Nagulat ako nung tumabi siya sa akin. Pero hindi siya nakaharap
sa akin, nakatalikod siya. Ano na namang gusto niyang
palabasin? Ang gulo talaga nito. Kasi naman eh.. Kasi naman.
“Ah… hindi ako magso-sorry sa ‘yo sa nangyari kahapon.”
“Kahit ako. Oo, kasalanan ko na iba yung sinabi ko sa kanya.
Pero nakaganti ka na, ang sakit ng mga braso ko.”
“Hindi niyo kasi ako naiintindihan. Mas gusto ko na ganito ako.”
“Talagang hindi ka namin maiintindihan. Kasi wala ka namang
sinasabi.”
“Dahil ayoko. Wala akong tinatago. Wala. Bakit ba hindi kayo
naniniwala na ganito lang talaga ako? Bakit ba ang daming
nagtatanong sa akin kung ano daw ba ang problema ko?”
“Iba kasi yung kinikilos mo sa sinasabi mo. Lagi kang nakayuko,
nagiisa, tahimik. Ginagawa yun ng mga may problema”
Pagkatapos kong sinabi yun, hindi na siya nagsalita. Walang
nagsasalita sa amin. Tahimik kami parehas. Nakakabingi. Kaya
nagsasalita sa amin. Tahimik kami parehas. Nakakabingi. Kaya
nga nung nagdatingan na yung mga classmates namin, laking
pasasalamat ko dahil umingay na.
Ok naman yung klase, buti nga hindi boring. Nagcheck ako nung
locker ko nung breaktime na. Pero nakakapagtaka, bakit nasa
locker ko itong mga sulat na to.
“Daryll, To Daryll, … Eh kay Daryll lahat itong sulat na to ah?
Bakit nasa locker ko? Baka naman akala nila na yung locker ko
eh locker niya… nakakainis naman sila! Yung mga sulat nila dito
pa nila ihuhulog sa locker ko! Kung susulat lang din sila, wag na
silang mandamay.”
Pagbalik ko sa room, konti pa lang ang tao. Nageenjoy pa
siguro sila sa cafeteria ng daldalan. Naupo na lang ako doon sa
upuan ko, hihintayin ko si Daryll para maibigay ito sa kanya.
Paglingon ko, may nagbato sa akin ng hotdog sandwich. WOW!
sarap ah… yung pinakamalaki pa yung binili.
“Para san to?”
“Kumain ka muna. Masama ang nagpapalipas ng gutom”
“Thanks ha. Libre to ah. Walang bayad. Baka bigla mo na lang
akong singilin”
Haay! Mabuti na lang at may dala siyang pagkain. Nagugutom
na rin kasi ako. Nakakainis talaga siya, bakit kaya hindi pa niya
na rin kasi ako. Nakakainis talaga siya, bakit kaya hindi pa niya
nababanggit ang pangalan ko? Nakakahiya naman kung sabihin
ko sa kanya na banggitin niya man lang kahit minsa. Ay Oo nga
pal! Bago ko makalimutan…
“Oo nga pala, ano namang ginagawa ng mga sulat nila sa locker