Chapter 2- Arrogant Nerd

487 26 16
                                    

Freya's POV

Nag-lalakad kaming dalawa ni Paris sa hallway papuntang CR. Break namin ngayon and 30 minutes pa bago ang next class.

"Pareho kayong chinese galing pa sa mayaman na angkan. Why not di'ba? You should agree to date him." Payo niya sa akin.

But I can't see my future with Claude and my heart is longing for Tenten's presence. Nalulungkot ako tuwing maiisip ko na baka nakalimutan na niya ako.

"I don't know why but my heart wants someone else." Bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing naalala ko siya, ang kababata ko.

Biglang may bumangga sa amin. Muntik na akong mawalan ng balanse ngunit naging maagap ito at nahawakan niya ako sa bewang bago pa man ako bumagsak.

"Sh*t!"

Agad akong tumayo at hindi ko napigilan mapamura pinulot nito ang mga nahulog na libro at inangat ang mukha. Seryoso ang mukha nito at may suot na eyeglass humalukipkip ako at mataray na hinarap ang bumangga sa akin.

"Cutie!" Sambit ni Paris pero nanatiling masama ang titig ko sa gag*ng bumangga sa akin. Nakapamulsa ito at bahagyang binasa ang labi habang seryosong nakatitig sa akin.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dina-daanan mo, nerd?!" Singhal ko sa kanya pero hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan at parang hindi nasindak sa akin.

Nagsimula nang magbulungan ang mga kapwa naming estudyante na nagmamasid sa amin ngayon at wala akong pakialam sa kanila.

"Baka ikaw ang hindi tumi-tingin sa dina-daanan mo." Baritono ang boses nito.

Galit akong lumapit sa kanya at itutulak sana siya ngunit mabilis nitong nahawakan ang kamay ko at napasubsob ako sa matigas nitong dibdib dahil sa biglaan nitong paghila sa akin. Nabigla ako and I heard someone gasping at ang kaibigan ko yun na napatutop pa sa bibig habang nakatitig sa ayos naming dalawa.

"Tsansing ka, miss!" May bahid ng pang-aasar ang boses nito.

Tinulak ko siya na mahinang tumawa. Inis na inis na ako sa lalaking ito sisirain pa ata nito ang araw ko ngayon.

"You nerd! Ang kapal ng mukha mo!" Hindi ko na napigilan mapasigaw sa inis pero parang namamangha pa na nakatitig sa akin ang gago.

"What did i do? Pinagtanggol ko lang naman sarili ko." Presko pa rin nitong sambit sa akin. The nerve of this guy!

Nilapitan niya ako na galit na galit na nakatingin sa kanya hindi ako makapaniwala na may gaganito sa aking estudyante. Ang masama pa, isang nerd pa at mukhang hindi ako kilala.

"What will you do? hmm little girl." Nanlaki ang mga mata ko sa tinawag nito sa akin.

Sa inis at galit ko ay nasampal ko siya, napa-oh ang mga nakakita. Hindi pa ako nakaranas ng ganitong kahihiyan sa tanang buhay ko pero dahil sa lalaking ito napapahiya ako ngayon.

Hinaplos nito ang namumulang pisngi at ngumisi saka hinawakan ako sa balikat at mahinang isinandal sa pader. Gustong kong kumawala sa kanya pero hindi ako makawala sa bisig nito.

"Get off me! You sc*mbag!" Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya.

"What if ayaw ko?" Ngumisi ito sa akin at bahagyang napatitig sa labi ko.

"Arrggh! You'll pay for this. Hindi mo ba ako kilala ha?!" Dinuro ko ang dibdib niya pero blanko lang itong nakatitig sa akin.

"Colleen Freya S. Lauchenco." Ani nito kaya nagulat ako.

"H-how did you know?"

"Your ID." Tinuro nito ang ID ko at muling hinawakan ang kamay ko.

"F*ck you! I said get off me!"

My First Love(Soon To Be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon