Chapter 11- Arrogant

235 19 13
                                    

Freya's POV

"CJ."

Lumingon siya sa akin. Nagulat siya ng makita ako lumapit ako sa kanya I really want to hug him and i miss him so much. Nasaktan ako nang malaman ang kasunduan nila ng ama ni Cheska.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Gulat niyang sambit.

"Kamusta na si Cheska?" Pormal kong tanong sa kanya.

"Bakit mo natanong?" Umiwas siya ng tingin.

"Sagutin mo na lang."

"She's fine." Malamig niyang sagot.

"Buti naman."

Seryoso lang ang tingin niya sa akin. Hindi ako sanay na ganito sa akin si CJ.

"Umalis ka na dito." Pagtataboy niya.

Nakaramdam ako ng sakit sa pagtataboy niya sa akin. Tinalikuran niya ako naiinis na ako CJ.

"Bakit mo ako pinapaalis?"

"Kasi ayokong makita ka ni Cheska baka lalong lumala ang sakit niya." Ano'ng akala niya sa akin? May gagawing hindi maganda dun sa babaeng yun? We're rival but I'm not that heartless.

Nasasaktan talaga ako. Umiwas lang ako ng tingin para hindi niya makitang nasasaktan ako.

"Wala akong gagawin."

"Kahit na!" Ramdam ko ang inis sa boses niya.

"Bakit bigla ka na lang naging concerned sa kanya." Naiinis na rin ako.

Humarap siya sa akin at madilim ang mukha niya saka siya lumapit sa akin.

"Alam mo kung bakit?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko."

Pinapatatag ko lang ang sarili ko pero yung totoo gusto ko ng magmakaawa sa kanya na ako ang piliin niya.

"Kasi siya yung taong labis na nagmamalasakit sa akin. Kailangan nasa tabi niya ako lagi aalagaan ko siya and i should stay away from you wala ka namang ibang ginawa kundi saktan ako!"

"Dami mong sinabi. Kung gusto mo sa tabi niya fine!"

Tumalikod siya sa akin at pumasok ng silid ni Cheska. Para akong nanghina sa mga sinabi niya. Kasalanan ko naman kasi I'm being harsh towards him parang nagsisi ako na tinaboy ko siya sa Isla.

Para akong sinaksak sa dibdib sa sinabi niya. Lagi ko siyang sinasaktan? Kasalanan ko bang ganito ako? na gusto ko lang suyuin niya ako? Kaya ako nagkaganun kase nagseselos ako? Aish! bahala siya eh di dun siya kay Cheska. Mabigat ang loob na umalis ako.

SCHOOL

"I heard nakalabas na si Cheska at aba todo bantay sa kanya si CJ." Sambit ni Paris.

"The hell we care!" Inis na sambit ko.

"Freya is right."

Uminom lang ako ng iced tea at tumingin sa kawalan. Isang linggo na ang nakakalipas at isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Parang ang lungkot at walang sigla ang mundo ko.

"Tulala ka, Frey. Any problem?" Nag-aalalang sambit ni Paris.

"Nothing."

Tumango sila.

"SI CJ at Cheska oh."

Lumingon kami pumasok sila ng cafeteria at aba parang linta kung makadikit sa kanya si Cheska. Yan ba ang galing sa sakit? Kairita ha. At si CJ parang wala lang madilim lang ang mukha niya.

"Parang walang sakit ah."

"Oo nga eh."

Umiling na lang ako at binaling sa iba ang tingin ko. Nasasaktan ako. I don't know why. Am I falling for him? Kaya ba ako nasasaktan ngayon?

"Let's go."

Tumayo ako at naglakad. Wala akong pakialam kung sumunod sila basta makalabas lang ako sa cafeteria ok na ako.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako? Bumuntong hininga ako at pumunta ng CR.

Nagreretouch ako ng may narinig akong nag-uusap. Natigilan ako at naging interesado ako sa pinag-uusapan nila.

"Nakakilig si CJ noh? Ang swerte ni Cheska."

"Oo nga pero balita ko balak daw magmerge nang mga Fuentebella at Legaspi?"

"Eh di-"

"Yes! i know what you're thinking obviously balak silang ipakasal."

Natigilan ako. Hindi pwede? Inisip ko pa lang nasasaktan na ako.

"Ang swerte kaya ni Cheska kay CJ gwapo na maalaga pa."

Padabog kong nilagay ang lipstick ko sa pouch at naiinis na tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Subukan mong pakasalan siya CJ makikita mo talaga kung paano ako mag-selos ng todo.

CJ POV

"Dad." Lumapit ako sa kinaroroonan nito na nakaupo sa paborito niyang couch while drinking his coffee.

Lumingon sa akin si Dad.

"Sabi ng Mom mo nagkita na daw ulit kayo ng kababata mo?" Malamig ang boses na saad nito.

"Nung nakaraan pa Dad pero ngayon hindi na kami nagpapansinan pa." Tumango siya at parang masaya siya sa sinabi ko.

"Good to hear that. Alam mo naman sigurong gahaman ang pamilya nila diba?"

Tumango ako. Somehow naiisip ko pa rin siya hindi ko kayang iwaglit siya sa isipan ko. I miss her damn it!

"Gusto ko si Cheska ang lagi mong samahan. I like her for you and besides Francis is my friend too."

"Yun nga ang ginagawa ko, Dad." Tumayo si Dad at humarap sa akin.

Ngumiti si Dad at tinapik ako sa balikat.

"Gwapo ng anak ko dala dalawa ang chicks."

Tumawa ako ganito kami ng pamilya ko parang barkada ang turingan kaya mahal na mahal ko sila.

"Ceej."

Lumingon ako. Si Ate. Nasa poolside ako nagpapahangin at nakalublob ang paa ko sa tubig habang umiinom ng rhum.

"Ano yun, Ate?"

"Are you sure about this set up? Baka magsisi ka lang."

"Yes Ate ayoko ring saktan si Cheska."

"Pero si Freya-"

"She choose Claude than me Ate kaya wala na akong pakialam pa sa kanya."

"Ang bilis sabihin pero eto ba-"

Sabay turo sa dibdib ko sa tapat ng puso ko ngumiti siya at tumingin sa mga mata ko.

"Wala pa ring pakialam sa kanya?" Natigilan ako.

"Ate." Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"Alam ko si Freya ang gusto mo pero pinipigilan mo lang kasi ayaw mong masaktan si Cheska at ang sarili mo mismo takot kang sumubok."

Natamaan ako sa sinabi ni ate. Si Freya nga ang mahal ko at hindi na magbabago yun. Siya lang mula noon hanggang ngayon. Ang kababata ko na sobra kong hinangaan at mahal. Parang ngayon lang pumasok sa isip ko yung mga nasabi ko sa kanya sa ospital. Fuck! What did I do? Matatanggap pa ba niya ako?

My First Love(Soon To Be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon