Chapter 12- Old Friend

230 17 11
                                    

"My childhood memory has the sweetest touch of love and pain"

Freya POV

"Hi, Freya."

Sinamaan ko ng tingin si cheska na nakangisi sa akin. Naiirita ako sa pagmumukha niya himala hindi niya kasama si CJ.

"What do you want?" Nakahalukipkip kong tanong sa kanya.

"Masarap palang mahalin nang isang katulad ni CJ." Nakangisi pa ito habang sinasambit yun.

"And so? Walang may pake." Tinalikuran ko na siya at aalis na sana nang magsalita siya.

"I just want to say na alam ko ang baho mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Nabigla ako sa narinig. Paano niya nalaman? Sino ang nagsabi sa kanya? Lumingon ako kay Cheska at Nakangisi siya ngayon sa akin.

"Ano? Ulitin mo nga yung sinabi mo."

Lumapit siya sa akin at bumulong siya sa akin.

Nagitla ako sa binulong niya.

"I know your dirty tactics Freya so take care."

Tinap niya ako sa balikat at nilagpasan ako. Nanghina ako bigla maari niyang gamitin yun para mapabagsak ako at para kamuhian ako ni CJ.

Paano niya nalaman? Sino ang nagsumbong? Ang alam ko kaming anim lang ang nakakaalam nang sikreto. Hindi pwedeng malaman ni CJ ayokong kamuhian niya ako ayoko.

Wala sa sariling lumapit ako sa pwesto ng mga kaibigan ko. Napansin nila ang pagiging balisa ko.

"Freya, you look pale. Are you okay?"

Tiningnan ko sila isa isa at kunot noo naman silang nakatingin sa akin.

"You look serious, Frey. What's the problem?"

"Cheska already knew our secret." Matigas kong sambit.

"What? How?" Halata ang gulat sa boses nila.

"Yun na nga eh anim lang tayo ang nakakaalam. May isa sa inyo ang nagsabi sa kanya!"

"Hindi kami ang nagsabi sa kanya." Nasabi na lang ni Nate.

"Then who?" Isa sa amin ang traydor.

"I swear Frey hindi kami ang nagsabi kay Cheska."

"Baka may nakarinig nung nag-usap tayo at pinaalam kay Cheska."

"Claude's right."

"Arrggh ayokong malaman ni CJ ito."

"Paano yan?"

"Basta gagawa ako ng paraan."

"I know you can make it. Tell me do you like CJ?"

"I don't know." Napaupo ako.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero alam ko deep inside na may nararamdaman talaga ako kay CJ. Hihintayin ko ba siya ng ilang taon kung wala? This is not just a puppy love since when we're kids. I'm inlove with him and I'm afraid na malaman niya yung katangahan na ginawa namin sa kanya. Duwag ako na aminin sa kanya ang kasalanan ko.

"Hayy naku girl bago ka pa unahan ng gorilla na yun puntahan mo na si CJ. Sabihin mo na sa kanya ang lahat."

"Go girl! puntahan mo na si CJ." sambit ni Paris.

"Wag niyong pilitin kung ayaw ni Freya. Don't pressure her." Matigas ang sambit ni Claude.

"Wag ka ngang KJ, Claude! Kayo nagpasimuno nito. Una pa lang sinabihan ko na kayo and now, that's the consequences." Napatingin ako kay Georgina dahil sa sinabi niya. It strucks me.

My First Love(Soon To Be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon