**6**

3 0 0
                                    

Pagkatapos ng klse eh uwian na. Umalis na kaagad ako ng room

para pumunta doon sa likod nung Bldg. A. Baka nandun na yung

babae. Si Daryll, nowhere out of sight na. Syempre, wala

namang pakialam sa mundo yun kaya tiyak na umuwi na yun.

Ako naman naglakad na papunta doon sa likod ng Bldg A.

Tahimik nga dito, at lalo na ring sigurado na walang istudyante na

makakakita kung sino man ang gusto mong i-meet sa lugar na

ito. Nakuh naman! Yung babae na yun, bakit kasi dito pa.

Paglakad ko doon eh ingat na ingat ako. Tapos may boses ng

babae na nagsalita ng… “Daryll?”…napansin kong nagulat siya

nung nakita niya ako.

“Sorry ha, nadisappoint ba kita?”

“May imi-meet ka ba dito? Ikaw yung babae na pinagbigyan ko

nung sulat para kay Daryll di ba?”

“Hindi. wala akong imi-meet dito. Tama, ako yung classmate ni

Daryll. Oo nga pala, nandito ako para ibalik itong sulat mo sa

kanya…”

kanya…”

“Bakit…ba-?

“Pasensya ka na ah. Inabot ko na yan kay Daryll kanina. Eh…”

Wag ka magkakamali LJ na sabihin yung mga masasakit na

salitang binitiwan ni daryll kanina. Tiyak na maiiyak to. Ok lang

naman siguro na magsinungaling ka muna.

“Thank you daw diyan sa sulat. Na-appreciate niya. Kaya lang,

hihingi daw siya ng sorry dahil hindi siya makakapunta kaya ako

na lang pinapunta niya dito. Pinababalik niya ito kasi nabasa

naman na daw niya”

“Talaga? Ok lang sa akin kung hindi siya makakapunta. Baka

busy siya. Ang saya ko naman, nabasa niya to? Tsaka

naapreciate niya?“Ha? O-oo naman. Si Daryll pa.”

“Akala ko kasi suplado siya gaya nung ginawa niya sa ibang

babae na gusto siyang imeet dito. Kagaya nung ginawa niya sa

friends ko… Naiyak nga sila eh. Tiyak ko kapag naikwento ko

sa kanila yung sinabi mo sa akin na sabi ni Daryll, maiinggit sila

tiyak, kahit na hindi siya nakapunta ok lang. Ang saya ko talaga.

Sige pala mauna na ako. Uuwi na kasi ako eh. Ingat ka ha.”

“O-oo naman. Ingat ka din…”

“Pakisabi nga pala kay Daryll na hindi lang siya gwapo, ang bait

pa niya. Pakisabi na rin na alam ko na hindi siya gaya nung iniisip

ng iba na suplado at weird”

Umalis na yung babae. Ang bigat sa pakiramdam. Tama kaya

yung ginawa ko? Hindi ko sinabi yung mga dapat na sinabi ko sa

kanya. Lahat kabaligtaran. Lahat magaganda. Ayoko kasi

The Diary ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon