Chapter 16- Loving CJ Fuentebella

246 18 10
                                    

"Childhood Love in other words, Is the gateway to pure eternal bliss."

Freya POV

"Uy, CJ! Ok ka lang?"

Tulala pa rin siya hinawakan ko siya sa balikat at mahinang niyugyog. Napakurap kurap pa siya at tumingin sa akin, natatawa ako sa kanya. Ang cute niya kasi eh.

"Sampalin mo nga ako, Colleen." Bigla niyang nasabi.

Ako naman ang nagulat. Bakit naman gusto niyang masampal ko siya?

"Ha? Bakit naman?"

"Baka nanaginip lang ako eh."

Natawa ako kaya sumimangot siya. Ang cute niya sobra.

"Ano'ng nakakatawa?" Hinawakan ko siya sa pisngi at masuyong kinurot ang pisngi niya.

"Cute mo kasi eh." Ngumiti ako sa kanya at natulala na naman siya. Hayy naku CJ! Mas lalo akong nahuhulog sa'yo.

"Ano ako aso?" Ngumiti lang ako saka hinaplos ang pisngi niya.

"Mahal kita, CJ!" Napapikit siya sa ginawa ko.

"Nanaginip ako." Bigla siyang umiling at namumula na naman ang tenga niya. Kinikilig siya!

Ngumiti ako saka nilapit ang mukha ko sa mukha niya at siniil siya ng halik sa labi. Nabigla pa siya sa ginawa ko.

Napapikit siya ganun din ako tumugon siya sa halik ko nilagay ko ang kamay ko sa batok niya habang ang kamay niya nakayakap sa bewang ko. This is magical!

Maya maya pa tumigil na kami pero nanatili kami sa ganung pwesto.

"Mahal kita, Colleen!" Dinikit niya ang noo niya sa noo ko.

"Mahal din kita, CJ!" Hinaplos ko ang buhok niya.

Ngumiti siya. Sa wakas nasambit na namin sa Isa't-isa ang tatlong salita.

"Akin ka lang."

"Sa'yo lang at akin ka lang din."

"Simula pa lang mga bata tayo sa'yo lang ako."

Niyakap ko siya. Ganun din siya sa akin. Ang ganda ng panahon! Wala ibang tao dito kundi kaming dalawa lamang. This is our safe haven.

"Wag mo na akong iwan."

"Hindi na."

"Ipangako mo."

"Pangako."

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at nginitian siya.

"Sasabihin ko kay Claude na itigil na niya ang panliligaw sa akin."

"Ha? Hinayaan mo talaga yun na manligaw sa'yo?"

"Kasi ayoko na siyang paasahin pa atsaka ikaw din naman ah hinayaan mo din na landiin ka ng Cheska na yun." Mahina siyang tumawa at muling hinawakan ang bewang ko.

"Kasi?"

"Ikaw na ang mahal ko."

Malawak ang ngiti niya mahina kong kinurot ang pisngi niya.

"Sasabihin ko na rin kay Cheska na ititigil ko na ang engagement namin."

Natigilan ako paano kung sabihin sa kanya ni Cheska?

"May problema ba?" Napansin niya siguro ang biglang pananahimik ko.

"Wala naman sobrang saya ko lang, Ceej."

"Masaya din ako, Colleen."

Niyakap niya ako. Ang bilis nang tibok ng puso ko ngayon kaya masaya ako, sobrang saya ko dahil kay CJ.

My First Love(Soon To Be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon