Chapter 1- Miss Perfect

839 29 15
                                    

Freya's POV

Mabilis na humawi ang mga estudyante sa hallway nang dumaan kami, nangunguna ako sa paglakad syempre dahil ako ang leader.

Sikat kami dito sa VH or Vermont High. One of the prestigious school here in the Philippines. Kasama sa grupo ay ang mga kaibigan kong sina Paris Mendoza, Georgina Arellano, Nathaniel Olivares, Saebrix Villarama.

I'm Colleen Freya Saavedra Lauchenco, ang nag-iisang anak ng isang chinese business tycoon at dating modelo at aktres. I'm a spoiled brat and a playgirl at the same time. Halos lahat ng gwapo sa VH naging laruan ko na at kung ano'ng gusto ko ay makukuha ko kahit ano pa yan ganyan ako kamaldita.

Maraming huma-hanga sa kagandahan kong taglay. Maputi at kutis mayaman, Matangos na ilong, kissable pinky lips, rosy cheeks, mahahabang pilikmata,balingkinitan ang pangangatawan at kulay hazelnut brown ang singkit kong mga mata.

Matalino din ako at kasalukuyang presidente ng student council at member ng mga school clubs.

Si Paris Mendoza, Anak ng general takot na lang nilang umaway sa kanya o sa grupo niya. She's a shopping monster and a conyo.

Si Georgina Arellano, Anak ng isang engineer at architect, She's a bitch wala siyang pakialam kung masasaktan ka sa sasabihin niya ang importante sa kanya manira ng tao.

Si Nathaniel o Nate Olivares, Ang badboy nang VH sa grupo siya ang mas close sa akin. Siya lang ang may kakayahang umakbay at maglaro ng buhok ko. Knowing me? I'm a brat ayaw ko na ginagalaw ang buhok ko. Si Nate lang pwede walang araw na wala itong pasa sa mukha.

At si Saebrix o Brix Villarama, Ang MVP king ng VH. Ang BF ni Paris, anak ng isang sikat na dentista at cardiologist. Tahimik ito at suplado pero sa grupo lumalabas ang pagiging kwela nito.

"Tabi nga!"

May pwesto kami sa gitna ng cafeteria at kami lang ang pwedeng makaupo diyan.

"Ang haggard ko na." Maarteng reklamo ni Paris pagkaupo namin.

Agad tumingin sa salamin na hawak ni Brix si Paris at agad nag-retouch umirap lang ako sa kanilang dalawa.

"What's your plan for vacation, Freya?"

"I don't know." Walang gana kong sagot while busy scrolling my phone.

"No plans? That's so new for you. I mean you? I can't believe it."
Walang pasubaling sabi ni Georgina.

"Watch your mouth!"

She just rolled her eyes at tumayo na para mag-order.

May dumaan sa aming harapan na grupo ng mga babae at nag-uusap.

"Ang gwapo ng transferre!" Halatang kinikilig pa ito.

"Oo nga! Although parang nerdy siya because of his specs, hindi naman maikakaila na sobrang lakas ng dating niya."

Sinamaan ko ng tingin ang mga babae. First day of school, ang haharot.

"What's with that face, princess?"
Tanong ni Nate. Napansin nito na nakasimangot ako.

"Nothing."

Sinubuan ako nito ng fries at agad kong kinain yun.

"Iisipin ko na talagang kayo!" Biro pa sa amin ni Paris.

"Are you insane?" Kumibit balikat na lang ito at kumain.

"I heard your childhood friend is back." Biglang nasabi ni Georgina. Yan ang sinabi niya ng bumalik siya.

Sandali akong tumigil sa pagkain at napatingin kay Georgina.

"Who?" Dalawa kasi ang kababata ko pero hindi ko na maalala ang isa.

"Si Claude."

Tumango ako. I remember him.

"Don't you miss him?"

"I miss him but i expect someone else. "

"Who? Oh! Your other kababata!"

"What's his name again?"

"Tenten."

"His real name."

"That's all i remember matagal na rin kasi silang umalis." Mga bata pa ata kami noong mag-migrate sila sa abroad.

"I see. How would you feel if he comes back?"

"I don't know but surely i would feel happiness. "

"Dalaga ka na, Freya."

Umirap lang ako.

Nasa classroom na kami ng biglang pumasok ang professor at may kasamang matangkad at chinito na lalaki. Gwapo ito at malaki ang pangangatawan and he's kinda familiar.

"Please introduce yourself in front, mr. Co."

Humarap ang chinitong lalaki sa amin at parang may hinahanap at nang makita ako ay ngumiti ito at kumaway sa akin nagulat ako at napaisip hindi ko ito kilala pero familiar siya and it must be-.

"I'm Claude Jerson Co." Nanlaki ang mga mata ko.

"Kyaaah! si Claude, girl!"

Ngumiti ako kay Claude and I still can't believe na umuwi na siya. Bakit hindi niya man lang sinabi sa akin na uuwi siya?

"You may sit now, Mr.Co."

Tumango si Claude at dali daling pumunta sa gawi namin at umupo sa tabi ko.

"Freya! I miss you!" Masayang saad niya sa akin.

"Ikaw na ba yan, Claude?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

"Ako nga. How are you?"

"Mabuti naman! matagal kayong hindi nakauwi dito ah." He held my hand.

"Busy kasi si Dad sa states kaya hindi na kami nakapagbakasyon dito. I'm sorry for that." Ngumiti ako sa kanya.

"I see. I miss you, Claude!"

Ngumiti si Claude sa akin at mas lalong sumingkit ang mga mata nito.

"Ang gwapo!"

Lumingon kami sa mga kaibigan ko.

"Nga pala mga kaibigan ko, Claude. Sina Georgina, Paris, Brix and Nate."

Tumango lang si Nate. Ganun din si Brix. Si Paris nagpacute pa. Habang si Georgina ngumiti.

"Hi, guys! I'm Claude."

Ngumiti lang sila. Umayos na ako ng upo hindi mawala sa isip ko si Tenten. Kamusta na kaya siya? Naalala pa kaya niya ako? I hope so. May girlfriend na kaya siya? Napasimangot ako sa naisip ko.

"Hey! Are you mad?"

"I'm not, Claude. May naalala lang ako."

"I promise! Hindi na ako aalis, Freya. Hindi na kita iiwan pa."

Ngumiti lang ako sa kanya at nakinig na kay Prof. I'm patiently waiting for Tenten at nang matupad na ang ipinangako niya sa akin noon.

My First Love(Soon To Be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon