Chapter 15- Secrets

255 19 10
                                    

Freya's POV

"Layuan mo na si CJ!" Napatigil ako sa paglakad dahil sa sinabi niya.

Nasa hallway kami ng ospital, aalis na sana ako ngunit sinundan niya ako. Ano ba ang kailangan ng babaeng ito?

"Hindi ko lalayuan si CJ! At, sino ka para utusan ako?"

"Baka gusto 'mong sabihin ko sa kanya ang sikreto mo." Nakadama ako ng galit sa sinabi niya.

"Walang hiya ka talaga, Cheska! Lumaban ka ng patas!" Ngumisi siya sa akin habang ako nagagalit na tumitig sa kanya.

"Ang galing ko kay CJ lang pala kita matatalo. Don't worry! mahal ko si CJ aalagaan ko siya sa oras na malaman niya ang sikreto mo. I'm sure kamumuhian ka niya."

"Mahal ko din si CJ at ipaglalaban ko siya! Kahit magalit man siya sa akin babalik pa din siya kasi ako ang mahal niya."

"So, be it! The war is just started, Landicho. Ano kaya ang mararamdaman ni CJ pag nalaman niyang pinagpustahan siya ng babaeng minamahal niya? Ano kaya mararamdaman mo pag nalaman na ni CJ ang sekreto mo? I'm sure kakamuhian ka niya, excited na akong makita ang pagbagsak mo, Miss Perfect!"

Ngumisi ito at bumalik sa silid ni CJ.
Nakakainis! Ang sarap niyang sampalin nang paulit-ulit. Kung dumating man ang araw na malalaman ni CJ ang lihim ko, sana paniwalaan niya ako kasi hindi ko kakayanin pag nagalit siya sa akin.

Umuwi ako at nagulat ako ng may makita akong lalaking matanda na nakaupo sa sofa habang hawak hawak ang kanyang cane.

"Angkong!?" Natutuwang saad ko.

"My favorite Apo! Don't you miss angkong?" Malambing nitong saad sa akin.

Nilahad nito ang mga kamay, ngumiti ako at lumapit sa kanya saka yumakap kay Angkong. Si Angkong, nandito ang hero ko. Ang ayokong pumunta dito si Ahma kasi gusto niya mga inuutos niya sinusunod namin. And, she's strict.

Niyakap ko ng mahigpit si Angkong.

"I miss you, Angkong!"

Tinap nito ang balikat ko. "I miss you too, Hija!"

"Sino po kasama niyo umuwi dito?"

"Ako."

Lumingon ako. And, there she is, halos walang pinag-iba sa mukha niya. Punong-puno pa rin ng elegante ang postura nito, maraming nagsasabi na kamukha ko daw si Ahma noong dalaga pa siya, nandito na siya mas lalo akong mahihirapan nito. I'm sure hahadlang siya pag nalaman niyang sa isang Fuentebella ako umibig.

"A-ahma."

Tinaasan niya ako ng kilay, umiwas ako ng tingin. Strikta talaga niya, lumapit ako sa kanya at dinampian ng halik ang pisngi niya.

"How are you?"

Umupo ito sa tabi ni angkong. Half Chinese, Half Filipino si ahma samantalang si Angkong, may lahing espanyol at Chinese.

"I'm fine, Ahma."

"Tama ba na nililigawan ka na ni Claude, Hija?"

Hindi ako makasagot ayaw ko na kay Claude at si CJ ang mahal ko.

"Ahma ano kasi-"

"Wag mo nang sagutin ang importante totoo yun, maraming nakakita sa inyo."

Tumango na lang ako, para wala ng gulo.

"Ikinatutuwa ko yan, Apo. Mas lalong lalakas ang kompanya natin pag nakipag-merge ang mga Co."

Tumahimik na lang ako.

"Next month, be ready." Napatingin ako sa kanya. Ano'ng meron?

"About saan, Ahma?"

Nabigla ako ng may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako, si Dad at Mom lang pala, humalik ako sa pisngi nilang dalawa.

My First Love(Soon To Be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon