate mo siya? Buti nakakatagal ka? Ang tahimik nun

eh. First Year pa lang ako, nakikita ko na yun. Laging nagiisa.

Minsan nakayuko. Ang weird..”

“Tahimik nga, pero tingin ko ok naman siya.”

Pagbalik namin sa room, walang tao. Doon muna kami ni

Marianne sa labas. Kitang-kita sa bintana si Daryll. Nakapatong

yung kanang braso niya sa sandalan ng upuan, tapos yung mga

daliri niya natatakpan ang kanang mata niya. Oo nga, ang tahimik

na naman niya. Misteryoso… pero sa tingin ko ‘di siya weird.

May problema kaya siya? O talagang ganun lang siya?

“Tingnan mo LJ, ikaw ba naman makakita ng ganyan ‘di mo

iisiping weird? Sandali lang ha, tawag kasi ako nung classmate

ko dati. Babalik ako.”

Tapos lumingon ako nung tumakbo si Marianne. Pagtingin ko ulit

sa loob ng room, wala na si Daryll. Pumasok na ako. Pagpasok

ko, nagulat ako nung nasa pinto siya. Nakaupo… nakayuko…

“A-anong ginawa mo diyan? hay nakakagulat naman siya.

“Kanina ka pa ba diyan?…

Kinausap niya ako ng hindi man lang tumitingin sa akin. Ni-hindi

man lang lumingon. Ano ba yan?! Ngayon lang ako nagkaroon

ng classmate na lalaki na na-puzzle talaga ako. Ewan ko ba…

parang… iba.

Sana lang… makilala ko pa siya…

Upload a File

Save

The Diary ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon