Chapter 10- Responsibility

232 21 12
                                    

Freya's POV

Hindi na siya nagpakita sa amin pagkatapos nang nangyari kanina. Ewan ko kung nasaan siya ngayon baka magkasama na naman sila ni Cheska.

"Ang harsh mo kanina kay CJ gusto niya lang naman ibigay sa'yo yung bracelet na ginawa niya pero hinarang siya ni Claude. Si Claude nagsimula kalmado lang kanina si CJ pero tinulak niya dun na nagalit si CJ."

Napatingin ako kay Paris dahil sa sinabi niya.

"Yeah, She's right." Sang ayon ni Brix.

Tahimik lang si Claude sa tabi ko. Hinarap ko siya.

"Totoo ba, Claude?"

"Ayoko lang na lumapit siya sa'yo."

"Bakit? Ano ba kita?" Naiinis ako.

Yumuko siya.

"I'm sorry!"

"The damage has been done siguro galit na siya sa akin ngayon." Umupo ako sa couch at kinuha ang isang canned beer.

Uminom ako ng beer. Siguro nilalandi na siya ni Cheska ngayon. Naiinis na naman ako no! I'm fucking jealous right now!

Akala ko magiging masaya ang bakasyon na ito. Yun pala ganito lang ang mangyayari taas din kasi ng pride ko eh pero gusto ko lang naman kasi suyuin niya ako.

"Hayaan mo na girl. Magkakaayos din kayo." Tumabi sa akin si Paris at kumuha din ng canned beer.

"Oo nga. We're here to enjoy!"

Tumango ako at napasandal saka napapikit na lang ako. I'm jealous! I'm really jealous!

CJ's POV

"Jus, tama na yan!"

Napatingin ako kay Cheska. Umiling ako at muling nagsalin ng alak sa baso.

"Hayaan mo ako dito!"

"Bakit ba nagkakaganyan ka sa babaeng yun? Walang ibang ginawa yun kundi ipagtabuyan ka. Mas gusto niya si Claude."

Nahihilo na ako dahil sa epekto ng alak.

"Hindi ko alam kung bakit niyo minamahal ang babaeng yun puro pabigat at pasakit lang naman bigay niya." Bakas ang inis sa boses nito.

Tumayo ako at hinawakan siya ng mahigpit sa kamay.

"Wag mong pagsalitaan nang ganyan si Colleen sa harap ko!"

"Totoo naman CJ eh!"

Winaksi ko ang kamay niya at lumabas. Mabilis naman siyang sumunod.

"I'll help you, CJ. Forget her, please. I like you!" I heard her pleading pero nagpatuloy lang ako sa paglakad.

"I don't like you!" Mabuti na yung malaman niya agad kesa naman paasahin ko siya sa wala.

"I don't fucking care-ugh."

Napalingon ako ng marinig siyang parang nahihirapan. Nakita kong nakahawak siya sa dibdib niya at nakaluhod. Nawala ang kalasingan ko.

"Cheska!"

Dali Dali ko siyang dinaluhan napakapit siya sa damit ko mabilis ko naman siyang inalalayan.

"My chest hurts alot, CJ."

"Shh, i'll call an ambulance." Napaupo ako sa buhangin at hinayaan siyang humiga sa bisig ko. I'm worried and guilty lalo na nung makita kong namumutla na siya.

Kinuha ko ang cp sa bulsa. Nakita kami ni Brix kasama niya ang lima umiwas ako ng tingin nang magtama ang paningin namin ni Freya. Lumapit si Brix at Paris sa amin.

My First Love(Soon To Be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon