“Kanina ka pa ba diyan?…
“Ha? H-hindi. Kadarating ko lang.” ano bang problema niya?
Bakit antahimik niya? Hindi normal.
Pagkatapos nung tinanong niya ako, tumayo na siya at bumalik
doon sa upuan at yumuko na naman. Inay ko po! Ano ba yan?
Then.. nagdatingan na yung mga classmates namin.
Wala daw yung teacher namin sa Physics I. Yeah… 3rd year pa
lang may Physics na kami. Pero Physics I… hindi pa ganun ka
major unlike sa 4th year. Since kailangan mag-elect ng class
officers, kailangan magpakilala isa-isa. Hindi naman na sa
harapan, kahit sa upuan na lang. Haay! Much better.
Nakakahiya kasi kung sa harapan pa.
Pagkatapos magpakilala ek-ek na yan, syempre election na.
Pagkatapos magpakilala ek-ek na yan, syempre election na.
Hindi naman ako nageexpect na maeelect ako. Hindi naman nila
ako kilala sa tingin ko kahit nagkaroon na ng pagpapakilala…
Ewan ko ba?! Hindi naman ako striking person na sa unang
tingin mo, tititigan mo talaga.
President namin si Marvin Cortez. Then Vice si Genina…
pababa. Nung nasa last na Muse… nagulat na lang ako nung
tanungin ako nung isa doon sa mga classmate ko.
“Miss anong pangalan mo?” tapos ngumiti siya.
“Lhea Janine Martinez.”
Tapos nagtaas siya ng kamay. Sinabi na niya yung respectfully
nominate na linya kapag botohan. Shocking! Nakakahiya. Sino
nga ba naman ako para maging muse?
“Siya nga pala, Rico Renegado.”
Ayun, na-elect akong Muse ng klase kahit ‘di ko naman
inaasahan na mananalo ako. Mas inasahan ko pa ngang manalo
si Mona, Short for Mona Rae, kasi ang puti na niya at maganda
talaga siya. Kapansin-pansin naman talaga siya. Ewan ko ba
kung anong pumasok sa utak nila at ako ang binoto. Tatlo lang
naman ang lamang ko sa boto. 29-26. Fifty-five kami kasi sa
klase.
At alam niyo ba kung ano ang ikinagulat ko? Akalain mo si
At alam niyo ba kung ano ang ikinagulat ko? Akalain mo si
Daryll ang na-elect na Escort. Ewan! Kung nakita niyo lang siya,
as in deadma effect talaga. Tahimik. Walang pakialam kung
maelect man siya or what. Pero ang kaibahan lang sa akin,
majority ng klase siya ang binoto.
Maya-maya pa, nag-bell na. Ibig sabihin uwian na. Nagsialisan
na yung mga classmates namin pero may natira pa naman. Inayos
ko na yung locker ko para hindi magulo pagkatapos umuwi na